AT ang day off na 'yon ay isa yata sa mga araw na hinding-hindi malilimutan ni Yanah. At isinumpa niya sa sariling hinding-hindi na niyq uulitin pa iyon. Mas gugustuhin niyang magkulong na lang doon tuwing araw ng day off niya, gugugulin niya na lang ang buong araw sa pagbabasa kahit inaantok siya, kesa naman maulit ang tagpong nangyari kanina. Ayaw niyang matuklasang ni Sir Rave na nandoon siya kay Sir Li. Natatakot siya sa maaari nitong gawin sa bago niyang amo. Ayaw niyang masaktan ito o mapagbuntunan ng galit. At the same time, ayaw rin niyang bawiin siya nito mula kay Sir Li. Ayaw na niyang magbalik sa impyernong poder nito. Nakauwi siya sa malaking bahay. Nang makarating sila sa may labas ng subdivision ay agad siyang pumasok ng gate at halos lakad-takbong tinunton ang bahay ni S

