"Ano ka ba sarado pa ang mall maaga pa anak." natatawang sagot pa nito. "Oo nga po pala sige po kahit before lunch na lang po." sabi ko naman dito at nagpaalam na ito na ilalabas na ang pinagkainan namin. Napahiga naman ako ulit sa kama. 'Dapat pala sinabi ko na kay Mommy kanina.' bulong ko sa sarili ko sabay takip ng unan sa mukha. Hindi ko talaga alam kung paano ko talaga sasabihin sa kanila ang gusto ko bago pa sila dumating ulit sa Pilipinas ay nagdadalawang isip ako kung itutuloy ko pa ang Pagaaral ko ng College dahil noon pa lang ay napagplanuhan ko na mag bussiness na lang kahit maliit lang. Pagpasok sa kuwarto ay agad akong na pa bunghalit ng iyak dahil hindi ko inaasahan na ganon ang magiging sagot ko sa kanila pero totoo rin naman kasi hindi nila halos alam kung ano ang mga

