“Linnea,” tawag ko sa aking kaibigan matapos lumipas ang ilang araw. Ni hindi ko na napansin kung ilang araw na ba talaga ang lumipas dahil masyado akong preoccupied dahil kay David. Madalas ba naman siyang magpunta sa aking condo para sunduin ako, kumain kami sa labas at ihatid ako sa aking bahay. Talagang ginagawa niya ang sinabi niyang magiging rebound siya at ang panliligaw niya sa akin. Kaya malaki talaga ang pasasalamat ko dahil habang tinutupad niya ang mga binitawan niyang salita, hindi ko napapansin na patuloy na pala akong nahuhulog sa kaniya habang hinahayaan siya sa kaniyang gustong gawin. Hindi ko alam kung naguguluhan lang ba ako o ano? Kasi baka mamaya ay nasasanay lamang ako sa kaniyang presensya. Baka mamaya ay hindi pala talaga ako nahuhulog sa kaniya at talagang si

