Kabanata 3

2220 Words
“This is your cheese waffle and strawberry milk!” Inilapag ni Primo ang tray ng aming pagkain sa lamesa. Kinabukasan ay ito ang sumundo sa akin dala ang isang bouquet. I had no choice but to accept his apology kaya magkasama na naman kami ngayon sa lunch. Kumaway si Bee na nasa gilid lang ng aming table. Orion was there too with Amaranth, mukhang pinag-uusapan na ang mga detalye ng aming ilalabas na school paper. Si Conan naman ay mayroong dinadaldal na transferee. Normally, I’d eat lunch with them pero nang maging nobyo ko si Primo ay siya na lang lagi ang kasama ko. Like today. He’s like a parasite. “How many times do I have to tell you that I don’t like to eat cheese when I’m at school? Are you even listening to any of what I’m saying?” Pinandilatan ko ng mga mata si Primo. Humalakhak ang classmates ko sa gilid. Napakamot lamang ito sa ulo bago umupo sa aking tabi. Nagsimula na itong kumain ng kaniyang Beef Tapa. Pilit kong kinalma ang sarili. “Ate Cala! Look!” tawag ni Amaranth. Napa-slant tuloy ang katawan nito sa pagitan ng aming lamesa para lang ipakita sa akin ang hawak na magazine. Habang nagbabasa ay pasulyap-sulyap ako kay Conan at sa kaniyang dinampot na transferee. “Editorial: The Delgado Centennial,” one headline quoted. It was about the criticization of the royal family – their downfall and the uprising against them. Wala naman nang bago roon at sa tingin ko nga ay wala nang magtatangkang bumasa pa dahil halos lahat naman na ng tao rito ay kabisado na ang madilim nilang nakaraan. Ang ikinagugulat ko lamang ay nakarating pa rin ang issue nila sa aming school paper. However, something told me that Orion himself approved it. Why? Because one of the Delgado descendants happened to be here with us and probably wouldn’t leave anytime soon. And I wasn’t talking about my driver. Ang kausap ni Conan ay ang transferee na si Allistaire Delgado, isa sa dalawang lehitimong mga anak nina Ricardo at Carlotta Delgado. Nang pagmasdan ko ito ay mukhang nakikinig naman sa mga walang kwentang sinasabi ni Conan. Paniguradong tungkol sa basketball na naman at ang ilang beses niyang pagsali sa tryouts. Allistaire looked a lot like his father, I noticed. His features were not as matured as his half-brother though given a few years, he’d sport the same dark physical attributes. Ang isa pang Delgado ay nakapila naman sa isang gilid. Iyong bunsong babae. Hinilot ko ang aking sentido. Hindi ba ay isang Delgado lang iyan kahapon? Bakit naging tatlo na ngayon? “What do you think, Cala? Should we pursue it?” tanong ni Orion. Si Amaranth sa kaniyang gilid ay dinudutdot ang yogurt habang naghihintay sa aking sagot. Tumingin akong muli sa artikulo. Pumasok kaagad sa isipan ko ang kumukunot na noo ni Carlo. If I would ask him if he’s willing to spill all their family secrets, at least the ones that he knew, would he say yes? Nadagdagan ang imahe nitong striktong umiiling na ay umiigting pa ang panga. He does that when he’s annoyed or in concentration, I observed. “I don’t know, Mara…” Umiling ako sa aking nakababatang kapatid na miyembro rin ng aming school paper. Siya ang junior at ako ang senior. Sila ang madalas na magkasama ni Orion samantalang kaming dalawa naman ni Bee na hindi ko na halos nakakasama simula nang sagutin ko si Primo. “Hindi ba ay driver mo ang kapatid ni Allistaire?” bulalas ni Mara. Sinilip naming pareho si Allistaire na napatingin sa aming direksyon. “Uhh, nothing!” Mara looked away fast. Lalo lamang umigting ang imahe ni Carlo sa isipan ko. Akala ko ay si Pako na ulit ang magiging driver ko. Sinundo kasi ako ni Primo kaninang pagpasok kaya naman noong uwian na ay laking gulat ko nang makita na naman ang mayabang at matikas kong driver. Nandoon na at nag-aabang sa tabi ng nakaparada naming sasakyan. And! Thirty-minutes early again! Papasok pa lang sa sasakyan ay napagtanto kong may mali na sa pinagsamang amoy ng air freshener at leather seats. Something musky and masculine. His manly cologne was added to the combination of scents, making me sniff the cold air. Napairap na lang ako. I brought out my phone instead. Nang nabuhay ito ay dumagsa kaagad ang mga text ni Primo. Hindi ko na sana papansinin pero bigla namang tumawag si Orion. “Cala, sagutin mo raw si Primo,” aniya. “Nakasalubong namin sa gym. He said you’re not texting back…” At nagsumbong pa ang walang hiya! “Snitch,” I muttered. “Magbati na raw kayo.” Ang eskandalosong si Beatus naman ang humahalakhak yata sa background. “Pakialam mo ba?!” bulyaw ko. “We’re making out in our classroom then he suddenly leaves. Again! Anong klaseng boyfriend, ‘di ba?!” Napuno ng aking litanya ang aming kotse. Paano ba naman kasi ay sumugod ulit si Bee kanina, nagpapaturo ng assignment. Sakto namang naghahalikan ulit kami ni Primo kaya katulad ng ginawa niya noong isang araw ay iniwan na naman ako. Inis kong tinapon ang cellphone pagkatapos ng tawag. In the rear-view mirror, my new driver was looking at me with disdain in his eyes. He mumbled something inaudible before stepping on the gas. Bahagya tuloy akong umabante dahil sa kaniyang buwelo. Sakto ang mukha ko sa pagitan ng dalawang upuan sa harap! “Ano ba?! Driver ka ba talaga?!” sigaw ko. My goodness! Hindi naman pala marunong magmaneho ang isang ito! Bakit pa kasi kinuha ni Daddy? And a freaking Delgado, for Pete’s sake! “Pasensya na, madam. May tarantado kasing pasok na lang nang pasok.” Not to mention his potty mouth! Umirap ako at inayos ang nagulong bangs. Nang nakapasok na sa aming subdivision ay naghanda na ako. I sprayed perfume on my neck and wrists, erasing all traces of Primo and his sloppy mouth. Nag-double check ako sa uniporme at nang makasiguro ay isinukbit na ang shoulder bag. Right before me was the Montemayor Manor. Last summer, Daddy finally allowed its renovation, featuring the preservation of its sharp corners and glass walls. Kaya kahit halos sampung taon na ang nakalipas, wala pa ring pagbabago sa mga disenyo ni Mommy. It was the closest thing in our hearts that she left behind in this world. Papasok pa lang ay nakaantabay na kaagad si Banjo. Isa lamang ang ibig sabihin noon: ihahatid niya ako sa study ni Daddy dahil umuwi ito. Napalunok ako ngunit mas binilisan ang paglalakad. “Dumating na ang resulta ng college application mo, Miss Cala.” Sinabayan ako ni Banjo. Following closely behind was Carlo’s reflection. Dala pa iyong iPad at tumbler ko. “And?” Napabasa ako sa aking mga labi. “What’s the result? Did I pass?” “Calanthe! You are a failure! Wala ka talagang silbi!” Daddy’s booming voice filled the severity of our manor. Si Banjo na sasagot sana ay itinikom na lamang ang bibig. Napahinto ako. Nang sulyapan ko si Carlo ay ang kaniyang walang ekspresyong mga mata lamang ang humarap sa akin. Muli kong itinuloy ang paglalakad. Sabi nila, sa aming tatlong magkakapatid ay ako lang daw ang nagmana kay Attila Genoveva. Many believed that her ferociousness as the late Montemayor matriarch was passed down to me. Ang kaniyang portrait painting sa study ni Daddy ang pinagmamasdan ko limang minuto na ang nakakaraan at masasabi kong hindi nga sila nagsisinungaling. In the portrait, her dark luscious curls matched mine. Her narrow nose and Cupid’s bow lips also mirrored mine. The bushy brows arching high like mine only made her look fiercer, and the lines of her square face from old age didn’t deter her timeless beauty. Ngunit ang sabi naman ni Mommy noong nabubuhay pa ito ay si Daddy raw ang kamukha at pinagmanahan ko. The hooded eyes and high cheekbones, even the wits and intelligence, she always said I inherited it all from him. And for that, I was considered his pride and favorite. I was born and raised to rule as his successor. Sa mahabang panahon ay iyon din ang pinaniwalaan ko. Ngunit habang pinagmamasdan ang aking sariling ama ngayon, wala akong ibang nakita kung hindi ang kaniyang kalupitan at karahasan. “Bagsak ka! Walang utak! You should be ashamed of yourself, Cala!” malakas na sigaw ni Daddy. Nanatili akong tahimik at nakatayo sa gitna ng study. Carlo, who stood behind me with our butler, remained silent as well. Hindi naman iyon ang unang pagkakataon na pagagalitan ako ng aking ama ngunit ang iparinig niya sa ibang tao kung papaano ay nakahihiya. Lalo na at… sa isang Delgado pa. “You failed me and your sisters! Your mother as well! Wala ka talagang kwenta!” Pulang-pula ang mga mata ni Daddy sa galit, ang isang kamay ay itinataas sa ere ang basong hawak. “What am I supposed to say to our guests later? Na walang utak ang anak ko at hindi nakapasa?!” I flinched with the sound of the glass shattering. Sa pagdanak ng likido sa carpet ay siyang pagkalat ng amoy ng alak. “Wala na talaga akong maasahan sa iyo, Cala! Ako lang ang nagtatrabaho sa pamilyang ito! You’re useless!” In my opinion, my sisters had it easier. Si Amaranth na sumunod sa akin ay pwedeng-pwedeng magkamali o bumagsak sa kaniyang exams. Si Daisy naman na aming bunso ay malaya sa pagpili ng tatahaking buhay. She could even walk free if she wanted to. As for me being the eldest, my responsibility to both our family and company was to lead and succeed. Failure was not an option. I needed to be strong as an iron and still as an ocean. But out of all the people in the world, Daddy should have known best that irons too grow weak and one could only hold their breath for so long. “Sir Alvar, ipinatawag ninyo si Sinclair Delgado…” Humakbang palapit si Banjo nang kumalma na si Daddy. Nagkatinginan kami ni Carlo na hawak pa rin ang aking mga gamit. Sinalat ni Daddy ang sentido at nagpakawala ng isang buntong-hininga bago tumango. Umupo rin ito sa wakas sa kaniyang swivel chair ngunit mariin pa rin ang tingin sa akin. “Upo ka…” Bago sumunod ay nagtama ang mga mata namin ni Carlo. Ako naman ay nanatiling nakatayo lamang sa gitna ng study. “Magandang hapon po, Sir…” I took that as my cue to leave. Sumenyas ako kay Banjo na damputin ang mga gamit ko mula sa mga kamay ni Carlo. Kausap man ang aking ama ay nakalingon pa rin ito sa aking pag-alis. Tinaasan ko lamang siya ng kilay at taas-noong lumakad palayo. Kinabukasan, papasok pa lang ang aming sasakyan sa campus ay nakita ko na kaagad si Bee. Nakasandal ito sa guard house at sukbit ang backpack. Mukhang kanina pa yata naghihintay dahil nang makita ang SUV namin ay kaagad na tumakbo papalapit. Carlo then stopped the car abruptly and honked at Bee! Ang kawawang si Bee ay napaigtad tuloy at tinakpan ang dalawang tainga. “Hey! That’s my best friend!” I shrieked at Carlo who was still honking at him like a lunatic! Atsaka lamang ito tumigil sa pagbubusina. Nilingon niya akong nakataas ang kilay, ang mga mata ay bahagyang bumababa sa aking dibdib at mga tuhod. Malay ko ba kung anong tinitingnan niya roon pero nakangisi akong sumandal. I had my gray blazer fitted by a designer. Iyong skirt ko naman ay talagang pinaiklian ko kaya nakikita ang aking mga tuhod kapag nakaupo. I smirked at Carlo. “Pick me up later in the evening at six-thirty,” utos ko sabay bunot sa compact mirror. Baka mamaya kasi ay sunduin na naman niya ako nang maaga. Hindi pwede iyon dahil baka may meeting kami sa school paper… at baka kasama ko rin si Primo. “Bakit ang tagal? Alas-singko ang labasan ninyo, hindi ba?” Kumunot ang noo ni Carlo sa rear-view mirror. “So?” “Ang nakalagay sa schedule mo ay alas-singko ang dismissal. Kaya bago ang oras na iyon ay naghihintay na dapat ako sa’yo. Dapat ay nandito na ako... madam.” Marahas kong isinarado ang aking compact mirror. “I like Pako much better than you. Do you know why?” Mula sa seryosong mukha ay tumapang ang aking tingin. “Because he doesn’t ask questions! Six-thirty mo ako susunduin!” Mga sampung segundong katahimikan din siguro ang lumipas kaya akala ko ay napasunod ko rin ito sa wakas. Nang makitang lumitaw ang kaniyang kunot-noo sa maliit na salamin, doon na ako natauhan. “Unfortunately…” Carlo turned his body to me, facing me fully. I was floored when I heard his thick American accent. It made his deep voice sound so rich and at the same time alluring especially with the brutal snarl of his mouth. “Alvar Montemayor is my boss and not his little princess that is obviously spoiled rotten. The brat already has a boyfriend at eighteen and is even sharing intimate moments with her male friends...” Carlo spat mercilessly. “Finish fixing yourself and get out of the car. I will fetch you later as per schedule. Maghintay ka… madam.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD