Chapter 14 - Chasing After The Real Culprit

1493 Words
Nakahinga ng maluwag ang dalaga sa tinuran nito. Ang gulo talaga ng ugali ng isang ito, minsan mabait pero madalas masungit. Isip-isip ni Ashley. Inabutan siya nito ng pamalit na damit. “Pwede kang maligo sa banyo malapit sa pinto ng kwarto, sa likod bahay na lang ako maliligo, may poso kami dun.” anito. Giniginaw na siya dahil matagal ng basa ang mga damit nila kaya agad na siyang tumalima. Pagkatapos maligo ay naabutan na rin niya sa sala si Cedrick. Nakabihis na rin ito. Natulala pa siya saglit sa itsura nito na bagong paligo, nakashort lang ito at puting sando. Ang gwapo at ang linis nito sa paningin niya. Lalong lumabas ang mga masel nito sa suot na sando. Ipinilig niya ang ulo. Diyos ko po Ashley! Ano ba yang iniisip mo. Sita niya sa sarili. Naglabas ng laptop si Cedrick at sinaksak ang usb na inabot ni Ashley. Sabay silang naupo sa sofa at seryoso ang mga mukha na isa-isang tiningnan ang laman ng usb. Malakas ang kutob ni Cedrick na baka naglalaman din ito ng isa sa mga ebidensya na hinahanap nya. Naglalaman ito ng di mabilang na mga ghost employees at mga proyekto na pinaglalaanan ng malaking pondo pero hindi naman nag-eexist. Nalaman niyang napakalaking halaga ang nawala sa kumpanya kesa sa inaakala niya. Iba-iba rin ang mga bank accounts ang nakarecord ang pinasukan ng malaking halaga. Parang gustong manlumo ni Ashley sa mga nalaman, ilang taon na pala siyang niloloko ni Emman at kung sino man ang mga taong nasa likod nito. Isa sa mga files na andoon ay isang video recording ng cctv camera. Nagkatinginan ang dalawa bago buksan iyon. Naglalaman ang video ng isang record ng dalawang lalaking pumasok sa isang opisina. Bumundol ang kaba sa dibdib ni Cedrick. Pamilyar sa kanya ang lugar, opisina iyon ng kanyang ama. Malayang nakapasok ang mga lalaki na sa isang anggulo ng camera ay makikitang isa sa mga lalaki ay si Allian Madrigal at ang isa naman ay hindi masyadong nahagip ng camera ang mukha. Dire-diretsong pumasok ito sa opisina ni Robert Acosta na ama ni Cedrick. Ilang minuto pa ang lumipas ay maririnig na sa video ang magkasunod na putok. “No!” Sigaw ni Ashley. Hindi siya makapaniwala sa napanood. Anong ibig sabihin nun? Sangkot ba ang kanyang ama sa isang krimen? Tulirong tanong ni Ashley sa isipan niya. Dumilim naman ang paningin ni Cedrick at nanginginig ang mga daliri na muling pinindot ang isang file na video recording sa loob naman mismo ng opisina ng kanyang ama. Lumuluha ang mata na muling nanood lang si Ashley sa bawat file na binubuksan ni Cedrick. Sa isang anggulo ng camera makikita naman ang mismong loob ng opisina kung saan pumasok ang dalawang lalaki. Lumapit ang isang kasama ng lalaki sa isang lalaking nakaupo sa loob ng opisina, naglabas ito ng baril at pilit na pinapahawakan sa nakaupong lalaki at pinapatutok sa sentido nito. Maya-maya pa ay isang malakas ng putok na ang maririnig. Nakabuglata at duguan na bumagsak sa sahig ang lalaki. Kasabay nun ay ang paghubad ng isang lalaki sa suot niyang maskara na ang akala niya ay ang kanyang ama. Isinuot lang pala nito ang human skin na maskara na kamukha ng kanyang ama para ito ang makita sa cctv sa loob ng building at ito ang mapagbintangan. Si Emman! Nanghilakbot si Ashley sa napanood. Isang mamamatay tao pala ang matagal na panahon niyang pinagkatiwalaan. Hindi nila alam na may isa pang secret cctv sa loob ng opisina na nairecord ang buong pangyayari. Bumuhos ang luha ni Cedrick na labis na ipinagtaka ni Ashley. Sa sobrang pagkabigla ay hindi niya napansing umiiyak na pala si Cedrick sa tabi niya. Kuyom ang mga kamao nito. Ngayon niya lang napansin na kamukha nito ang lalaking nabaril sa video. Lumingon siya sa paligid at nahagip ng mga mata niya ang isang picture frame na nakapatong sa isang sulok. Nanlaki ang mata niya. Kamukha iyon ng nasa video at napagtanto niya ang lahat. Ang galit sa mga nito tuwing nakikita ang kanyang ama. Ang lungkot at pagkalito sa katauhan nito ay nabigyan na niya ng kasagutan. Wala sa loob na niyakap niya si Cedrick. Parehas silang nabigla sa mga pangyayari. Kaya pala parang kilala nito ang kanyang ama at kapag nakikipag-usap ito sa ama ay para bang may lihim itong galit. Kaya pala. Kaya pala. Hinimas niya ang likod nito habang nakayakap parin. Para itong bata na walang tigil sa pag-iyak. “Pasensya ka na pinaghinalaan ko ang iyong ama.” ani ni Cedrick pagkatapos na kumalma. “Ayos lang sa akin atleast ngayon alam na natin ang buong katotohanan.” sagot niya. “Si Emman pala ang dahilan ng pagkawala ng aking ama. Sisiguraduhin kong mananagot siya sa mga nagawa niya.” tiim ang bagang na nasabi ni Cedrick. Naglalabasan ang mga ugat nito sa panga sa sobrang galit. “Huminahon ka at huwag kikilos ng basta-basta. Ngayon alam na natin kung sino ba talaga ang tunay na kaaway ay mas makakapag plano na tayo ng maayos.” pagpapakalma ni Ashley. Mahabang oras siyang nakayakap kay Cedrick hindi halos nila namalayan na ang pagyakap na iyon ay mauuwi sa pagkailang ng marealize nilang matagal na silang magkayakap. Nagkatitigan silang dalawa at bago pa sila mawala sa mga sarili nila ay kusa na silang kumalas sa isa’t-isa. “Ah, sorry.” Paghingi ng paumanhin ni Cedrick. Nahihiya siya kay Ashley baka isipin nito na ginagamit niya ang sitwasyon para mapalapit dito. “Ok lang.” Nahihiyang sagot ng dalaga. Pagkatapos nilang mag merienda ay nag-aya ng umuwi si Ashley, kailangan niyang puntahan ang kanyang ama at sabihin dito ang mga natuklasan. Nanganganib ang kanilang mga buhay kasama ng kumpanya dahil nasa paligid lang pala ang kalaban. “Ihahatid na kita.” alok ni Cedrick. “Huwag na kaya ko na ang sarili ko. Nagpasundo ako sa tauhan ni daddy. Kailangan niyang malaman ang lahat ng mga nalaman natin.” “Sigurado ka?” may pag-aalala sa boses ni Cedrick. “Hindi natin alam kung ilan pa ang ating kalaban.” dagdag pa nito. Nanibago si Ashley sa tono ng boses nito wari ba’y may tono na ito ng pag-aalala sa kanya. Maya-maya pa ay dumating na nga ang sundo ni Ashley at nagpaalam na ito kay Cedrick. Nag-aalala man sa dalaga ay napilitan na ring pumayag ang huli. Tanaw niya ang papalayong sasakyan ng dalaga. Kailangan niyang pagplanuhan ang lahat bago pa may mangyaring hindi maganda. Kinuha niya ang cellphone sa bulsa at nag-dial ng numero. Ilang saglit silang nag-usap ng nasa kabilang linya bago pa nagkasundo, may ngiti sa labi na pinatay niya ang cellphone. “Dad!” Yumakap si Ashley sa ama pagkarating sa tinutuluyan nitong bahay. Sinipat niya ang ama mukha namang ok na ang pakiramdam nito. “Iha, kailangan ko ng bumalik ng maynila bukas na bukas rin. May kailangan akong asikasuhin sa opisina at may na-hire na akong bagong bodyguard para sa iyo, hindi na ligtas ang sitwasyon natin anak.” anito. Wala na siyang rason para tanggihan pa ang ama dahil pagkatapos ng mga natuklasan niya alam niyang mas manganganib pa ang buhay nila. Hahanap muna siya ng tamang timing para sabihin sa ama ang mga natuklasan. Kailangang mahuli niya mismo si Emman sa kung ano pa ang mga plano nito. Naglalaro sa isip ng dalaga ang lahat ang mga hakbang na gagawin. “Damn it!” Pagmumura ni Emman pagkatapos malaman na nawawala ang usb na itinago niya sa aklatan niya. Delikadong makita yun ng iba. Naalala niya ang nakitang tao na pumuslit sa opisina niya at pinahabol niya sa mga tauhan. Hindi niya ito nakilala man lang pero sa pigura nito habang tumatakbo patalikod ay isa itong babae. “Bakit kasi hindi mo na lang yun dinispatsa? Bakit itinago mo pa?” Galit na tanong sa kanya ni Jasmin, ang bestfriend ni Ashley. Matalim ang tingin na ipinukol niya sa kasintahan. Nagpalakad-lakad siya, nag-iisip kung sino ang kumuha ng usb. “Pumunta ka sa security department, tingnan mo ang record ng mga cctv sa loob ng isang linggo dito sa opisina.” utos niya kay Jasmin. Tumalima naman ito. Isang oras pa ang lumipas ay nakabalik na ito. “Hindi ka maniniwala sa nakita ko.” ani Jasmin at inabot kay Emman ang isang kopya ng cctv. Agad niya iyong ipinasok sa laptop at pinanood. Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Ashley na pumasok sa loob ng opisina niya ng mag-isa at tipong may hinahanap sa video. Paulit-ulit siyang nagmura nang masiguro na si Ashley nga ang kumuha ng usb na naglalaman ng lahat-lahat ng illegal activities niya sa kumpanya nito at kung paano niya pinatay si Robert Acosta na kumalas sa pamumuno niya kaya pinatay niya ito dahil sa dami na rin ng nalalaman niya at nakipag alyansa kay Allian para sana ibuking siya dito. Pero bago pa magawa ni Robert ang balak ay pinatay na niya ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD