Stacey's POV Napadilat ako ng gisingin ako ni Cherry, "Anong oras na ba?" bulong ko rito. "Alas tres na ng madaling araw gisingin na natin sila." bulong din nito. Bumangon na ako at dumiretso sa banyo upang maghilamos. "Tulog pa silang 3." bulong nito, "Oo nga eh gisingin na natin dapat 4 nasa airport na tayo." sagot ko sa kanya paglabas ko sa banyo. "Sige, ako na gigising kay Sisteret Daniel ikaw na kila Laurent." sabi pa nito kaya naman tinanguan ko na lang siya at naglakad na palabas ng kuwarto, Nagulat naman ako ng makita na naka upo na sa Sala si Laurent. "Good morning, Stacey." nakangiting bati ni Laurent. "Good morning, kanina ka pa gising?" tanong ko paglapit ko sa kanya. "Hindi naman kanikanina lang akala ko nga tulog pa kayo." sagot naman nito. "I see, si Damien tulog pa?"

