chapter 5

1482 Words
Busy ako sa pag assist sa aming president at mga guro. Inagahan ko talaga ang pagpunta dito sa paaralan dahil may mga tungkolin akong dapat gampanan. Kailangan na maisaayos namin ang aming mga tungkolin bilang opisyal ng paaralan. Ngayong araw na ito gaganapin ang aming intramurals. Of course we are all excited to participate this week events. Ay huling kasiyahan na namin bilang mag-aaral sa senior high school. Ang galing ng irog mo tol, hindi lang pala majorette ang talento niya pati pag rampa kinarer na niya. Kapag nanalo yan libre mo kami mamaya ha. Bakit ako? Dapat kayo ang manglibre dahil kayo ang may maraming pera. Alam nyo naman ang istado ko sa buhay mga tol, hindi ko ikinakahiya ang aking pagiging mahirap. Pero huwag kayong mag-alala, kapag yumaman ako balang araw ililibre ko kayo sa mamahaling restaurant. "Huwag kang mag-alala tol, hindi naman sa lahat ng panahon maghihirap ka. Kung magsusumikap tayo sa buhay balang araw papalarin rin tayo ng maykapal. Sabay tayong magsusumikap para may marating tayo sa buhay. Sana kahit na magkalayo man tayo mananatili parin ang ating pagkakaibigan,"si Roland. Sa paglalaro namin ng chess syempre ako ang champion. Dahil bihasa na ako sa larong ito. Sa basketball naman pinag-iinitan ako ng aking kasama. Gusto niyang siya palagi ang may hawak sa bola. Alam ko kung bakit niya ginawa iyon, gusto lang niyang magpakitang gilas kay Lheen. "Tol, hindi ka talaga niya binibigyan ng pagkakataon ni Marlon na makapuntos eh,"sabi ni Clark. Huwag mo ng isipin yan tol, pabor din naman sa atin kapag makapuntos siya dahil tayo naman ang mananalo. "Nagpapakitang gilas sa irog mo til eh,"komento naman ni Roland. May the best man win tol, tara na tuloy natin ang laro. "Julz galingan mo babe!"sigaw ni Lheen. Sh*t nag-slow motion ang lahat ng marinig ko ang sigaw niya. Napakasarap nitong pakinggan, na tela gusto ulit ng pandinig kong marinig ulit ang isinigaw niya. "Tol, kulay rosas kana at nagiging rainbow na ang paligid mo shoot mo na ang bola sa ring,"sigaw ni Roland. Nakabalik naman ako sa wisyo at agad ipinasok sa ring ang bola. Grabeh ang hiyawan ng aming mga kaklase dahil champion na kami. Lumapit si Lheen sa akin at binigyan ako ng tubig at tsaka pinunasan ang aking mukha. "Congratulations Julz, ang galing mo talagang maglaro,"sabi niya. Puro hiyawan naman ang aming mga kaklase. I saw in my peripheral vision ang masamang tingin ni Marlon. Natawa ako sa kanyang reaction dahil pasabog itong umalis. Ginalingan mo nga rin ang volleyball, badminton at pageant contest eh kaya kailangan ko rin na galingan. "Julz, arat na may dala akong pagkain. Tawagin mo na rin ang mga kaibigan mo para pagsaluhan natin ang aking dalang baon,"aya niya sa amin. Hindi ba nakakahiya Lheen mga matatakaw kami eh. "Hay naku hindi yan dinamihan ko naman eh. At saka may dalang desert rin si Shella. Hali na kayo dasal mag 2 am na oh,"she said. ooo0ooo "Buenvenida, pwedi ba tayong mag-usap?"si Marlon. Sure! Ano ba ang kailangan natin na pag-uusapan?tanong ko rin sa kanya. "Tungkol kay Lheen, layuan mo siya kung ayaw mong may masamang mangyayari sa'yo. Ang taas naman ng pangarap mo Buenvenida. Gusto mong abutin ang mga tala kahit pa napaka-imposible nito para sa iyo. Hindi mo ba alintana ang istado ng inyong pamumuhay kaysa pamumuhay ng mga Sibayan?"pang-iinsulto niya sa akin. May pinili palang istado sa buhay ang pag-ibig tol? Sa pagkakaalam ko wala itong pinipiling oras at istado kapag ito ay sumibol sa ating mga puso. Ipagpaumanhin mo Marlon, may the best man win. "Ang tapang mo Buenvenida sumasampid ka sa may yaman para makaahon sa kahirapan,"matuloy pa niyang sabi. Hindi ako baldado Perez para pabulaanan mong isang sampid. Alalahanin mong kompleto ang aking mga kamay at paa magsumikap. Bilog ang hugis ng mundo at minsan ang ikot nito ay pumaibabaw at pumapailalim. Ang pagtatangi sa isang tao ay hindi nasusukat sa kayamanan. Dalisay na pagmamahal lang ang aking baon para sa kanya. Na kay Lheen na ang desisyon kung sino sa atin ang pipiliin nya. Ang silaw ba ng kayamanan mo o ang silaw ng aking pagmamahal. Hindi lahat ng mayayaman taos sa pusong magmahal. At hindi rin lahat ng mga mahihirap ay puro kayaman lang ang habol. Pagkatàpos kong sabihin ang mga katagang iyon ay agad akong umalis. Ayoko na mag-aksaya ng panahon para sa mga walang kwentang tao. Uuwi nalang muna ako total wala naman akong gagawin masyado sa araw na ito. Bukas na ang pagbibigay award sa mga nanalo kaya aagahan ko nalang. "Hey Julz saan ka pupunta?" Pauwi na sana Lheen, wala naman akong masyadong gagawin ngayon dito kaya mas mainam na yong umuwi nalang para matulungan ko si papa sa mga gawain niya. "May problema ka ba? Bakit parang ang tamlay ng hitsura mo Julz? Kung si naman importante ang gagawin mo sa inyo baka gusto mo kwentohan muna tayo,"sabi niya. Pabor naman sa akin ang idea niya. Kaya pinaunlakan ko siya sa kanyang sinabi. Medyo makulimlim ang panahon at malamig ang simoy ng hangin. Masarap maglakad sa tabi ng dalampasigan. Kaya doon ko siya niyaya para mamasyal. Pagdating namin sa tabi ng dagat nakita ko ang malawak niyang ngiti na aliw na aliw sa mga tanawin. Napakaganda niya at napaka-amo ng kanyang mukha. Gusto ko siyang iguhit, kaya tinitingnan ko ang kanyang kabuoan at kinakabisado para perpekto ko itong maiguhit mamaya pag uwi ko sa aming tahanan. Ang kanyang mga ngiti na nakakapawi ng lumbay. Ang hubog ng balingkinitan niyang katawan. Ang bilogan niyang mga mata na bumagay sa may bilogang hugis ng kanyang mukha. "Julz, halika dito let's walk together. Salamat at dinala mo ako dito, sobrang napakaganda ng lugar na ito,"masaya niyang sabi. Mabuti naman at nagustuhan mo Lheen. Hmmm may itatanong lang ako sayo. "Ano yon Julz?" Alam kong magkaiba ang istado natin sa buhay. May magandang pangkabuhayan ang pamilya mo. Samantalang ang pamilya ko ay nasa katamtaman na pamumuhay lamang at idagdag pa na marami kaming magkakapatid. Masisi mo ba ako kung ikaw man ang piniling mahalin ng aking puso? Masisi mo ba ako kung ikaw ang nagpapabilis ng pintig ng aking puso? Wala akong yaman o mamahaling regalo na maiaalay sayo Lheen. Tanging ang aking dalisay na pag-ibig lamang ang aking tanging hinahawakan para ipadamang mahal na mahal kita. Kaya mo bang suklian ang aking pagmamahal sa likod ng kababaan ng istado ko sa buhay? Kaya mo ba akong mahalin kahit ganito lang ako? I was shocked! Hindi ako nakahuma sa kanyang ginawa. "The cute girl was kissing me, she kissed me,"my mind screamed. "Hello, gumalaw ka naman. Julz napaano ka uy? Are you okay?"she asked. Bakit mo ako hinalikan Lheen? "Para tumahimik ka po, ang ingay mo kasi. Ang dami mong dahilan Mr. Buenvenida kung maka-emote ka eh wagas. Pagmamahal lang naman pala ang ipinuputok ng botse mo tapos ang haba ng mga explanations mo. Mahal mo ako at mahal kita, so let's give it a try,"sabi niya sabay takbo. Hoy Lheen pakiulit ng sinabi mo, huwag mo akong takbohan. Just speak it out clearly para maiintindihan ko. Kapag nahabol kita yari ka sa akin wala ng bawian Lheen. Nang-iinis talaga ang babaeng ito, hmmm gusto mo pala ng habolan huh. Wait Ms. Jeynilyn Sibayan hintayin mo ako at humanda ka sa aking gagawin. Matikman mo ang lupit ng halik ng isang Julz Buenvenida. Patuloy parin siya sa kanyang pagtakbo, alam ko naman na mahahabol ko siya dahil mahaba naman ang aking mga binti. At isa pa sanay ako sa maraton na halos kaya kong sabayan ang aking kabayo. Huli ka mahal ko, hahaha akala mo hindi kita maaabutan noh? "Ay ano ba Julz nakikiliti ako hahaha enough na please. Okay sorry, hindi na ako tatakbo,"hingal niyang sabi. Umayos ka Lheen, di pa kita nabigyan ng torrid kiss hinihingal kana. "Hoy ang bastos mo!"sabi niya. Anong bastos doon? Ngayon ulitin mo ang sinabi mo kanina. Gusto kong marinig sa malinaw na paraan. "Sabi ko mahal mo naman pala ako at mahal din naman kita. So bakit mo binabasihan ang istado natin sa buhay? Gusto kita Julz, I mean I love your attitude. I love how you care me, and how you treat your companionsand friends,"sabi pa niya. Ms. Jeynilyn Sibayan sagotin mo ang tanong ko. Kahit ganito lang ang istado ng pagkatao ko. Kahit wala akong expensive gifts na maibigay, okay lang ba sayo? Puso lang ang buong-buo kong maihahandog sayo. I Love you Lheen, can you officially be my girlfriend? Pwedi na ba nating tutuhanin na maging magkasintahan na tayo simula ngayon? Can we mark 24/09 as our official couple date? "Yes Julz, tayo na and I love you too. Simula sa araw na ito girlfriend mo na ako at boyfriend na rin kita,"nakangiti niyang sabi. "Can I kiss you Lheen?"tumango siya bilang pag- sang-ayon. Hinawakan ko ang kanyang magkabilang pisngi at banayad na hinalikan ang kanyang mapupulang mga labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD