Sa kalagitnaan ng linggo, nakatunog na ang mga professor namin tungkol sa issues na nangyayari. I was summoned to the counselor’s office. Sina Roman at Esperanza ay naroon pati na rin ang Grade 8 na nadamay. Lumabas na sa wakas ang katotohanan na hindi naman talaga ako ang nagpabugbog. Umamin na rin si Fulgencio na natalo raw siya sa isang pustahan online kaya inabangan ng mga nakaaway. “You’re at the stage of exploring relationships but please act responsibly naman. Kayong tatlo ha, Roman, Calanthe, Esperanza,” the counselor finalized meaningfully before turning to me. “Miss Montemayor, you’re a graduating senior. I expected more from you. Running ka rin ng valedictorian at presidente, tama?” “Yes, miss. This will not happen again,” walang kurap kong saad. I was suspended for two days

