Araw ng Linggo ay tanghali na akong nagising, kung hindi pa lumabas ng kwarto si Estong at Mika ay hindi ako magigising. Pagsilip ko sa aking CP ay mayroong tatlong missed calls at ilang text. Bago ako tumayo sa aking kama ay binasa ko muna ito. Diane: "Kua lika n dw kkain n" Diane: "2log pa? hnap kna ni ate" Ice: "Beh?" at missed call galing kay Ice at Diane. Halos tanghalian na ng ako'y bumangon, tinawagan ko naman kaagad si Ice upang magpalusot, sinabi kong masakit ang ulo ko kaya di ko namalayang nakatulog akong muli. Hindi ko na binaggit na napuyat ako galing sa kanila kagabi. Naniwala naman siya pero mukhang nagtatampo, siya daw kasi ang nagluto ng agahan para sa amin. Lumipat ako sa kanilang unit upang lambingin ang aking kasintahan. Si Diane ang nagbukas sa akin, mukhang malu

