Nasa byahe na kami nang mag-text ako kay Banjo na hindi sa bahay magdi-dinner. Ilang minuto pa, nakarating din kami sa restaurant. “I told you, Cala, I’m very serious about this,” wika ni Carlo bago kami makababa. “I’m serious about us… So if this isn’t what you want or if you’re not comfortable…” Napangiti ako nang makitang kabado pa rin pala si Carlo. I admit, I was also a little nervous on the way here pero mas nangingibabaw ang excitement ko. This wasn’t my first rodeo, you know, meeting the parents. In fact, marami na akong experience sa ganoon at halos lahat naman ay nagustuhan ako. Masayang-masaya lang ako hindi lang dahil maipapakilala ako na babae sa buhay ni Carlo kung hindi rin dahil plano niya ito. Plano niyang ligawan ako, i-date ako nang disente, ipakilala sa magulang… ma

