"Marco, can I see you now?" Napabangon ang binata sa higaan sa ipinadalang mensahe ni Aries. Tiningnan niya ang wall clock sa kanyang kwarto, malapit nang maghating gabi. Mabilis siyang bumangon at nagbihis. Nagpasya silang magkita ni Aries sa isang park na sa mga oras na iyon ay mayroon pa ring mangilan-ngilang tao. Kaagad tumayo si Aries at tumakbo palapit sa kanya nang makita siya. Isang mahigpit na yakap ang isinalubong nito sa kanya. "I can't sleep. I'm thinking of you," wika ng dalaga. "Ako rin," malamlam ang mga matang tugon ni Marco. Hindi na niya pinigilan ang sarili at hinagkan ang mga nakaawang na labi ng dalaga. That passionate kiss lasted for almost a minute. Kulang na kulang para maiparamdam nila sa isa't isa ang pangungulila. "Can we go somewhere else?" wika ni Ar

