Kanina pa siya nakatitig sa brown envelope na nasa kama. Wala na si Shawn. Lumabas na ito, iniwan siyang mag-isa sa silid. Natatakot siyang malaman kung ano ang nasa envelope dahil sigurado siyang kung ano man ang laman niyon ay iyon ang dahilan ng mga binibintang ng asawa sa kanya. She never cheated on her husband. Hindi niya magagawa ang bagay na ibinibintang sa kanya ng asawa. Pero dahil sa kung ano mang laman ng envelope na iyan ay tila nagpapatunay sa asawa na niloko niya ito habang nasa Canada siya. "Kung inakala mo, Hainna, ikaw lang ang marunong mag-surprise sa asawa mo, ayan may surprise din sa iyo ang asawa mo," bulong niya sa sarili. Dahan-dahan siyang lumapit sa kama. Kailangan niyang ihanda ang sarili sa kung ano man ang laman ng envelope. Naupo siya sa kama at hinawakan an

