Nakaalis na si nanay Rosa patungong Italy para a alangyang vacation. Tuloy ang trabaho sa bakery at tuloy rin ang training namin ni Jenny. Nitong nagdaang araw lumabas na ang pagkamaldita ng bagong amo namin. Hindi ko alam kong ano ang trip niya sa buhay. Madalas niya akong pinag-iinitan kahit wala naman akong ginawa. Nagagalit yata kapag ginamitan ko na ng mga malalim na salita.
Ngayon lang namin nalaman na magkapatid sa ina pala si nanay Rosa at boss Lucas Ledesma. At ang anak ni boss Lucas ay lumaki sa poder ni nanay Rosa dahil namatay ang ina nito ng isinilang siya. Mayaman si boss Lucas dahil haciendiro ito sa probinsya.
“Hello kuya Noy, late na ba ako? Pasyensya kana kung huli akong dumating may tinapos kasi kaming project. Alam mo naman graduating students ako. Nga pala may maganda akong balita sayo.”sabi ni Jenny.
Anong balita na naman yan at talagang nilamangan pa ang kagandahan mo Jenny.
“Hahaha palabiro ka talaga kuya, maganda na pala ako dyan sa paningin mo.”sabi pa niya.
Maganda ka naman talaga eh, kaya di mo ako kayang gustuhin dahil hindi ako matikas na lalaki.
Sige na nga praktis na tayo baka sakaling madulas ka, ma fall sa akin at magustuhan mo na ako.
“Palabiro ka talaga kuya Noy, pero alam mo sa Maynila na ako mag-aaral ng kolehiyo. Kukunin na ako ng mommy at daddy ko. Nasa Maynila kasi sila nagtatrabaho. At ako naman ay naiiwan lang sa poder ng aking lolo at lola.”sabi ni Jenny.
Nadismaya naman ako sa aking narinig. Mangingibsng lugar na pala ang aking crush.
Ganun ba? Ibig sabihin niyan hindi na pala tayo magkikita. Sige, mag-iingat ka doon sa pupuntahan mo. Kapag successful kana huwag mo akong isnabin huh.
“Duhh kung magkikita tayo ulit syempre maalala parin kita. Sayo ako natutong mag-bilyar eh. Ikaw din kuya mag-iingat ka. Sana mahanap mo na ang tamang babae para sayo.”seryoso niyang sabi.
Bakit? Hindi ka pa ba tama?
“Hehe hindi po ako ang tama kuya wala akong spark na naramdaman sayo eh. Para lang kitang nakakatandang kapatid,”prangka niyang sabi.
“Aroooyyyyy sakit nun Tol, ayos pala itong si Jenny prangkang babae.”biglang singit ni Franco na nakikinig pala sa usapan namin.
Paretes ka pala Tol, nakikinig ka sa usapan namin.
“Hindi naman masyado Tol, nagkataon lang na dumating ako at nag-emote ka. Mag-iingat ka sa maynila Jenny, pag-aaral mo muna ang iyong atupagin. Huwag kang maniniwala sa kanilang mga pasaring.
Ang katulad mong bulaklak ay maraming paru-paro ang nais dumapo,
Di magpapatinag kahit ipagtabuyan mo man ang kanilang hukbo.
Huwag kang magtampo,
Huwag kang tumakbo.
Huminahon ka't sila ay kausapin ng payapa,
Saloobin mo'y ilahad at sabihin na may higit na priority ka pa.
Sabihin mong sa pag-ibig ay hindi ka pa handa,
Sa pag-aaral ka muna maging bida.
Ang pag-ibig ay may tamang panahon,
Kaya unahin mo muna ang sarili na iahon.
Ang pag-ibig ay makakapaghintay,
Ngunit ang makamtan ang pangarap, saya ay walang kapantay.
Sabi ng aking kaibigan na si Franco. May nakatago pala itong talento sa paglalahad ng matalinghagang salita. Kahanga-hanga at ako man din ay naingganyo dahil marunong din ako sa mga tula o poetry.
oooOooo
“Hoy payatot na panadero marami tayong order kaya huwag mong unahin iyang kalandian mo. Alalahanin mong nasa oras ka ng trabaho at buo kang sinasahuran. Hindi porket pinagkatiwalaan ka ng mommy ko maging abusado ka na. Ako na ngayon ang mamahala kaya ako ang masusunod. Palibhasa mga patay gutom kaya kumakapit sa mga mayayaman. Mga tao nga naman madalas sinasamantala ang kabaitan ng mga tumutulong.”sabi ng anak ni nanay Rosa.
Nakakagulat naman ang ugali nito. Nakatingin ako sa gawi ni Franco dahil pati ito ay nabigla din. Ang iba naming mga kasamahan ay nakatingin lang sa gawi ko.
Ma'am kung hindi mo gusto ang performance ng aking trabaho malaya kang tanggalin ako. The last time I checked wala naman akong nilalandi. At kung issue sayo ang pagbibilyar namin. Naglilibang kami dahil libreng oras namin yon. Kaysa mambabae o makipag-inuman mas pinili namin ang igugol sa laro ang aming libreng oras. Mahirap ako? Oo totoo at hindi ko ipagkakaila yon. Hindi ko ikakahiya ang istado ko sa buhay. Pati ang mga magulang na naghubog sa akin bilang mabuting tao sa lipunan. Pero ang tawagin mong patay gutom parang hindi naman yata tama madam. Pinagtatrabahoan namin ang aming sahod at kinakain. Dalawang uri ang lahat ng meron ang mundo. Binalansi lahat ng diyos para hindi tumabingi ang bawat ginagalawan natin. Kung may negative may positive, kung may puti may itim. Kung may buwan na tumatanglaw sa gabi, may araw din na tumatanglaw sa umaga, tanghali at dapit hapon.
Sinwerti kayo dahil naging mayaman at masagana ang pamumuhay. Namumuhay ng hayahay, may grasya kahit nakaupo lang sa bahay. Kami ang opposite ninyo dahil kailangan naming magbanat ng buto bago makakain. Hindi kami pweding umupo lamang at maghihintay na lumapit ang grasya. Kung ako'y mananatili pa sa trabaho nasa sayo na ang pasya.
Baguhin mo ang iyong pag-uugali dahil ang mundo ay umikot pabilog. Alalahanin mo na kahit kaya mong linlangin ang mga tao ang Diyos ay hindi natutulog.
Huwag po kayong lumipad ng matayog para hindi masakit ang inyong pagkahulog.
Pakatandaan na mas maganda ang huminahon kaysa maging mabangis na parang kulog.
Lumabas na ako para makaiwas na. Minsan na akong minaliit kaya hindi ko na hahayaan na may mangmaliit ulit sa aking pagkatao. May karapatan rin akong ipagtanggol ang aking sarili. Hindi sa lahat ng pagkakataon tanggapin nalang ang pangungutya at pang-aapak ng ibang tao.
Sa bilyaran ulit ako naglabas ng sama ng loob. Mas maganda kong mailabas ko ito kaysa kimkimin ko sa aking sarili.
Hinamon ko ang isa sa magaling na player sa bilyaran. Nagkataon din kasi na naroon ito ay naglalaro.
“Mukhang may galit kang dinaramdam bata. Kumalma ka lang at huwag kang magpapadalus-dalos. Makakasira sa maganda mong performance ang galit. Huwag kang maging agresibo sa bawat pagbitaw mo ng taco. Motivate yourself at huminahon, aim your target para nagwagi ka,”sabi ng matandang ginoo.
Tama nga naman siya besides nasabi ko na sa babae ang mga dapat kong sabihin. Pinahiya ko na siya kaya amanos na kaming dalawa.
Maraming salamat po sir! Sige po umpisahan na natin ang laro.
Naglaro na nga kami talagang magaling nga ang ginoo. Nahihirapan akong talunin ngunit pumabor sa akin ang tadhana dahil ako ang nanalo.
“Magaling kang manlalaro, malayo ang mararating mo sa pagbibilyar. Mag-focus ka lang at sikapin na abotin ang iyong pangarap. I'm Garry Tan, retiro na sa larong ito. Ang pagdayo ko dito paminsan-minsan ay Isa lamang libangan.”pagpapakilala niya.
Ikinalulugod ko po na makilala kayo, maraming salamat po sa inyong payo. Tatandaan ko po ang lahat ng inyong sinabi. Ako nga po pala si Nonoy Buenvenida pastry chef po sa bakery dyan sa tapat lang.
“Ah ikaw pala ang taga-bake ng pinaka masarap na monay dyan sa Rosa Bakery. Hindi lang pala bilyar ang talento mo Nonoy. Oh sige mauna na ako sayo huh. Laro tayo ulit next time.”sabi ni at umalis na nga.
Mukhang hindi darating si Jenny para sa praktis ngayon. Kaya naisipan ko nalang na umuwi sa tinutuloyan ko. Maganda siguro kung matutulog ako ng maaga. Tama itulog ko nalang ng maaga para maging kondisyon ang aking utak para bukas.
“Tol, gising kana pala. Alam mo bang hinanap ka ni diwata Anna kagabi. Mukhang nadali sa mga binitawan mong salita. Alam mo bang nung umalis ka halos naiyak sa hiya. Inaalo lang ng mga kababaihan para kumalma. Crush ka yata eh kaya ka sinusungitan. Sabi nga nila, the more you hate, the more you love.”pang-iinis pa ng aking kaibigan.
She taste her own medicine. Kung gusto niyang mamahiya dapat nakahanda rin siyang mapahiya. Walang magtatagal na trabahante kung mananatili ang ganyan niyang pag,-uugali. Kung anuman ang narating niya sa buhay ay dapat ipagpasalamat niya sa diyos. Hindi iyong dahil nasa itaas kana aasta ka na kung sino. Dahil may hawak nang sertipiko para na siyang ibon sa ibabaw o likuran ng kalabaw. Dahil nasa itaas siya ang akala na niya mas malaki pa siya sa kalabaw.
“Ang aga naman ng sermon mo tol, kumusta ang sariling insayo sa bilyaran? Kumusta ang matahom mong dalaginding na si Jenny? Mapapasana all nalang talaga ako sayo tol.”pang-aasar ni Franco Sa akin.
Naligo na ako at naghanda para makapunta na sa trabaho. Kailangan kumayod para sa pamilya na umaasa. Walang ikabubuti kung magpapatinag sa mga mapangutya ng ibang tao. Nasa Pilipinas ako at malaya akong gawin ang mga nais kong gawin sa buhay.