Kagaya nga ng sinabi ni David, hinayaan niya ako sa aking gusto. Hindi niya ako ginulo at hindi muna siya nagpakita sa akin. Ilang araw na ang lumipas magmula nang huli kaming magkita pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano ang nararamdaman ko. Patuloy pa rin akong naguguluhan, patuloy pa rin akong naghahanap ng sagot sa aking mga katanungan. Pinilit kong basahin ang document na nasa aking harapan ngunit kahit ano ang aking gawin, hindi ko pa rin maintindihan. Sadyang lumilitaw pa rin si David sa aking isipan. Hindi ko alam kung dahil miss ko ba siya o ano. Basta pakiramdam ko may kulang. Ang tamlay-tamlay ko nitong nagdaang araw at pilit kong kinakaya ang lahat ng mga trabahong mayroon ako. Sa tuwing uuwi ako sa condo ko, lahat ng sulok ng aking condo ay naririnig ko a

