Maxine Lyanne's POV "Good Morning, My lady..." Hindi ko pa man iminumulat ang mga mata ko pero nakangiti na ang mga laba ko sa boses na 'yon. "Good morning..." Inunat ko ang mga braso ko at dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang mga mata niyang mapupungay agad ang sumalubong sa akin imbis na ang araw na nasa likod niya na nakatapat sa bintana ng kwarto ko. Hindi ako nasisilaw sa liwanag ng araw dahil sa katawan niyang nakaharang. "Kumusta ang tulog mo?" tanong ko sa kanya. "Namahay ka ba?" tanong ko pa. Dumapo ang palad niya sa pisngi ko at kinuha niya ang buhok ko na nasa pisngi ko. "Bakit naman ako mamamahay kung katabi kita?" nakangiting saad niya. Natawa ako sa sinabi niya at napaunan ako sa ibabaw ng dibdib niya. Huminga ako ng malalim at nanuot sa ilong ko ang mabang

