Kunot-noo kong sinalpak sa laptop ang flashdrive na hiniram ko kay Kiel. Ilang segundo pa muna ang hinintay ko bago lumabas ang dialogue box. Ni-click ko ang file ng test questionnaires na gagamitin. Bukas na kasi kaagad ang first quiz. Miyerkules na rin bukas, ang laban ni Simon. I'm not trying to be nice here since deep inside, may part sa akin na gusto siyang matalo. Ngunit sa tuwing iisipin ko ang naging hirap niya para sa training, kaagad akong nako-konsensya. Sinampal ko ang sarili at dumukdok. s**t. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako sa nararamdaman ko. Bakit parang umaatras na ako? Bakit parang umiiba na ang ihip ng plano ko? I should drag him down! Habang hindi pa huli ang lahat! Naningkit ang mga mata ko nang mabasa sa bukas kong phone ang lumitaw na chat heads ni Kiel. Tum

