"Ano'ng nangyari sa lakad mo, 'Nak?" usisa ni Aling Dolor kay Aries pagkarating nito sa bahay. Umiling ang dalaga at nagbuntong hininga. "Wala, 'Nay, wala pa ring balita," malungkot na tugon nito. "Magpahinga ka na muna. Baka bumagsak ang katawan mo." Tumango si Aries at pumasok sa kanyang kwarto. Hindi sa ganoong pagkakataon ang inaasahan niyang magiging pagkikita nila ng magulang ni Marco. Mukhang mabuting pamilya ang pinaggalingan ng binata. Magaan ang loob niya sa ama nito. Tahimik siyang humiling na sana sa iba at maayos namang sitwasyon ang magiging sunod nilang pagdadaupang palad. Kinabukasan ay pumasok siya sa trabaho kahit na hindi maayos ang kanyang pakiramdam. Ayaw lang niyang lalong pag-isipan siya ng kung anu-ano ng mga tao. "Aries, napapansin kong buong maghapon mo a

