AYALA ENTERTAINMENT, 1:00 PM
KAKABABA lang ni Mayumi mula sa kanyang sasakyan dahil ipinarada niya ito sa parking lot ng isang sikat na building ng may bumangga sa kanya. Akala niya ay katapusan na iyon ng kanyang buhay dahil sa tantiya niya ang layo nito mula sa kanya ay ilang sentimetro na lang at tuluyan na siyang maliligis ng kotse.
Naramdaman niyang halos mawalan siya ng hininga ng mga sandaling iyon. Napahawak siya sa kanyang dibdib at napigil ang hininga dahil sa subrang pagkagulat. Hindi niya inaakaalang mabubuhay pa siya sa lagay niyang iyon.
Nang makabawi sa kanyang sarili. She made a monstrous look at the car. Sa mga titig niya ay parang malulusaw na ang kotseng iyon pero wala eh, kotse pa rin ito. Dahil sa inis at galit niya ay binato na talaga niya ng kanyang sandals ang windshield ng kotse.
Muntik na talagang mabasag ang windshield ng kotse dahil nagkaroon ito ng mga c***k. Ang lakas ng pagbato niya doon ng kanyang mga sandals kaya nasira rin ang mga ito.Parang nasisiraan na siya ng bait kung bakit parang bata siyang binato ang kotse. She doesn't even think the consequences she made as long as alam niyang may right din naman siyang magalit sa may-ari ng sasakyan.
Galit na galit na talaga siya dahil walang epekto ang pagbato niya sa kotse ng may-ari dahil hindi pa rin ito lumalabas.
Nagsisigaw na siya na parang tigreng gustong mangagat at kahit sinong umangal ay gusto niyang sunggaban.
Kinatok na niya ang kotseng iyon dahil gusto talaga niyang magbayad ang may-ari niyon na parang bingi at bulag sa nangyari.
Dahil doon ay lumabas na mula sa loob ng kotse ang isang guwapong lalaki at tiim-bagang tinitigan siya nito. Matalim ang tinging ipinukol sa kanya ng lalaki na parang gusto siya nitong suntukin.
Hindi naman siya nagpatinag at talagang tinaasan pa niya ito ng kilay saka inirapan ang lalaki.
Dahil sa reaction niya ay mas lalong nagalit ang lalaki.
"Why did you do this to my car?" the guy angrily asks her. Itinuro pa nito ang nasirang windshield ng kotse niya. "You will pay for this, how dare you to ruin my most expensive brand-new car", he added.
Umismid lang siya. "Hoy, Mister for your information, I'm almost killed by your carelessness! Akala mo ba okay lang iyon para sakin? Hoy, ikaw ang dapat na magbabayad sakin, at hindi ako!" galit niyang sagot sa lalaki. Wala siyang nararamdaman na isang kusing ng takot ng sabihin niya ang mga iyon.
Matapang siya kaya walang ni isang tao ang maaring magpabuwal sa kanya o magpagapang man lang.
She used to be strong since she was young. Ito ang itinuro sa kanya ng kanyang ina nang nabubuhay pa ito.
Napapalatak na lang ang lalaki. "Ow? Really?" then he laugh sarcastically. "I think you don't know who I am?" dugtong ng lalaki. Parang may tunong pagmamataas ang pagkasabi nito na hindi naman niya pinansin.
Eh, sino nga ba siya para kay Mayumi? Isang hamak na istranghero na muntik na lang siyang mapatay?
Nagkibit balikat lang siya saka kinontra ulit ang lalaki. "The hell I care about you and please let me go, I'm on my important business inside the building" sarkastikong wika ni Mayumi sa lalaki na nakaharang sa dadaanan niya. "Kung minamalas ka nga naman at makakasagupa ka ng Mr. Antipatiko?" usal niya.
Natawa pa lalo ang lalaki sa sinabi niya. "Ow? This looks has an appointment inside the building? Oh, com'on", panunuya sa kanya ng lalaki. Eh, ano naman kung nakasuot siya ng sexy backless dress.
"So, what? And for your information I am famous around the country so why don't you read this magazine para malaman mo kung sino ako", wika niya saka hinagis ang magazine sa mukha noong lalaki.
Wala siyang pakialam kung matamaan man ito o hindi. Paki ba niya sa lalaking antipatiko at ubod ng sungit.
Nagalit at nanlisik ang mga mata nito sa kanya dahil malakas ang pagkatama ng magazine sa mukha nito.
Pagbubuhatan na sana siya ng lalaki ng kamay ng sabihin niyang...
"Oh, try to hurt me, and I will call a police. Kung sasaktan mo ang kagaya ko may ipapagamot ka ba sa prinsesang tulad ko?" pagmamalaki niyang sabi doon sa lalaking nagtaas na nang kamay para sampalin siya.
Saglit na natawa ang lalaki at ibinaba ang kamay nito. "Ow? Prinsesa mo mukha mo. Ang pangit mo para maging isang prinsesa", panunuya nito sa kanya.
Namulsa ang lalaki at umusog ng kaunti mula sa kanya.
"Bwesit ka, anong karapatan mo para laitin ang tulad ko, huh?" sigaw niya sa lalaki.
Sino nga ba ang matutuwa na pagsabihan ba siyang pangit ng lalaking ito? She's beautiful and sexy kaya nga siya naging sikat sa buong bansa. At katunayan marami na ang magkakandarapa na maligawan o malapitan man lang siya pero sa antipako na istranghero ay hindi uubra ang ganda niya.
"Ano kamu? Bwesit? Ako? Hoy Miss, ikaw iyong tatanga-tanga kanina tapos ikaw pa ang magagalit?", sagot nitong lalaki na lumapit ng bahagya sa kanya saka tiim-bagang tinitigan siya sa mata.
Ang ganda ng mga mata ng lalaking iyon kahit na nanlilisik iyon sa subrang galit.
He's brown almond shaped eyes is so damn cute. Also his sweet scents perfumes adden his charisma.
Tila gusto niyang malusaw sa mga titig nito pero hindi niya ito kilala at naalala niya na ito ang dahilan ng muntik na niyang kamatayan ay lakas loob niyang tinitigan ng masama pabalik ang lalaki.
Nagtama na naman muli ang mga mata nila. Hindi na niya inalintana ang ganda na mayroon ang mga mata nito. "You will pay for this, you jerk!", sunod niyang naibulalas. Narinig ito ng maliwanag ng lalaki dahil medyo magkalapit sila.
"Ow? Com'on. The hell, you're the one to pay for this and not me", wika ng lalaki saka idinuro siya sa noo nito.
"No, ikaw ang dapat na magbayad. Ikaw ang nakabangga sakin. How dare you", ganti niya muli sa lalaki.
Dinukot ng lalaki ang cellphone nito mula sa kanyang bulsa saka kung may sinong tinawagan. Subrang naiirita na ito sa mga pinagsasabi niya.
Napakunot ang noo niya at napaawang ang mga bibig ng mga sandaling iyon.
"Sige, I'll go first. Nandiyan na ang mga pulis para hulihin ka dahil sa kasong verbal assault. Bye. Enjoy your stay in the jail b***h", mataray nitong sabi saka tumalikod na. Pumasok din ito sa loob ng building na pupuntahan niya.
"Argh! Magkikita pa tayo at para malaman mo pagsisihan mo ang araw na binangga mo ako, you b***h!." Pahabol niyang sabi sa lalaking papasok na sa lobby ng building. Doon din sana ang punta niya. Nagtaka siyang kaunti kung sino talaga ang lalaking iyon. Wala talagang respeto sa mga babae dahil sa ginawa 'nun sa kanya.
Kung isa iyon sa mga taga-hanga niya siguro ay kung anong selfie na noon sa kanya pero hindi eh. She felt being challenged by that stupid man.
"Paano na ang conference ko? Argh. Bunny help", usal niya. Tinatawag niya ang kanyang manager.
Hindi siya agad nakaalis dahil sira ang kanyang sandals. Paano siya makakaalis na walang sapin sa paa? Pwede naman siyang umuwi na lang pero ang inaalala niya ay ang conference niya sa loob ng building.
Napatiupo siya sa may gilid ng kanyang kotse. Parang batang namamalimos ang anyo niya na nag-aabang ng may magbigay ng kunting tulong man lang. How disperate she looks right now. She doesn't deserve this.
"Miss, sumama ka samin", wika ng isang boses sa bandang tagiliran niya.
Mula sa pagkalugmok ay agad siyang nabuhayan ng pag-asa ng marinig na may nagsalita sa kanyang tagiliran. Ito na ang kanyang hinihintay na makahingi ng tulong.
Tiningala niya at nagulat siyang mga pulis ito. Nangalumbaba ulit siya at muling nagalit. "The hell! Hindi niyo ba ako kilala? I am Mayumi Collins at wala akong kasalanan", pakilala niya na saka nagpupumiglas sa pagkahawak ng mga pulis.
Kahit nagpakilala na siya ay hindi pa rin siya pinakawalan ng mga pulis. "I'm so sorry miss, si Mr. Kalel Monteverde kasi ang nagrereklamo sa inyo kaya hindi ka namin maaaring palayain agad. Sumama na lang po kayo, sige na", pahayag ng pulis.
"Argh! May importante akong pinuntahan dito sa building na 'to at sa katunayan ay siya ang nakabangga sa akin kanina. Kahit na e-review niyo pa ang kuha ng CCTV, pakiusap", pagmamakaawa niya sa mga pulis. Hindi siya pinakinggan ng mga ito sa halip ay kinaladkad na talaga siya papunta sa presinto.
Parang nabuhusan siya ng malamig na tubig. "The hell that guy named Kalel Monteverde! Who is he? You will pay for this", usal niya habang nakaupo sa loob ng selda. Daig pa niya ang isang kriminal na nakapatay ng maraming beses. Hindi niya ito inaasahan na mangyari. Sumasakit pa ang paa niya dahil nasugatan ito buhat sa pagkaladkad sa kanya ng mga pulis.
Ikinulong siya doon ng mahigit isang oras. Mabuti lang at dumating na agad si Bunny ang kanyang manager.
Pagkalabas niya ay talagang galit na galit siya.
"Thank you so much Bunny. Kamusta na ang conference?" agad niyang tanong. Paano ba kasi hindi siya nakadalo sa conference niya. Panira kasi iyong engot na lalaking iyon.
"Okay lang. Buti na lang na reschedule iyon. Naku, bakit ka ba kasi nakulong dito at talagang kinasuhan ka pa ng verbal assault. Ano? Huh?", Sunod-sunod na tanong ng baklita niyang manager.
"Basta mamaya ko nalang sasabihin. Baka may makaalam na media at pagpipiyestahan ako rito. Sige na umalis na tayo rito Bunny. Bilis"
Umalis na sila at oo nga nalaman agad ng mga media ang tungkol sa pagkakulong niya kaya marami na ang mga nag-aabang sa labas. Mahirap talaga kapag artista ka dahil kahit anong maliit na mali lang ang magawa mo tiyak na nasa headline ka na ng balita. Hindi sila pwedeng lumabas dahil kapag nakita siya ng media tiyak na ora-mismo siya ang magiging laman ng balita.
Ano ang caption? Isang artista nakulong dahil sa kasong verbal assault? Di yata'y masamang pakinggan, hindi ba? Oh, masisira pa ang pangalan niya at repustasyon 'pag nagkataon.
"Bunny, paano na to? What should we do?" natatarantang tanong niya sa manager.
Pinakalma muna siya ni Bunny. "Relax. Magtatanong ako kung may secret exit dito. Diyan ka lang ha. Huwag kang umalis dito, babalikan kita mamaya. Just wait here okay?", sabi ni Bunny saka umalis na agad.
Umupo siya sa may gilid ng hagdan. Ayan ang prinsesa ng industriya ay nagmumukhang basang sisiw habang nakaupo sa gilid habang walang suot na sandals o maging tsinelas man lang.
Kung minamalas ka nga lang ano? Kahit sino ka pa ay talagang matatablan ka talaga ng malas kung nagkataon.
Kinakabahan na siya habang naghihintay sa manager na bumalik. "Bunny, please dumating ka na. Nasaan ka na ba? I can't stay with this situation. Ang sakit na nang paa ko", usal niya niya habang magrereklamo.
May naririnig siyang mga ingay ng mga tao. Mga reporters' siguro ang mga iyon. Dahil sa pangamba ay tumakbo siya. Umalis siya doon para iwasan ang mga iyon.
Bumalik na si Bunny doon at nakita niyang nandodoon na ang mga reporters at wala na si Mayumi kaya nagtago muna siya saka hinanap niya ang kanyang alaga.
Sa patuloy na pagtatakbo ni Mayumi ay hindi niya inaasahan na may makabangga siya. Isang guwapong lalaki. Sa tantiya niya isa rin itong pulis dahil nakasuot ito ng uniporme ng pulis. Obviously.
He was surprised to saw her. "Ow, parang kilala kita Miss, are you Mayumi Collins?" tanong sa kanya ng lalaki.
"Yes, I am Mayumi Collins. Please help me out of here. Hindi ako pwede makita ng mga media. Please", pagmamakaawa niya sa lalaki.
Ngumiti ang lalaki. "Okay. I will help you", sagot nito sa kanya. "By the way I am Sergeant Jef Reyes", pakilala muna ng lalaki ng kanyang panggalan.
Ngumiti rin siya saka nagsalita. "Wow, nice name. Thank you", tugon niya sa sinabi ng lalaki.
"Okay, halika na. Sa likod tayo dadaan", tugon nito saka iginiya siya ng daan.
Huminto muna siya dahil nag-aalala siya kay Bunny."Tika lang muna. Ang kasama ko. Nandito din siya."
"Sige lang halika na kaya naman siguro niya ang kanyang sarili. Nakita nitong wala siyang sapin sa paa. "Wala ka yatang suot na sapin sa paa? Okay ka lang ba? O ikukuha muna kita para hindi ka mahirapan sa paglalakad"
"Oo, okay lang. Tara na bilis. Papasok na ang mga reporters. Saka ko na lang sasabihin sayo kung bakit ako natatakot na makita ng mga media."
Umalis na sila at inihatid siya ng lalaki sa apartment niya.
Tinawagan na lang niya ang kanyang manager na nakauwi na siya. Safe and sound.
"Salamat pala sa tulong mo, Jef", pasasalamat niya sa lalaki. "Hanggang sa muli, sana makahingi ako ulit ng tulong sayo. You're my guardian angel for this day"
Ngumiti ito ulit sa kanya. "Welcome. Sure basta ikaw. Aalis na ako. Safe ka na man dito sa apartment mo. By the way here is my number, please call me if there's a problem again. Sige, see you again next time", paalam ng lalaki.
"Sige", nakangiting tugon niya.
Hinatid na lang niya ito sa labas ng pintuan dahil hindi na siya pinayagan pa ng lalaki na lumabas. Agad na ring umalis ang lalaki pagkatapos.
Nakasalubong pa nga ito ni Bunny sa labas. Pero hindi alam ng baklita na ito ang tumulong sa alaga niya at kung nagkataon na alam nito ay tiyak na papabalikin talaga ni Bunny ang lalaking iyon.
Nginitian daw siya nito. Eh, itong baklita masyadong namang kinilig ng husto.
Humahangos na pumasok ng apartment ni Mayumi si Bunny. "Mayumi, okay ka lang ba? Akala ko kanina may dumampot sayo dahil nawala ka na lang doon", agad nitong tanong ng pagkapasok pa lang nito sa may pintuan. Grabi ang pagngunguso at pagtaas ng kilay nito.
"Yeah, thanks to Jeff. Tinulungan niya ako Bunny. I'm sorry ha, gusto sana kitang hanapin at isama na tumakas doon pero makikita ako ng mga media kapag ginawa ko iyon kaya sorry ha"
"Who is he? Siya siguro iyong guwapong guy na nakasalubong ko sa labas ano?" nakangising tanong ni Bunny.
"Oo, tinulungan niya ako. Buti na lang dahil kapag nakita ako ng mga media doon kanina ay talagang kalahati ng buhay ko ang masisira", galit na sabi nito na napansin naman ng kanyang manager.
Kumunot bigla ang noo ni Bunny. "So, bakit ka nga pala nakulong kanina? Ang pagkakaalam ko ay iniingatan mo talaga ang "reputation" mo bilang isang sikat na artista, kaloka ka girl, paano na to? Nasa balita na ang pangalan mo day", naiinis na sabi ni Bunny sa kanya.
Naniningkit ang mga mata niyang hinarap si Bunny. "Eh, kasi may isang hayop na lalaking bumangga sakin at saka siya pa ang may ganang magpakulong sa akin. Bunny, I'm almost killed by his carelessness, my gad!"
"Ow? Lalaki? Eh, sino naman iyan? Ang sikat mo para hindi niya nakilala. I hate him, I want him pay for this", galit na wika ni Bunny na parang umuusok na ang ilong nito. O sadyang malaki lang talaga ang butas ng ilong niya.
"Hindi ko siya kilala at siguro hindi din niya ako kilala. Ano na lang ang sasabihin ng Daddy kapag malaman niyang nakulong ako. Bunny, what should I do?", mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mayumi.
Niyakap naman siya ni Bunny para pakalmahin. "Shhh. Huwag kang mag-alala ngayon din ay papakiusapan ko ang mga media na huwag nilang ibalita ang nangyari dahil isa lang iyong misunderstanding sa pagitan mo at noong lalaki na iyon", sabi nito habang tinatapik ang balikat niya.
"Salamat ha. Ikaw na talaga. You're the best Bunny."
"Sige na tahan na. Palaban ka at dapat na huwag kang magpapaapekto sa mga maliliit na bagay. Hindi iyon kawalan. Take it as a motivation, saka mas mabuti ngang nasa balita ang panggalan mo para mas sumikat ka pa lalo", pagbibiro ni Bunny sa kanya para tumawa siya.
"What? Hoy, hindi ah. Huwag naman ganun. Mapapagalitan na talaga ako ng Daddy ko"
"Oo, na. Sorry na. Ako ang bahala. Just take it easy Mayumi. Sige, uuwi na ako. Magpahinga ka ngayon dahil bukas ay sisimulan na ang first shoot ng bago mong pelikula. Sige, bye"
"Bye, mag-ingat ka Bunny", paalam niya sa manager niya. Agad namang umalis si Bunny.
Napatayo siya at tumungo sa may bintana. Lumanghap muna siya ng hangin para mawala na ang aligugot sa isipan niya.
Nasa kalagitnaan na siya ng pagmumunu-muni ng tumunog ang cellphone niya. Agad niyang tiningnan kung sino ang tumatawag.
Ang Daddy pala niya. Hala lagot siya. Agad siyang kinabahan na baka nalaman na nito ang balita tungkol sa nangyari sa kanya.
Sinagot niya ang tawag nito kahit nanginginig sa takot. "Hello Dad? Kamusta po? Bakit kayo napatawag?", sunod-sunod niyang tanong sa ama niya. Inunahan na niya itong tanungin kesa siya agad ang pagalitan nito.
Hindi ito sumagot sa mga tanong niya. "Anak, anong iskandalo na naman ang ginawa mo? Alam ko na ang nangyari sa iyo kanina pero huwag kang mag-alala dahil hindi ako galit sa iyo. Umuwi ka muna sa bahay, okay lang ba?"
Bigla namang lumuwag ang puso niya ng marinig ang sinabi ng ama niya. Ang suwerte talaga niya sa kanyang ama. Napakabait nitong tao na maari niyang ipagmalaki sa buong mundo at sin bait din ng mommy niya.
"Yes, Dad. Ill go home. Thank you Dad for considering me. Sasabihin ko sayo mamaya kung bakit nangyari iyon basta maniwala ka wala akong ginawang masama", katwiran niya sa kanyang ama.
"Oh, sige. Siya-siya. See you later"
Ala-Sais y Media na nang gabi kaya umalis na siya sa kaniyang apartment. Wala nang mga media na nagmamanman sa labas ng apartment niya kaya maaari na siyang umuwi sa bahay ng Daddy niya.
Nagsuot siya ng shades at sumbrero para hindi siya agad makikilala ng sinumang makakakita sa kanya saka lumabas ng apartment niya. Daig pa niya ang wanted criminal na nagtatago sa mga pulis.
Dali-dali siyang sumakay sa kotse niya at mabilis na pinaharorot ang kanyang kotse. Mabilis naman siyang nakarating sa bahay nila. Nakita niya agad ang ama na nag-aabang sa pagdating niya.
Sinalubong agad siya ng ama pagkatapos niyang maiparada ang kanyang kotse.
"Good evening dad", magalang niyang bati sa kanyang ama saka humalik sa pisngi nito.
"Magandang gabi din hija. Halika na tamang-tama ang dating mo handa na ang mga pagkain"
"Daddy naman. Ang aga pa para maghapunan ah. Baka tataba ako niyan ha", pagbibiro niya.
"Ano ka ba. Minsan na nga lang tayo magkakasama sa bahay. Sige na huwag ka nang tumanggi"
"Sige po"
Wala na siyang magawa kundi ang sumama na sa kaniyang ama papunta sa dinning room nila.
Nakahain na nga ang mga pagkain.
"Hija, please take your sit", anang Daddy niya.
"Thanks Dad"
Inabutan agad siya nito ng paborito niyang pork adobo. "Oh, kumain ka na. Mamaya na tayo mag-usap ng tungkol sa nangyari kanina. I need to enjoy these foods first", anito.
Agad naman niyang itong tinanggap. Natakam agad siya ng maamoy ang paborito niyang pork adobo. " Okay Dad", nakangiting tugon niya saka nag-umpisa ng magsubo ng pagkain.
Masaya nilang pinagsaluhan ang mga pagkaing nakahain. Parang naparami yata siya ng kain ngayon.Napadighay pa nga siya ng hindi inaasahan.
Natawa naman ang ama niya ng marinig ang pagdighay niya. "Aba, talagang napadighay ka hija? Siguro hindi ka kumain ng marami sa apartment mo ano?"
"Dad, I'm on my diet. Bawal ako magpataba dahil masisiraan ang image ko bilang artista. Alam mo namang ang daming bashers na nakaabang kapag may napuna sila sayo"
"Naku, bakit kasi hindi ka nalang huminto sa pag-aartista at ikaw na ang magmanage ng ating mga negosyo", wika nito saka hinawakan ang kanyang kamay.
"Dad, Alam mo namang wala talaga akong hilig sa business eh. Kayo na lang po ang magmanage n'un"
"Okay. Alam mo namang suportado naman kita sa kahit anong gusto mo pero ayaw kung napapahamak ka. Unica hija kita at simula ng mamatay ang mommy mo ipinangako ko sa sarili kong aalagaan kita at po-protektahan hanggat sa abot ng makakaya ko."
"Daddy naman. Okay lang ako. Siguro nagkataon lang na minalas ako ngayon. Pero don't worry, everything will be fine",paninigurado niya.
"Okay. Sige na kumain ka pa. Bigla yata tayong naging seryoso sa ating usapan"
Ngumiti na lang siya at pilit na pinapakitang okay lang siya.
"Ayaw ko na Dad, busog na ako."
Ngumiti naman ang Daddy niya. Naalala nito noong kabataan pa ni Mayumi na kahit busog na ito ay pinipilit pa rin nila itong kumain kahit ayaw na niya. Parang mangiyak-ngiyak naman si Mayumi kapag nagkaganun pero never itong magreklamo.
"Sige, ako rin eh nabusog na. Sige sa veranda na lang tayo mag-usap mamaya. Hihintayin kita doon."
"Sige Dad, akyat muna ako sa kuwarto ko." Agad na pumanhik sa itaas si Mayumi. Magbibihis muna siguro ito.
Tinawag nito ang kanilang katulong. "Tinang, pakilinis ng mesa ha. Salamat", utos ni Mr. Edward ang daddy ni Mayumi sa katulong nila.
"Opo sir", tugon ng kanilang maid.
Pagkatapos ni Mayumi magbihis ay nagtungo na siya sa veranda dahil nandodoon na ang Daddy niya.
Nag-usap silang dalawa. Agad siyang tinanong ng Daddy niya at lahat ay ikinuwento naman niya.
"What? Anong sabi mo? Ang lalaking bumangga at nagpakulong sayo ay si Kalel Monteverde? Oh, com'on. Sa dinami-dami ng taong makakabangga sayo ay ang tao pang iyon?"
Kumunot ang noo niya sa naging reaksyon ng kanyang ama. Labis ang pagtataka niya. "Dad? Kilala mo ba siya? Who is he?", kuryusong tanong nito.
"Anak siya ng lalaking bumangga sa mama mo. Kagaya din pala siya ng ama niya. Salbahi!" galit na galit na wika ng Daddy niya.
Sa subrang galit nakalimutan nito bigla na hindi niya pwedeng sabihin sa anak ang totoong nangyari 20 years ago.
Napanganga siya bigla mula sa narinig niyang sinabi ng kanyang ama.
"Totoo ba ang sinabi mo Dad? Ang ama niya ang dahilan ng pagkamatay ng Mommy? Bakit hindi mo noon sinabi sakin Dad?"
"I'm sorry for hiding this to you. Bata ka pa noon, you're only five years old that time at alam kung hindi mo pa makakaya na dalhin ang ganuong sitwasyon", paliwanag ng Daddy niya.
Ang buong akala niya dati kaya namatay ang mommy niya dahil lang sa sakit. She can't totally explain her anger. Gusto niyang umiyak nang umiyak at manapak. mixed emotions ang nararamdaman niya.
Napayakap siya bigla sa kanyang ama at naikuyom naman niya ang kanyang mga palad. Umiyak siya ng umiyak sa balikat ng kanyang ama. Halos mabasa nga ng luha niya ang damit nito.
"I need to take revenge, humanda kayong lahat", usal niya sa loob-loob niya.
Tinapik-tapik naman ng Daddy niya ang kanyang likod para gumaan ang pakiramdam niya.
"Hija, tahan na. Kung nagawa nila iyon na hindi pinagbabayaran ang isang kamalian. Huwag mong hayaan ang sarili mo na ilagay sa mga kamay mo ang hustiya. Hindi naitatama ang isang pagkakamali ng isa pang mali", paalala ng kanyang ama sa kanya bago sila nagkahiwalay at nagtungo sa kani-kanilang kuwarto.