"Prendshep may ilusyonadang babae papunta sa office ng asawa mo. Beke nemen asawa daw ng asawa mo eh." Pairap-irap na ani ni Anita habang nilalapag ang baso ng kape niya. Tumaas naman agad ang kilay niya. "Anong sinabi mo?" Tanong niya. "Wag mo nang itanong alam mo naman ang bibig ko minsan." Nakangiting aniya at umupo sa harap niya. Tiningnan niya ito ng seryoso at nginitian ng napakalapad. "Alam ko prendshep kilala ko na ang bituka mo." "Ako pa. Kahit naman hindi ako masyadong maganda malakas ang loob kong mamintas. Sa mauuna lang yan. Tsaka mas maganda ka pa dun noh. Walang-wala ang mukha niya sa clear skin mo Tisay." Nakangising ani ni Anita. "Nadale mo." Nakangiting aniya. "Tumayo ka na diyan, bilis na. Baka mamaya nilalamutak na ng impaktang yun si Alexander."

