Someone's POV Padabog na umupo sa harapan ang anak ko. "Ano 'yon ganon ganon na lang akala ko ba gagantihan natin sila?" galit na tanong nito sa akin. "Puwede ba kumalma ka muna?" singhal ko naman dito. "Alam mo ba nakita ko sila kaninang mag ina sa mall na ang saya saya nila." galit na sabi pa nito. "Hindi tayo puwede basta basta kumilos nakakahalata na sila." paliwanag ko naman dito. "So paano hihinto na tayo sa pag ganti sa kanila." sabi nito sabay tayo at labas ng kuwarto na kinaroroonan namin. Maghintay lang sila matatapos din ang maliligayang araw nila marami pa akong inihandang sorpresa para sa kanila kaya dapat siguraduhin nilang handa sila. Hindi ako papayag na kami lang ang hindi masaya na kami lang ng anak ko ang hindi kumpleto ang pamilya. Stacey's POV Nagising ako

