Episode 3. Textmate

871 Words
Hindi ko alam ang aking magiging reaksyon. Mas lalo ako ditong pinanghihinaan ng tuhod kaysa kaninang rumarampa. "Jrich, anong ginagawa mo dito?" alangan niyang tanong. "Ah ibibigay ko lang itong bulaklak at gusto kitang i-congratulate sa pagka-panalo mo" wika nitong kakamot-kamot saka iniunat ang kamay na may hawak na rosas. Parang nakita na niya iyon kanina. Iyon 'yung kasamahan ng palumpon ng bulaklak na naka-design sa lamesa. Ngumiti nalang siya, "Maraming salamat ha, naappreciate ko" "Sige, mauna na ako. Hinihintay ka na nila. Congrats ulit" wika niyon saka lumabas. Naghihintay sa labas ang mga kaibigan niya na nakakaloko ang mga tingin. "Napaka-resourceful naman ni Jrich!" wika ni Christine. "Kaya nga, sobrang effort ha" tatawa tawang dagdag ni Lyra. "Kayo naman, it's the thought that counts" "Okay, sabi mo eh" Dumaan pa ang mga araw, nginingitian na siya ni Jrich sa tuwing nakakasalubong at dumadaan sa kanilang room. May nakapaskil na ring tarpaulin sa labas ng school na may mukha niya kaya marami na sa mga estudyante ang nakakakilala sa kaniya. Hindi nagbigay ng kung ano pang pahiwatig si Jrich matapos nun, hindi siya inaya sa kung anong date o kahit mag-tusok tusok ng fishball ay wala. Ready na siyang tanggapin na hanggang ngitian lang iyon. Akala niya ay wala nang mamamagitan sa kanila ngunit doon siya nagkamali. Araw ng Graduation Prente siyang nakaupo kasama ang mga kaklase, may magagandang dekorete ang mga mukha at nagsisitaasan naman ang buhok ng mga kalalakihan sa gel. Natutuwa siya ngunit may halong lungkot dahil ito na ang huling araw na magkakasama sila. "hindi ito ang huli ngunit ito lamang ang simula ng inyong landas na tatahakin" wika iyon ng panauhing pandangal sa speech nito. Hinanap niya si Jrich sa dagat ng mga tao. Matamang nakikinig iyon kasama ang mga kalalakihan sa section nito. Paano kung hindi ko na siya makita? Saan kaya siya maga-aral. Sana sa LSPU nalang din. Nakaramdam siya ng lungkot sa isiping baka hindi na niya masisilayan ang crush niyang iyon pero huminga siya ng malalim. Life moves forward, sigurado maeenjoy ko ang college life. Nagkaroon ng kaunting salo salo sa kanila. Masaya ang lahat, ang panganay na anak ay nakapagtapos na ng highschool. Kinagabihan Nakatanggap siya ng isang text. :) Georgy: Do I know u? Unknown number: yes Georgy: Sorry, who's this? Unknown number: John Richard Biglang bumilis ang t***k ng puso niya, natutop niya ang kaniyang bibig sa pagkabigla. Totoo ba ? baka naman niloloko lang siya ng mga kaibigan. Georgy: Eh seryoso nga, baka isa ka sa mga kaibigan ko a, Lyra? Christine? Unknown number: Si Jrich nga ito, kinuha ko number mo kay Lyra. Oh baka naman si Jrich nga talaga iyon. Nag-isip muna siya ng irereply. Pabale-balentong siya sa kama at windang na nakangiti. Georgy:Bakit mo kinuha number ko? Unknown number: bawal ba Ms. beautiful? Georgy: hindi naman, huwag mo na nga ako tawaging Ms. Beautiful, hindi naman ako maganda Unknown number: Aba e maganda ka naman talaga e, anong magagawa ko. Isinave niya ang number nito: Jrich Georgy: Sus bola, congrats pala graduate na tayo. Jrich: Congrats den ang dami mong awards e Georgy: Naga-aral kasing mabuti. Hindi kagaya ng iba diyan. Jrich: Naga aral naman ako ah hindi nga lang mabuti. Georgy: Bakit hindi mo kasi pinagi igi? Jrich: You only live once 'ika nga. Simula noon ay araw araw na silang magka-text, magkalapit lang ang kanilang barangay ngunit hindi sila nagkikita sa personal. Hindi naman ito nagyayaya eh. Casual lang. Hindi rin naman niya masyadong pinagtuunan ng pansin. Nalaman niyang galing pala ito sa broken family. Georgy: Sino bang kasama mo sa bahay? Jrich: Lola at lolo ko lang. Georgy: Bakit, nasaan parents mo? Jrich: Ah 'wag na natin pag usapan... Georgy: Yun lang ih Jrich: Hay Georgina, hiwalay kasi sila..nasa abroad mama ko, may pamilya naman na sa Manila si papa. May mga kapatid na 'ko. naiinis ako sa kanila. Mahabang salaysay ng binata. Nakaramdam naman siya ng awa kay Jrich, all this time pala wala itong magulang na gumagabay dito. Georgy: Pasensya na sa pagtatanong ko, hindi ko alam... Jrich: haha ok lang, ikaw naman kasiyahan ko. Georgy: Kasiyahan ka diyan... Magkakandahulog naman siya sa kama kaiikot sa kilig dahil sa chat nito. Ako? kasiyahan. Jrich: may sasabihin pala ako sa'yo. Georgy: Ano 'yun? Jrich: Nasa bus ako ngayon. Georgy: Saan ka pupunta? Jrich: sa manila Georgy: anong gagawin mo duon? Jrich: Magtratrabaho muna ako sa shop ni papa.. Georgy: Huh? hindi ka magco-college? Jrich: hmm Hindi siguro muna sa ngayon. Ang kaninang kilig ay napalitan na ngayon ng kalungkutan. Bakit hindi nito sa kaniya sinabi agad? Georgy: Bakit hindi mo sinabi kaagad? araw araw naman tayo magkausap? Jrich: Biglaan lang rin ang dating ni papa kagabi e, isinama na ako ngayon. Plano ko talagang makipagkita sa'yo pero sa susunod na lang siguro. Magi ipon din ako ng pang libre. Georgy: date ba yun? pabirong tanong niya. Jrich: oo gusto kitang ligawan e, sasagutin mo kaya ako? Georgy: Ano sa tingin mo? Ahhhh! hindi siya halos mapakali sa kilig. Sipa dito, gilong doon. Naguguluhan na ang mga gamit niyang walang kaalam-alam. Jrich: Mukhang wala e, ang ganda mo kasi. Ay engot din, walang common sense Georgy: Bakit pa kita kinakausap araw-araw ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD