Stacey's POV Nagising ako at naabutan ko na nakaupo si Cherry sa tabi ko. "Cherry?" pagtawag ko rito. "Gising ka na pala." nakangiting sagot naman nito. "Oo bakit nandito ka?" naguguluhang tanong ko at ngumiti naman ito ng nangaasar. "Bakit hinahanap mo na ba si Damien?" tanong pa nito. "Baliw nagtataka lang ako kasi si Damien yung kasama ko kanina rito." paliwanag ko. "Wala sila umalis silang tatlo may bibilhin ata kaya sabi nila dito na lang daw muna tayong dalawa sa kubo h'wag daw tayong lalabas hanggat wala sila." kuwento naman nito. "Saan sila pumunta? bakit hindi tayo sinama?" sunod sunod na tanong ko pa rito. "Hindi ko rin alam pero sundin na lang natin kakatext nga lang ni Laurent pabalik na raw sila dito." sabi pa nito. Pagtingin ko sa kaliwa ay may nakita akong paper ba

