Kasalukuyan Kanina pa siya nakatitig sa salamin at naramdaman ang pagluha ng mga mata sa alaala ng nakaraan. Pag-akyat niya kanina mula sa pool area, kung saan hinalikan siya ng asawa—tatlong taon na rin niyang inaasam na muling mahalikan ni Shawn at nangyari iyon kanina. At pag-akyat sa itaas, hindi niya maiwasan na sariwain ang nakaraan: kung paano siya naging Mrs. Alvarez, kung paano niya napagtagumpayan ang pangalang Mrs. Alvarez, at kung paano siya pinaalis ng bansa ni Shawn sa gabi mismo ng kasal nila. Ang gabing hindi niya makakalimutan. "Ready ka na ba?" tanong ni Shawn sa may pintuan ng silid. Nagulat siya, at tila noon pa lang siya nakabalik sa kasalukuyan. "Ah?" tanging sabi niya at nagkatinginan sila ni Shawn mula sa salamin. "Ah, eh," kumurap-kurap siya at tumango. "

