Chapter 1 - Hate at first sight

1232 Words
Ayoko na!!! Sawang-sawa na ako!!! Gusto ko ng matigil ang lahat ng ito!. Pagod na pagod na ako. Bumunghalit ang isang malakas na iyak na matagal ko ng kinikimkim. Parang sasabog ang puso ko ng mga oras na iyon. Wala akong pakialam kahit marami pang tao ang nakakarinig sa sigaw ko, mga kapwa ko hiker na umakyat din ng bundok ng mga sandaling iyon. Matagal ko ng gustong umakyat ng bundok para isigaw ang lahat ng sakit na nararamdaman ko kaya nang makakuha ako ng tiyempo naghike ako kasama ng iba pang mga joiners. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan pa nila ako, naisip ko pagkatapos naman ng hike na yun ay hindi na kami magkikita kita pang muli dahil hindi naman talaga kami magkakakilala. Ayoko na. Mahina kong sambit habang impit ng mga luha ang aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagkahilo siguro dahil na rin sa pagod ng pag-akyat at pabago bagong panahon habang binabagtas namin ang itaas ng bundok. Sa sulok ng aking mga mata nakita kong may isang tao na papalapit sa akin, matipuno ang pangangatawan niya halata sa bakat ng damit niya na lalo pang lumabas ang pagkamacho sanhi ng pawis na tumatagaktak sa buo nitong katawan. Marahas niya akong hinatak na ikinabigla ko. Hinatak niya ako palapit sa katawan niya kaya hindi sinasadyang napasandig ako sa dibdib niya. Ramdam ko ang biglang pagrigudon ng puso ko habang nakalapat ang mga kamay ko sa matipuno niyang dibdib. Napapikit ako, wari ba’y nakaramdam ako ng kakaibang kuryente na tumulay sa kaibuturan ng mga ugat at kalamnan ko. Nawala ang lahat ng nararamdaman ko nang muli kong marinig ang baritono niyang boses. “Miss tapos ka na bang pagpantasyahan ang katawan ko?” Nakaangat ang kilay na wika nito. Bigla akong nakaramdam ng pagkapahiya kaya bigla kong inilayo ang katawan ko sa katawan niya. “Look Miss whoever you are, kung sawa ka na sa buhay mo at iniisip mong tumalon diyan sa bangin please lang huwag ngayon dahil may mga kasama ka. Madadamay pa kami kapag hinayaan ka naming mahulog diyan, responsibilidad namin ang bawat miyembro ng grupong kasama namin.” Anito na walang kangiti-ngiti. Napataas ang kilay ko sa inasal nito. Makakatikim pa sana ito ng maanghang na salita mula sa akin nang may lumapit na isang babaeng hiker din at kasama namin sa grupo. Sexy ito at morena. Ang height ay parang sa mga model sa telebisyon. “Ano ka ba naman Cedrick, hayaan mo na nga siya ilabas ang sama ng loob niya. Nakita mo ng may pinagdadaanan yung tao eh.” wika nito sabay baling sa akin ng tingin. “It’s ok, Miss?” wika nito sa tono na tinatanong ang pangalan ko. “Ashley” sagot ko ng may mahinang boses sabay yuko. Pakiramdam ko tinablan ako ng hiya dahil sa pananabla ni Cedrick sakin. “Ok lang yan Ashley. Lahat tayo may kanya-kanyang dahilan sa pagha-hike. Karamihan na naman talaga sa mga kasama natin ay hindi naman professional hiker. Yung iba diyan may pinagdadaanan din at gustong makalimot sa ingay ng siyudad.” Mahaba nitong litanya habang hinihimas ang likod ko. Nakaramdam ako ng relief sa mga sinabi niya. “Venus nga pala.” Pagpapakilala nito sabay abot sa kamay nito. Nahihiya paring inabot ko ang kamay niya. “Let’s go!” Ani Cedrick sa maawtoridad na boses. “Baka maabutan pa tayo ng ulan sa daan.” Dagdag pa nito. Nag-iwan ito ng matalas na tingin sa akin bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad. Inalalayan ako ni Venus maglakad habang himas parin ang likod ko bilang pagbibigay ng assurance na magiging ok din ang lahat. Nakatingin sa akin ang lahat ng hiker pero mas tumawag sa pansin ko ang pag-uusap ng ibang hiker din sa likod ko. “May nasampulan na naman si Boss Sungit.” Narinig kong sabi ng isang lalaking kulot ang buhok at may katabaan. “Kahit sungitan niya ako ng buong isang araw ayos lang sakin basta ganyan ka-hot ang magsusungit.” Kinikilig pang sagot ng babaeng wari ko ay nasa mid thirties na ang edad pero maganda parin ang pangangatawan. Isang oras na kaming naglalakad at habang naglalakad paakyat sa kung saan ang camp site ay bigla akong napatid sa nakausling bubog malapit sa ugat ng malaking puno. Siguro ay may nag-iwan doon ng basag na bote at dahil sa pag-ulan ay lumubog ang ilang piraso nun sa lupa ng nakausli. Muntik na akong matumba sa sobrang sakit. Mabuti na lang at sinalo agad ako ng isang pamilyar na bulto ng katawan. Si Cedrick pala. Naramdaman ko ang pagdurugo ng paa ko sa loob ng suot kong sapatos. Agad niyang tinanggal ang suot kong sapatos at sinenyasan ang ibang hiker na magpahinga muna sa paglalakad. Agad ding dumalo sakin si Venus na siyang naglabas ng first-aid kit mula sa dala nitong bag. Napapangiwi ako sa sakit habang ginagamot at nilalapatan ng bandage ang paa ko. Mas lalo akong nadismaya sa nangyayari dahil mas mahihirapan akong umakyat sa ganitong sitwasyon. Pagkatapos niyang mabalutan ng benda ang paa ko ay nakisuyo siya sa isa naming kasama na dalhin ang bitbit niyang bag at walang anu-ano’y binuhat ako sa likuran niya na parang bata. Kahit ayaw ko dahil naririnig kong napapalatak ito ay wala naman akong magawa dahil mas babagal ang grupo sa akin. “Tayo na! Kailangan makarating tayo sa camp site bago bumuhos ang ulan!” Sigaw nito sa mga kasama namin at nagsimula na rin silang maglakad. Wala akong imik habang buhat buhat niya ako. Kumindat naman sakin ng palihim si Venus na parang nagsasabing “Hayaan mo na.” Habang nakayakap ako sa balikat niya ay may nakapa akong isang mahabang peklat hanggang sa likuran nito. “Ang haba naman ng peklat niya.” Isip-isip ko. “Ano kayang napagdaanan ng taong ‘to? Sabagay sa hilatsa ng ugali niya ay halata namang trouble maker siya, madami sigurong kaaway ‘tong taong ‘to”. Hula ko sa isip ko. Naramdaman pala nito na marahan kong nahaplos ang peklat niya. “Car accident” Mahina nitong sagot kahit di ko naman siya tinatanong. Anyway ano bang pakialam ko sa kwento ng buhay niya. Napabuntung-hininga na lang ako bilang sagot bumalik bigla sa alala ko nang minsan na rin akong nakasama sa isang aksidente. Car accident din yun. Anim na taon na ang nakakalipas, bata pa ako nun nasa bente anyos pa lang ako. Politician ang aking ama kaya sa bawat lakad namin ay mayroon kaming kasamang bodyguard o convoy. Papunta sana ako noon sa isang event sa school namin nang bigla na lang kaming banggain ng isang malaking truck na naging sanhi para tumaob ang sasakyan namin sa lakas ng impact. Sa nanlalabo kong paningin ay may isang lalaking nagligtas sa akin mula sa sasakyan bago pa ito sumabog dahil sa nagleak na gas. Nang imbestigahan ay nalaman nilang self-suicidal ang gumawa nun, sapantaha nila ay napag-utusan ito at binayaran ng kung sino man ang kalaban ng ama ko sa pulitika. Mabuti na lang ay hindi namin kasama ang ama ko ng mga oras na iyon dahil biglaan itong nagkaroon ng meeting at napagpasyahan na susunod na lang sa akin. Dahil sa aksidente ay nagkaroon ako ng partial memory loss, kung saan may ibang bahagi ng buhay ko ang hindi ko maalala, tatlong taon din ang nakalipas bago bumalik ang lahat ng mga alaala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD