12:00 AM
Wade: Sa isang araw na alis ni Ekis beybeh
Akala ko ba next month pa?
Wade: Napaaga ng ilang araw, eh.
Wade: Bukas na despedida namin sa kanya. Sa Hellios na nga kami.
Wade: Aba! Tumatanggi pa nong una.
Wade: Mas gusto raw niyang si Arisa lang ang kasama!
Wade: Sama talaga ng ugali ng Alexis Ran na 'yon.
Wade:
Hahahaha!
Nakauwi na ba sila from Palawan?
Wade: Yep.
Wade: May pasalubong nga sa 'min nakakagulat.
Wade: Pero pustahan si Arisa bumili non.
Wade: Ganon kasama ugali nong si Ekis beybeh.
Wade: Pero mahal ko 'yon.
Wade: Hahaha!
Lintek. Ang lakas niyo maka-bromance! Hahaha!
Wade: Kapag umalis na siya, wala na akong mabubuwisit dito sa condo
Sa chat mo buwisitin nang buwisitin.
Wade: Pakiramdam ko minsan muted ako don. HAHAHA!
HAHAHAHA!
Sa ingay mo ba naman kasing 'yan!
Kahit ako imu-mute kita, eh.
Wade: Wehhhh?
Wade: Parang hindi mo kaya, MM.
Wade: Ako na nga lang nagpapaganda sa araw mo, eh.
Wade: Tapos aalisin mo pa?
Wade: Sus.
Ang yabang talaga ng manong
Wade: Hahaha!
Wade: Almost one month na rin pala simula nong kinuhanan mo akong stolen shot.
Wade: Na may flash
Oh, wow.
One month na pero hindi ka pa rin nakaka-move on dyan.
Uso move on.
Wade: I can't move on.
Wade: Mahirap.
Gago.
Hahahaha!
Wade: Hahahaha!
Wade: Happy monthsary, MM.
Ulul.
Wade: HAHAHAHAHARSH.
Wade: Wala ka bang lakad mamaya? Sabado, ah.
May bibilhin lang ako saglit.
Wade: Ano?
Ayokong sabihin. Stalker ka.
Wade: HAHAHAHA!
Wade: Nagbuhat ka rin ng mundo mo, MM.
Wade: Nahahawa ka na talaga
Wade: Kung ang Globe, abot mo ang mundo.
Wade: Kay Yozon, buhat mo ang mundo.
Wade: Hahahaha!
ANG DAMI MONG ALAM HAHAHAHA!
Wade: HAHAHA!
Wade: Maalam, eh
Ikaw ba?
Wade: May lakad. Ngayon lang ulit ako free.
Wow. Busy????
Wade: Medyo.
Saan?
Sa paggawa ng wala?
Wade: Ang sama talaga
Hahaha!
Inaantok na ako.
Wade: Agad?!
Wade: BAKIT?
Ewan ko sa 'yo. Hahaha!
Magkwento ka para hindi ako antukin.
Wade: Kwento ko kung paano ako nagka-abs?
No.
Aanhin ko 'yan.
Wade: Sus. Damhin mo?
Ew. As if!
Wade: Maka-ew 'to wagas.
Wade: Hindi mo lang alam ilang babae ang nagkakandarapa sa abs ko.
Aber ilan?
Wade: Hindi ko na mabilang.
Kasi wala?
Wade: HAHAHA!
Hahaha!
Kwento mo na si Seven.
Wade: Kung wala tayong napala kay Cole, mas wala tayong mapapala kay Seven. Haha!
Sana dumating 'yong araw na walang panlalait na lumabas sa bunganga mo.
Wade: Nagsasabi lang ng totoo, lait na kaagad.
Wade: Ganyan tayo, eh.
Wade: Hahaha!
Dali na!
Palagi kang ganyan! Daming satsat.
Wade:
Wade: Palagi ka rin ganyan! Daming sungit.
Wade: HAHAHA!
Ah, ganon?!
Wade: Joke lang, MM.
Wade: HAHAHAHA!
Wade: Si Seven Jang from South Korea. Si Cole unang nakakilala don.
Wade: Besties for life, players for life 'yong dalawang 'yon.
Wade: Bigla na lang isinama ni Cole si Seven sa Hellios.
Wade: No choice kami kundi pakisamahan. Haha!
HAHA Ang sama grabe.
Wade: Joke lang. Haha!
Wade: Ayon nga. Unang kita ko pa lang kay Seven na kasama si Cole, naisip ko kaagad, "Birds of the same father."
*Feather.
Wade: Same.
Wade: At hindi nga ako nagkamali!
Wade: Para silang may contest. Paramihan ng babae. Haha!
Hahaha!
Wade: Unang tapak sa Hellios ni Seven, may nakalingkis kaagad na babae.
Wade: Tapos ilang minuto lang hindi na namin mahanap. Hahahaha!
HAHAHAHA!
Wade: Ayon si Seven, tatlo palagi sim card.
Wade: Gusto ko na ngang itanong kung may black book ba 'yon.
Wade: Listahan ng mga naging flings niya. Hahaha!
Wade: Madalas 'yon mag-deactivate ng account.
Wade: Maraming pinagtataguan. HAHAHA!
Hahaha!
Wade: Pero wais pagdating sa system, database, etc.
Wade: May sarili siyang game development company sa Korea.
Wade: Mobile games, computer games, PS4, Xbox, ganyan. Tiba-tiba nga palagi si Sai kasi binibigyan siya lagi ni Seven ng trial games.
Wade: Pero kung gaano kagaling sa trabaho, ganon din kagaling sa babae.
Wade: Hindi marunong magseryoso, magaling magtago. Hahaha!
Hahaha! O baka naman naninira ka lang?
Wade: Hindi, seryoso 'to.
Wade: Mabait si Seven sa mabait. Pero sa relationship? Nah.
Wade: Mas mabilis pa kay The Flash pagtakbo nito basta mabanggit salitang commitment.
Wade: Pero kung kaibigan ka ni Seven, swerte mo.
Bakit?
Wade: Loyal 'to. Sa babae nga lang hindi. HAHAHA!
Wade: Joke lang.
Wade: Hindi naman two-timer si Seven.
Wade: Si Seven 'yong kapag may problema ka, takbuhan mo siya. Tutulungan kang makalimot.
Wade: No questions asked.
Wade: He will lend his hand to you.
Wade: Kapag siya may problema, hindi mo ramdam. Kasi gago 'yon.
Wade: Maloko.
Parang ikaw.
Wade: HAHAHA!
Wade: Kapag nga nagsama 'yong si Seven at Cole, gigil na gigil si Ekis beybeh.
Wade: Ayaw kasi ni Ekis na may babaeng aaligid kapag magkakasama kami.
Wade: Eh, sina Seven hindi yata mabubuhay kapag walang babae sa tabi.
Playboy nga.
Wade: Hindi nga namin alam kung titino 'yon.
Wade: Palaging may dahilan 'yon si Seven. Palaging may lusot.
Wade: Para bang may A to Z reasons na siya kung bakit hindi siya dapat magseryoso.
Wade: Pero kapag sa kaibigan, supportive.
Ah.
Parang naniniwala siyang may love and commitment, hindi nga lang applicable sa kanya.
Wade: Korek.
Wade: Allergic 'yon.
Wade: Kung gusto naming mawala siya sa chat, itatanong lang namin kailan siya ikakasal.
Wade: Logout 'yon kaagad. Hahaha!
Hahahaha!
Baka may trauma?
Wade: Sa pagkakaalam ko, wala naman siyang naging seryosong girlfriend.
Wade: Wala naman nabanggit si Cole. Hmm.
Kasi, either may trauma o talagang ayaw lang.
Wade: May point.
Wade: Goodluck na lang sa babaeng magpapatino dito.
Wade: Hahaha!
Wade: Sabagay. Si Ekis nga na hindi namin inaasahan na may makakatagal, natiis ni Arisa.
Wade: Si Seven pa kaya?
Hahaha!
Bakit ganyan ka
Wade: Hahaha!
Wade: Siguro lang hindi pa kasi nila nakikilala 'yong magiging "Arisa" ng buhay nila kaya ganyan sila.
Ikaw ba?
Wade: Ano?
Nakilala mo na ba ang Arisa ng buhay mo?
Wade: Hahaha!
Ano naman 'yang tawa na 'yan?
Wade: Hahaha!
Ano nga?
Wade: Bakit curious ka, MM?
Tse!
Sagot na!
Wade: Eh, ikaw ba?
Akala ko 'yon na. Hindi naman pala.
Wade: Hmm.
Seen, 12:54 AM
Wade: Hinahanap mo pa ba?
Hindi na.
Nakakapagod.
Kaya mas okay na wag na lang.
Wag na lang siguro.
Para walang sakit.
Walang expectations.
Kaya ko naman na walang ganyan.
Hindi ko ikamamatay 'yan.
Wade: Hmm.
Siguro darating. Siguro hindi na. Pero kung walang expectation, kung hindi dumating, at least bawas sa sakit.
Wade: May point.
Kasi mahirap maghintay sa wala.
Wade: Hahaha.
Wade: Tama.
Wade: Mahirap talaga 'yan.
Wade: 'Yong wala kang aasahan.
Wade: Hindi mo alam kung darating pa ba.
Wade: Hindi mo alam kung nandyan pa ba.
Wade: Pero mas mahirap 'yong isasara mo 'yong puso mo dahil takot kang masaktan.
Wade: Parang pinagkaitan mo ang sarili mo na magmahal.
Wade: At mahalin pabalik.
Wade: MM?
Wade: Aysus.
Wade: Nawala?
Wade: Nakatulog ka na ba?
Wade: Hahaha!
Wade: Sabi ko sa 'yo boring at walang wenta si Seven, eh. Hahaha!
Wade: Goodnight, MM.
5:34 PM
Wade: May nakikita akong binibining tumitingin ng libro.
Wade: Maaari ba kitang lapitan, sungit?
Wade: Hahaha!
Seen, 5:36 PM
What???!!!
11:38 PM
Wade: It was nice to meet you at last, MM.
Wade: Without the stolen shot with flash.
Wade: Mas pikon ka pala sa personal. Haha!
Wade: Oi.
Wade: 'Wag kang magtago, MM.
Wade: HAHAHA!
11:55 PM
Wade: Nagtago na MM ko. HAHAHA!
Wade: Goodnight.
Wade: Masaya na tulog mo kasi nakasama at nakausap mo nang matagal ang pogi #SelfLove