Windy POV Nandito kami sa labas ng Basilica at nagkatuwaang mag bonfire. Nakaupo kami sa mga bench na yari sa bato habang nakapalibot sa apoy na nagbibigay sa amin ng init sa malamig na simoy ng hangin ngayon. Kasama ko sina Sister Jasmine at Sister Hazel na kababata ko at sina Darlene, Flinn at mangilan ngilan na dalagitang nakikikanta sa pag gigitara ni Hazel. Nakikinig lang kami dito habang ako'y nakatanaw sa kalangitan na bumabalot sa aming lahat. Nagkikislapan pa ang mga bituin doon na halos ikapuno ng kalangitan. Napaisip pa ako sa sarili habang tanaw iyon. Sana'y kung nasaan ka man ngayon, Cloud. Sana'y mahanap mo ako.. Mapait pa akong napangiti habang hinayaang sakupin ng musikang iyon ang aking pandinig. I love this place But haunted without you My tired heart

