Inilagay ni Marco ang hintuturo sa ilalim ng ilong ni David. "He isn't breathing!" bulalas niya. Biglang nataranta si Aries. "What are we going to do Marco?" aniya. "Tumawag ka ng tulong," mabilis na tugon ng binata. He started to do CPR on David. "Are you kidding me?" tiim bagang na wika ni Aries. Kapag humingi siya ng tulong, ano ang sasabihin kung ano ang nangyari? "No, I'm not! Bilisan mo, humingi ka ng saklolo!" sigaw ni Marco. Nagdadalawang isip man ay dali dali nang tumakbo si Aries palabas ng warehouse dahil it's already a matter of life and death. Ipinagpatuloy ni Marco ang pag-si-CPR kay David ngunit wala pa rin itong response. Hindi na niya iniisip kung ano ang mangyayari pagkatapos. Basta ang alam niya, kailangang gawin niya ang lahat upang mailigtas si David. Nakailan

