"Kumusta?" Dad inquired with eyes studying my expression. Sinara ko ang pinto at lumapit sa kanya upang magmano. "... ang exam?" he added. Bahagya akong nasaktan nang marinig ang mga salitang naidugtong dahil pakiramdam ko, mas concern pa sila sa exam ko kaysa sa'kin. Paulit-ulit ko man itong sinasabi pero ang sakit pa rin talaga. Paano nila ito nagagawa sa akin? Paano nila nagagawang hamakin ang sarili kong kaligayahan para lang sa kaligayahan nila? Aaminin kong masarap sa pakiramdam ang manguna, ang maging sikat dahil sa katalinuhan, at ang maging angat sa mga bagay na mahirap pagdaanan. But atop all of that, I know my capabilities. At hindi kakayanin ng utak at tiyaga ko ang talino at determinasyon na mayroon si Simon. Tumayo ako nang maayos nang ibaba ang kamay matapos makapagmano

