Nagising akong hindi ko maigalaw ang aking mga kamay. Kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nasa ibang silid ako. Sino kaya ang kumuha sa akin? Jusko po! Napatingin din ako sa aking mga pulsuhan at nakita kong may tali ako, ganoon din sa paa ko. Ngunit bigla akong nagulat nang marinig kong may nabasag. Agad na lumipat doon ang aking mga mata. At tumambad sa akin ang likod ng isang lalaki. Pagkatapos ay dahan-dahan siyang lumingon sa aking puwesto. At ganoon na lang ang panlalaki ng aking mga mata nang makilala ko ang lalaki. "Seth," tanging nasabi ko ang pangalan nito. "Kamusta, July? Oh, ang anak ng isang kriminal," mapang-uyam na sabi nito sa akin. Ako naman ay napapikit ng mga mata. Pagkatapos ay agad ding tumingin sa lalaki. At nababanaag ko roon ang pagkasuklam

