Hindi ko napigilan ang aking sarili at yumakap ako pabalik sa kanya. Mas humigpit ang kanyang yakap sa akin nang maramdaman iyon. Siniksik niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Lalo akong napaiyak dahil na-miss ko ang ginagawa niyang iyon sa akin. Humiwalay siya sa akin at tinitigan ang aking mukha. Pinunasan niya ang ilang luha na pumatak sa aking pisngi. Lumambot ang kanyang mukha. Ito ang unang beses na hindi ko siya nakitang seryoso. Pakiramdam ko ay bumalik kami sa dating kami. Noong hindi pa nagkakaroon ng problema. Noong masaya pa kami. Wala pang sakit at pagdududa. Hindi ko inakala na totoo ang sinabi ko noon. Na siya lang ang lalaking mamahalin ko. Dahil kahit apat na taon na ang lumipas, siya parin. Hindi siya nawala. Pinilit ko lang na itago iyon sa loob ng mga nakaraang taon

