"ALIYAH ano? Sumagot na ba si Mr. Saavedra sayo?" tanong sa akin ni Ate Elsa ngunit bigong mukha lamang ang ipinakita ko sa kanya.
Nang itext sa akin ni Ate Elsa ang numero ng matanda ay agad ko itong tinawagan. Pero nakakalimang missed call na 'ata ako ay hindi pa rin ito sumasagot kaya't naisipan kong umuwi na lamang at dumiretso sa bahay nila Ate Elsa upang tanungin kung may alam pa ba siyang ibang numero ni Mr. Saavedra.
"Ano ba kasing importanteng bagay ang kailangan mong sabihin sa kanya na nagkakandaugaga ka? Hindi ba pwede na mamayang gabi nalang pagkaduty mo?" tanong niya ulit habang naghahanda ng pagkain sa kanyang maliit na lamesa.
"Hindi pwede 'te eh. Kailangan ko talaga siyang makausap." sagot ko at isang beses pang tinawagan ang numero ng matanda. Ngunit katulad din kanina, puro ring lang ito at walang sumasagot.
"Tama na muna 'yan. Maupo ka muna dito sa tabi ko at sabayan mo akong kumain." yaya ni Ate Elsa habang pinapapunta ako sa katabing upuan niya.
"Hindi na po 'te Elsa, okay lang ako. Busog pa naman po ako eh-"
"Anong busog? Eh hindi ka nga 'ata nag almusal sa inyo. Anong oras na aber, kumain ka naman ng tanghalian." pamumutol niya sa sasabihin ko at pinandilatan ako ng mga mata.
Wala nalang tuloy akong nagawa kung hindi ibaba muna ang cellphone na hawak at maglakad papunta sa tabi niya.
"Iyan maigi naman at kakain kana. Pwede bang malaman kung anong pakay mo kay Mr. Saavedra? Kakakilala niyo lang kagabi ah." tanong niya sa akin bago isubo ang pagkaing nasa kustsara niya.
"Wala lang po 'yon..." sagot ko. Hindi ko kasi alam kung tama ba na marinig pa 'yon ni Ate Elsa. Nakakahiya at baka kung anong isipin niya sa akin.
"Anong wala? Hindi ka naman siguro pupunta dito ng ganitong oras kung wala lang iyon. Dali na Aliyah, sabihin mo na." aniya habang tinititigan ako ng marahan. Hindi ko tuloy magawang isubo ang sinandok na pagkain.
"Kasi po si mama, nasa ospital." panimula ko. Ngunit ang mga mata ay nakatuon lamang sa pagkain sa harapan ko na hindi ko pa nagagalaw.
"Oo nga eh, hayaan mo at dadalawin ko siya roon. Tapos? Anong connect noon kay Mr. Saavedra?"
"May inoffer po siya sa akin 'te Elsa..."
"Trabaho? Hindi ba't nag-aaral ka pa?" tanong niya habang nagsasalin ng tubig sa baso naming dalawa.
"H-hindi k-ko po alam kung trabaho bang matatawag 'y-yon eh." tila nauutal kong sagot sa kanya. Iyon pa lamang ang sinasabi ko ay nahihiya na ako. Ano pa kaya kung iyong totoo na talaga ang aaminin ko.
"Ha? Anong ibig mong sabihin Aliyah?" ngayon ay ibinaba na muna niya ang kanyang kutsara at tinitigan ako maigi. Para bang hindi na siya makapaghintay na sabihin ko ang sagot sa tanong na ibinigay niya."
"Kasi Ate Elsa..." akma ko na sanang sasabihin kay Ate Elsa ang totoo nang biglang dumating ang kapatid kong si Alex na tila tumakbo dahil hingal na hingal. Agad na doon natuon ang atensyon namin at dali-dali akong tumayo para puntahan ang kapatid.
"Alex, ba't ka lumabas ng bahay? 'di ba sabi ko sayo 'wag mong iiwan iyong mga kapatid natin doon." saad ko habang tinitigan siya nang marahan.
"Ate oh..." wika ni Alex sabay taas ng cellphone na hawak. Ngayon ko lang napansin na may bitbit-bitbit din pala siyang cellphone. Napansin niya siguro ang pagtataka sa mukha ko kaya nagsalita siya muli. "... cellphone 'yan ni Ate Martha, tinatawagan ka daw kanina ni Papa pero hindi ka daw makontak kaya kay Ate Martha nalang siya tumawag. Oh ate kunin mo na, si Papa 'yan." dugtong ng kapatid ko at mas lalong itinaas ang cellphone para abutin ko agad.
"Pa..."
"Si Aliyah na ba ito?" tanong ni Papa sa kabilang linya. Tumango ako na para bang makikita niya.
"Opo Pa, bakit po?"
"Aliyah anak ang mama mo." iyon lang ang nasabi ni Papa at narinig ko na siyang humagulgol. Bigla ding sumakit ang pakiramdam ko kaya hindi ko na napigilan nang may mamuong luha sa mga mata ko. Agad akong tumalikod kay Ate Elsa at sa kapatid kong si Alex.
"P-pa... b-bakit po? A-ano pong nangyari k-kay mama?" putol-putol at mahina kong tanong habang pinupunasan ang mga luha sa aking mata.
"Anak Aliyah bumalik ka muna dito pakiusap. Baka pati ako magkasakit kapag ako lang mag-isa ang kakausap sa doctor. Bukod sa hindi ko maintindihan ay hindi din kinakaya ng puso ko ang mga naririnig." usal ni Papa habang sumisinghot-singhot sa kabilang linya. Tumango-tango kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita.
"S-sige po Pa. Ipapabalik ko lang po kay Alex itong cellphone ni Ate Martha tapos pupunta na po ako dyan. Hintayin niyo po ako."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Papa sa kabilang linya dahil agad ko na itong binaba at mabilis na inayos ang sarili. Hindi ko hahayaan na makita ako ng kapatid kong nagkakaganito, na isang mahina.
Ngayon ako kailangan ng pamilya ko kaya dapat lang na hindi nila ako makitang mahina. Kailangan kong maging malakas para sa kanila.
"Alex..." tawag ko sa aking kapatid na agad tumingin sa akin.
"Po ate?"
"Umuwi kana at saka ito oh, ibigay mo ito kay ate Martha, panggastos niyo..." aniya ko sabay abot ng pera na galing sa aking bulsa. "...huwag mong iiwan ang mga kapatid natin doon. Lakad na umuwi kana." dugtong ko at itinutulak na ng marahan palabas si Alex sa bahay ni ate Elsa.
Inabot lang nito ang pera at cellphone bago mabilis na umalis na. Kinuha ko naman na ang mga gamit ko nang magsalita sa gilid ko si Ate Elsa.
"Aliyah? Hindi ka pa nakakakain, aalis kana?" tila nag aalalang tanong niya sa akin. Agad naman akong tumango.
"Oo 'te Elsa, kailangan ako nila Papa at Mama sa ospital. Sige po mauuna na po ako. Itetext nalang po kita, baka hindi ako makapasok mamaya." tango lamang ang sinagot niya kaya mabilis na akong lumabas.
Habang naglalakad papuntang sakayan ay kinuha ko ang cellphone na nilagay ko sa bulsa ko. Tinawagan ko ulit ang numero ni Mr. Saavedra na binigay ni Ate Elsa, magbabakasakali ulit ako na baka sa pagkakataong ito ay sasagutin na niya ang tawag.
Pero hindi pa rin pala. Lumipas na ang ilang minuto at ilang missed call na ulit ang ginawa ko ngunit bigo pa rin akong makausap ang matanda. Kaya napagdesisyunan ko nalang na itago muli ang cellphone at sumakay na sa jeep na papalapit.
ELSA POV
Ilang minuto pa lamang mula nang umalis si Aliyah sa bahay ay mabilis akong pumunta sa kwarto ko. Doon ay nakita ko ang cellphone ko na muling nagbavibrate. Na ibig sabihin lang ay may tumatawag.
Si Aliyah.
Oo tama kayo, hindi numero ni Mr. Saavedra ang ibinigay ko sa dalaga, kung hindi ibang numero ko.
Nagtataka kasi ako bakit bigla niyang gustong makausap ang matanda. Mabait naman si Mr. Saavedra ngunit alam ko na rin ang ikot ng isip nila. Masyado pang bata si Aliyah. Ayoko lang na may mangyaring hindi maganda sa kanya lalo na't kaibigan ko rin ang kanyang mga magulang.
Isang beses pa ay nakita kong umiilaw ang cellphone ko. Nang tingnan ko ito ay si Aliyah ulit. Masyado na akong napapaisip kaya kinuha ko na muna ito at binuksan. Tatanggalin ko muna ang isang sim card ko na tinatawagan ng dalaga. Kailangan ko munang kausapin ang matanda upang malaman ang sadya sa kanya ni Aliyah.
Ilang ring lang ay sumagot na agad ito. Personal number niya ang tinawagan ko dahil ayoko namang dumaan pa sa sekretarya niya ang magiging pag-uusap namin.
"Yes Elsa? Anything?" agad na bungad na tanong nito.
"It's about Aliyah." simpleng sagot ko.
"What about her?"
"Did you threaten her?"
"Of course not!" mabilis na sagot ng matanda.
"Eh bakit siya atat na atat makausap ka? She even asked me for your number." salaysay ko. Ngunit ilang sandali lang ay narinig kong mahinang tumawa ito sa kabilang linya.
"Maybe she already accepting my proposal." sagot nito na agad nakakuha ng atensyon ko.
"What proposal? At saka hindi mo nabanggit sa akin na may balak kang ialok sa bata noong nagkausap tayo kagabi."
"Do you really want to know it Elsa?" tila nang-aasar na tanong nito. I let a deep sigh trying to calm myself before talking to him again.
"Say it or else you will be banned to my club. Forever." pagbabanta ko sa kanya. Ilang segundo ang lumipas na tahimik lamang ang naririnig ko. Akma ko na sanang ibaba ang tawag nang marinig ko itong malalim na bumuntong hininga bago nagsalita.
"Okay fine Elsa. I gave her a proposal."
"What kind of proposal?" tanong ko ng mabilis.
"Chill, why are you so eager to know?"
Bwiset na Saavedra na 'yan! Hindi nalang sabihin ng diresto! Ang dami pang tinatanong-tanong. For Aliyah's safety, I must calm down and know further details.
"Just say it Mr. Saavedra." seryoso at buong-buo kong sabi. Nawawalan na ko ng pasensya! Baka hindi ako makapagpigil at ang dalaga na mismo ang tanungin ko.
"And now you're addressing me as Mr. Saavedra again? Akala ko sa club mo lang iyon gagamitin?" anito sabay tawa ng nakaloloko. Onting-onti nalang ako na mismo ang papatay sa tawag na ito at si Aliyah nalang ang tatanungin ko. Nauubos lang ang oras at pasensya ko sa taong 'to. "...the proposal is that, I want her to marry me in exchange of money. To make it short, I want to buy her."
Tila nabingi ako sa sinagot ng matanda. Hindi ako makapaniwala na sinabi niya iyon sa dalaga. Aliyah is only twenty years old. Hindi ako papayag sa gusto ng taong 'to. I have to talk to Aliyah immediately.
"Hey Elsa, you there?" tanong ni Mr. Saavedra ang nakapagpabalik sa akin sa katinuan.
"You can't do that to Aliyah-"
"But he is just your employee, not one of your workers." sa sinabi niyang iyon ay mas lalo akong nainis. Ito ang pinakaayoko kapag may ibang taong nakakaalam ng totoong trabaho ko.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya at basta ko nalang binaba ang tawag. I need to hear Aliyah's side. Bakit ito nagmamadaling makausap ang matandang 'yon? Papayag na ba siya?