Nagmamadaling pumasok sa cubicle ng females CR si Thressha dahil kanina pa siya tinatawag ng kalikasan. Sobrang pokus niya sa trabaho dahil tambak talaga ito buti nalang at nangangalahati na siya. Magaan ang pakiramdam na pumasok siya ulit sa opisina niya. Napa upo siya sa mini couch at napatingin sa table niya. May nakalagay na brown paper bag. Kinuha niya ito at tiningnan. May papel pang nakalagay sa ibabaw ng mga lunch box. "Eat well, don't get too busy." She smiled plainly. Nasisigurado niyang si Xander ang nagbigay ng pagkain. Wala namang mahilig mag ingles lalong hindi si Anita iyon. Natakam naman agad siya nang makita ang paboritong mga pagkain na nakalunch box. Kinuha niya ang maliit na table at nagsimula nang lantakan ito. Para siyang bata na muling napagbigyan sa gusto. Sara

