Kabanata 4 (III)

2305 Words
Carlo was driving recklessly, honking at every car that we passed. Kaya naman pala ako pinagsuot ng seatbelt ay dahil makikipagkarerahan siya sa lahat ng makakasalubong namin! “What is wrong with you and your driving?!” I shouted, my fingers briefly stopping on the screen of my phone so I could berate him properly. Kanina ko pa ka-chat si Bee. May groupchat naman kaming magkakaibigan pero I still preferred chatting with my best friend privately. At kahit na bawal ang cellphone sa klase sa oras na ito, mabilis pa rin ang paglabas ng tatlong tuldok sa paparating niyang mensahe. “Baka ma-late ka na sa susunod mong klase. Nagtagal na tayo kanina at magpapalit ka pa ng damit mo,” kalmadong saad ni Carlo kahit otsenta na yata ang takbo namin! “Okay lang na ma-late kaysa naman mamatay! Ugh, slowdown!” Ibinalik ko ulit ang atensyon sa cellphone. Matingkad na matingkad ang maliit na display picture ni Bee roon, kulay dilaw pa rin ang border. I was the one who took that photo. Last year, may event ang newspaper club kaya naman may official na profile picture. Bee wasn’t a member but he insisted, reasoning most of his friends were. My phone dinged. Napahawak ako sa seat belt habang binubuksan ang mensahe. Bee: Giovan Fulgencio. Naningkit ang mga mata ko, nabubuhay na naman ang galit. That’s the name of the culprit! Ang nagsaboy sa akin ng juice! Hindi ko kilala sa pangalan pero baka sa mukha ay oo. At base sa impormasyon ni Beatus, Grade 8 pa lang daw si Fulgencio. Oo nga at ang bilis tumakbo, maliliit kasi ang mga paa! Bee: Napag-utusan lang daw ng coach. He’s a rookie badminton player. I already anticipated that. Whoever ordered the boy to do that to me would make sure that he’d go out as innocent as he could. At iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat - ang ituring na inosente ang mga tao at bagay-bagay dahil sa totoo lang ay wala nang inosente sa mundo. My lips were pressed tight as I typed in a reply. Me: I will get to the bottom of this and I will not spare anyone. Though I already have a clue on who’s involved... Inis na inis na naman ako pero naging pokerface na lang nang padalhan ng isang imahe ni Beatus. He took a wacky selfie with a grumpy looking Orion. Ilang minuto pa ay nakarating din kaming bahay pero pareho naming hindi inasahan ang presensya ni Daddy! I didn’t know why the hell he was there at this hour but I surely didn’t want to bump into him. Kanina sa tawag, galit na siya at kapag makikita pa akong umuwi ay baka lalo akong pagalitan. Mabilis akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang pamalit na uniporme. Pero sa takot na maabutan ako ni Daddy ay bumaba ako kaagad. “Let’s go!” utos ko kay Carlo na nakaantabay. Nakatingin ito sa nakaparadang kotse ni Daddy, the telltale that he’s really here, bago tumango sa akin. Hingal na hingal tuloy ako sa sasakyan. “My goodness, the maids saw me pero binalaan kong huwag magsusumbong! Subukan lang nila!” Pinagpawisan pala ako. “Bakit kaya umuwi si Dad, ‘no? That’s strange…” I huffed. “Hindi ko rin alam. Wala namang siyang sinasabi, madam.” Kumunot ang noo ko. Madam na ako ulit? Winala ko na lang sa isip ang pag-uwi ni Daddy dahil baka may nalimutang dokumento lang o ano. Pinroblema ko ang pagpapalit ko ng uniporme dahil hinding-hindi ako babalik sa school na ganito pa rin ang itsura ko. Carlo might have been thinking the same because our route changed. “This isn’t the way to my school,” obvious kong puna. “Magpapalit ka pa, ‘di ba?” “Yes?” I got alarmed! Sinipat ko si Carlo na hindi tulad kaninang harabas ay kalmado nang nagmamaneho. Our car just took a turn and his hand let go of the steering wheel so it would freely rotated by itself. Napanguso ako. “Are you k********g me?” mataray kong tanong. Is this his plot all along? To really kidnap me? Kaya lang ay pinatagal ng isang linggo dahil iyon ang nakasaad sa plano? “Bakit ko naman gagawin iyon?” his half-amused question. Umawang ang bibig ko. Right. He’s a bastard but still a Delgado! So he’s loaded most probably. “I don’t know? Because our families hate each other?” “I don’t hate you,” kibit-balikat ni Carlo. I blinked. “At kung galit sa inyo sila Papa, sa tingin mo ba ay iimbitahan pa kayong buong mag-anak noon sa party?” Tipid ako nitong nilingon. “Patay na si Don Apollo. Patay na rin ang galit niya kaya sana ay maging maayos na ang mga pamilya natin, Cala.” Cala again? “But... Dad did horrible things before...” I can’t help but say it. I remembered Banjo telling me stories about it when I was young. Noong naghihirap na raw ang mga Delgado at kahit noong hindi pa patay si Don Apollo, pinatalsik na sila ni Daddy rito sa Sorsogon. My father gathered everyone and even convinced the Delgados’ allies to overthrow them. Hindi ko alam kung nasaan si Carlo sa mga panahong iyon pero… mabuti na rin pala at hindi nadamay sa gulo. As for Allistaire and Consuelo, I couldn’t say the same thing. “Hindi na natin mababago ang nakaraan, Cala. Ang pwede na lang natin gawin ay ang mamuhay nang mas maayos at mas mapayapa kaysa sa huli,” Carlo said in a monotone. Parang ang hirap naman paniwalaan dahil kamukhang-kamukha siya ng malupit niyang Lolo pero may pag-iisip naman ni Ricardo. And the way he spoke about it, just how much did he know about the past? Bigla ay may tumubong bumbilya sa gilid ng ulo ko. Damn it, now was so not the time pero parang nangati ang kamay ko na isulat ang mga nalalaman niya! Para sa article namin at para na rin sa kyuryosidad ko sa kaniya na paigting lang nang paigting. “Why did you apply to be my driver again?” Naningkit ang mga mata ko. “Out of all the jobs, you chose this...” Bahagya akong sinipat ni Carlo sa rear-view. I noticed the car had already stopped in front of a small compound. “Hindi naman espesyal na trabaho ito. I was looking for a job and your father hired me.” “That’s it?” I expected more. “It’s really as easy as that, Cala.” Tumagilid ang kaniyang ulo. I didn’t bother to hide my disappointment. But what for, exactly? E kung naghahanap nga lang naman siya ng trabaho at ito ang napasukan. His family was fine living here so they must have already moved on. Kami rin dapat. Though he’s a bastard, he’s a Delgado still. I couldn’t help but wonder why he’s working his ass off when he could just claim his inheritance. Mabait si Ricardo Delgado at sigurado akong hindi siya pababayaan, hindi tulad ni Apollo. Kaya bakit nagtatrabaho pa siya? Ang dami kong gustong malaman pero ayokong magtanong nang walang dahilan. My pride wouldn’t let me be one of those random citizens that wanted to taste a bit of their “royal” lives. ”Uhh, where are we?” Natauhan ako nang bumaba na si Carlo! Pinagbuksan ako nito ng pinto bago sumagot. “Apartment ko nga pala. Huwag kang mag-alala, marami akong kapitbahay at... hindi ako papasok sa loob. Dito ako maghihintay sa sasakyan.” Mangha kong nilingon ang dikit-dikit na mga bahay. It all looked so congested which reminded of the traffic in the metro. “Dito ka na magpalit ng uniporme. Maliit lang pero malinis ang banyo.” Napanguso ako. Carlo cleared his throat and tried to stand tall. “Baka matagalan pa tayo sa daan kung maghahanap ng public restroom. Dito ay street lang ang layo sa bahay ninyo, madam,” he explained further. Hindi naman ako nagtatanong. Bumaba na ako at madaling nilampasan ang hanggang baywang na gate. “You live here? Alone?” Ginala ko ang paningin sa loob ng kaniyang maliit na apartment. “Oo, mag-isa ko lang,” sagot nito mula sa labas. Walang laman ang sala kung hindi ang isang couch, lamesa, at electric fan. Karugtong nito ang kusina na may isang ref at kaunting mga kagamitan. I assumed the two doors led to his bedroom and bath. Hmm. Pwede na rin. We live in the same zone because Daddy requires our household employees to live nearby if not planning to be a stay-in, and Carlo’s apartment was located within the quarters for our guards and cleaners. Ibig sabihin… Marami ngang kasama rito kahit na mag-isa… I looked back at Carlo, my lips pursed. Abala ito sa pagbababa ng aking mga gamit sa sasakyan. With half of his body inside the car, the back of his polo shirt slightly hiked up, showing me the harsh material of his belt. Tumaas ang aking kilay nang umikot ito paharap, dala ang mga gamit ko. Pinagpag muna nito ang boots sa basahan bago tuluyang pumasok. My eyes then went down on my sticky shoes and the footprints it made on his white tiles. Uhh… “Ang pamilya mo?” tanong ko, pinapanood itong ilapag ang aking bag sa kaniyang couch. Nasa bungad ng sala lang nakatayo si Carlo at parang ako pa ang may-ari. Napanguso ako. “Nasa probinsya ang lolo’t lola ko, mga magulang ni Mama.” “How about the other one?” “Sila Papa? Hindi ko kasama pero dumadalaw ako minsan sa bahay nila.” Ah, kaya pala kasama rin siya sa mga pa-party nila. “Sure ka’ng wala kang kasama?” I probed even more. “Wala nga…” iling nito habang sinasabit ang aking basang blazer sa likod ng isang monoblock. He hanged his wet sweatshirt as well. Hindi ko pala nadampot kanina dahil basta na lang bumaba. Tinamaan naman ako ng hiya kahit papaano. “Sige. Magpalit ka na. Dito lang ako sa labas… madam,” aniya pagkatapos. Humalukipkip ako, nakatayo sa gitna ng kaniyang maliit na sala. I watched him turn his back on me and assumed his post next to our SUV. Sumandal si Carlo roon at tinanaw ang mga dumadaang sasakyan, nakasingkit ang mga mata. He looked exceptionally… good… and dark and tall… somehow. I didn’t know how to explain it. Not yet. Baka dahil sa lighting o sa hangin effect ng kaniyang buhok pero lalong gumwapo si Carlo sa paningin ko. It’s like I already know he’s matured and handsome but each time I’d look at him, it would just get better and better! Sa iritasyon ko ay mabilis kong dinampot ang bag na laman ang uniporme. Isinarado ko ang pinto ng kanyang sala at ni-lock tapos pagpasok sa banyo ay ganoon din ang ginawa. I must be losing my mind. You see, while changing, I was actually considering interviewing him. Yes! Tutal naman kanina ay inatake na ako ng mga tanong. I was only not curious about him, I was damned and badly curious! I want to get inside his head, I want to hear their dark history from his point of view. I want to hear it all from his pink, lovely mouth. I want to know everything but I want it to be him to tell me. Damn it… “This place is even perfect for the interview,” iritado kong kumento paglabas ng banyo. Dala ang isang paper na puno ng maruming damit, nilabas ko na si Carlo na hindi man lang gumalaw sa pwesto. Isang taas lang ng kamay ko ay nag-jogging ito patungo sa akin at kinuha ang paper bag, na siyang inilagay niya sa likod ng sasakyan. Him bowing down to me that easily felt so good yet so irritating. Pumasok na lang ako sa sasakyan. Buong byahe akong nakabusangot. Wala na ang galit ko kanina at inis na lamang ang natira para sa sarili. I was certainly holding back even though I wanted to interview him so bad. He’s a Delgado, for Pete’s sake. Everybody wanted a piece of them because once upon a time, they ruled this place. Ako, ma-pride ako, pero syempre ay gusto ko rin makisawsaw! And I have a valid reason for that! I need to interview him. Yes? Yes! Kaya tama na ang pagpapanggap, Cala! And it’s not as if I was still scared of him. That’s just my reason para hindi aminin sa sarili na… kating-kati ako malaman ang iba pang sikreto ng pamilya nila. Call it a journalist’s instinct. “Carlo,” malamig kong tawag. “Madam…” “Your apartment is suitable for an interview.” “Interview?” “Yes. Interview and photoshoot,” ngisi ko, pinakakawalan na ang sariling kagustuhan. I always get what I want, huh? “Para saan?” Sa rear-view ay tanaw kong nagdikit ang mga kilay ni Carlo. “I would like to invite you for an interview for the launch of our school paper’s second issue this year. Bilang bastardo ni Ricardo Delgado.” There was no need to sugarcoat my words. Nagkatinginan kami sa maliit na salamin, mata sa mata. Nagdidilim ang kaniya, nakangiting nanunuklaw naman ang akin. “Magsusulat ka ng artikulo, Cala, tungkol sa pagkatao ko…” “Yes, that is what I just said.” Nabubuo na ng title ng artikulo sa utak ko. It’s going to be the star of our magazine. It would win us awards! Alam ko dahil pag-iigihan ko… “So? What do you say?” I smirked brightly. Carlo then returned his gaze on the road, the corners of his mouth lifting. Or was it just my imagination? “Ayoko,” he said loud and clear.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD