Windy POV Nang makarating kami ni Cloud sa kanilang mansion ay bumungad sa akin ang maluwang na b****a ng kanilang hardin na may pabilog na daan at may center piece attraction na fountain sa harap. Napakaeleganteng desinyo rin ang bumungad mula sa pintuan nitong may purong kahoy na yari sa narra. Makintab ang sahig at may mga palamuting mamahalin, umagaw atensyon rin sa aking paningin ang kanilang center hall staircase na may puti at gintong pintura. Mala-palasyo ang lawak n'on at nakakalulang espasyo ng corridor na animo'y gaya sa Basilica. Hindi ko na nga namalayan na nakanganga ako habang kaharap ko na pala si Ma'am Summer at isang ginang rin na animo'y kamukha rin ni Ma'am Summer. Nakangiti lang ito habang inaabot ang kamay. "How are you hija, maligayang pagdating. I am your

