Natapos ang enrollment period at para sa sem na iyon ay nahiwalay sa amin sila Joan at Shirley dahil iba ang kanilang majors. Ang naging magkaklase ngayon ay ako at sila Claris, Kevin, Mark at Chris. Hindi naman kami gaanong nalungkot dahil pwede naman kaming magkita-kita tuwing break time namin. Sinadya naman naming itugma ang oras kaya hindi kami mahihirapan. Ipinakita ko na agad kay Jake ang aking schedule noon para ipaalam na agad niya sa akin kung professor ko ba siya ulit ngunit hindi pa raw naibibigay ang loads niya. Medyo nagdududa pa ako sa sinabi niyang iyon dahil isang linggo nalang noon ay pasukan na, pero pinalagpas ko nalang. Muling bumalik sa aking isip ang ginawa niyang proposal noong debut ko. Ngising ngisi ako sa kanya ilang araw pagkatapos niyon dahil hindi ko inexpect

