Nagkatinginan kami ni Carlo sa salamin. Fortunately, I still hadn’t snapped. I was still in control. May plano ako na maghihintay ng dalawang linggo para masabi sa kaniya ang totoong nararamdaman ko pero kahit na napipigtas na ang pasensya, hindi iyon ang priyoridad ko ngayon. Screw losing the interview. Right now, losing him… as my driver only… was what really mattered. Isang mahina ngunit malutong na mura ang narinig ko bago kinabig ni Carlo ang sasakyan sa tabi. Bumaba ako kaagad upang makalasap ng hangin. My hand shot up to my neck, gasping a bit with all the drama I could muster. Humampas sa aking magkabilang pisngi ang malakas na hangin. I hadn’t realized we’re on that same bridge where he first took me when I had a meltdown. Lumapit ako sa bangin. Sa ibaba, may nangyayaring

