"ANO'NG nangyari sa mga 'yan?" tanong ni Melissa na ikinagitla ni Louisiana. Katatapos lang nila halos sa maghapong gawaing bahay at ngayon ay pareho nang nakaupo sa sofa sa may living area habang naghahanap ito ng mapapanood sa malaking tv. May kape at tinapay pa silang meryenda na nakapatong sa may center table. "I-Ito?" maang niya sabay turo sa mga galos at pasa sa braso. "Oo. Ano'ng nangyari?" Saglit na pinagmasdan niya pa ang mga iyon. Tinatantya sa isip kung dapat bang pagkatiwalaan at kuwentuhan ng mga pangyayari si Melissa. Sa buong maghapong magkasama sila ay maayos naman ang naging pagtrato nito sa kaniya. Mabait ito at mapagpasensya. Palabiro rin kahit palpak ang ilang gawa niya kanina. Akala niya, pag-alis ni Sir Li para pumasok sa trabaho ay mag-iiba na ang trato nito s

