Gamther Blenton's POV Finally, I can see my wife after a long fourteen days away from her. I am damn excited to touch, hug and kiss my wife's lips. I stop my car in front of Sanz's mansion, where my wife was staying now. Dapat noong nakaraang linggo ko pa siya napuntahan pero wala. Sa lakas ng bagyo, kailangan kong manatili sa Manila. Hindi ako makatawag sa mansyon sa hacienda at sa mga Sanz. Wala akong contact sa asawa ko at hinahanap-hanap ko na siya. Bumaba ako ng sasakyan at isang tauhan agad ang sumalubong sa akin. "Magandang umaga, Señorito. Mabuti at nakarating kayo ng maayos rito matapos ang malakas na pagbagyo. Maraming bitak-bitak na kalsada sa labas." Tumango lang ako rito dahil gustong-gusto ko ng makita ang asawa ko sa loob. Nilagpasan ko 'to papunta sa pinto ng mga Sa

