CHAPTER 12 “Hindi naman kami nag tagal ni mama, kailangan din niyang umuwi kasi may trabaho pa siya kagabi, kaya ayun umuwi na kaming dalawa.. Ang natatandaan ko ay naiwan na lang sila tito Aries, tito Den, tatay mo at ung iba pang mga kasama sa basketball ni kuya Junji,” ito ang salaysay ni Jerry sa kanyang kaibigan. “Ahhh ok, kasi hindi ko na namalayan si tatay na umuwi.. Tapos kanina ang aga niyang umalis pero binigay nya nga sa akin ito ehh… bigay daw pala ng boss niya itong mga damit, akala ko naman kung sino ang nagbigay, pati ung bigas namin binigay din daw sa kanila ng boss nila.. Hindi ko na inalam pa kung bakit, pero nag pa salamat naman ako syempre,” ang kwento naman ni Joel sa kanyang kaibigan. Nasa bahay lang sila ngayon at maaga pa lang pumunta na si Jerry sa kanila para m

