3 Years Ago. "Hainna, Hainna," tawag sa kanya ni Bea, her bestfriend, habang tumatakbo palapit sa kinauupuan niya, may hawak-hawak pa itong dalawang pulang sobre. Napakunot noo siya at binitawan ang hawak na ballpen. "Ano yan?" tanong niya sa sobreng pulang hawak ng kaibigan. "Hu-hu - hulaan mo," hingal na sabi nito. "Ano nga?" sabay hablot ang isang sobre sa kamay nito. "Aray naman." "Ano ba to?" taas-kilay na tanong niya at binuksan ang pulang sobre. Binasa ang nakasulat doon, isa yong invitation card sa birthday party. Napatili siya nang mabasa kung kanino ang party ng invitation na hawak. "You're invited at Shawn Alvarez 25th birthday," napatili siya nang mabasa ang nakasulat. "Oh no! Shawn!" tili niya at nagtatalon sa tuwa at niyakap si Bea. "Paano ka nakakuha ng invitation?"

