Cloud POV Mabilis na lumipas ang apat na buwan at heto't nagbalik sigla na si Windy sa kanyang dating tingkad. Sa mga oras ding iyon ay umuwi na sila Darlene at Flinn sa mansion at noo'y napag usapan na nila daddy Storm ang aming nalalapit na kasal. It's a dual matrimony. Gusto ni Tito Ullysis na ikasal sila ng pormal ni Darlene at Flinn.. Nakapagpatawaran na rin sila Tita Hara at Dad na noo'y napagpasyahan na dito na kaming lahat tumira sa mansion. Bagama't hindi pumayag si tita Hara ay bukas naman ang tahanan namin sa pamilya nito. Lalo pa't gaya ni dad ay marami rin itong anak. Nakilala ko sa pagkakataong iyon sina Monique, Si Kevin, at ang bunso nilang si Shiela na gaya raw ni dad noon ay may pagka-bipolar at unstable condition sa moods nito. Mag aanim na buwan na ang ti

