12:00 AM
Wade: May cow na humarang sa tractor ng farmer. Ano'ng ginawa ng farmer para mapaalis ang cow?
Binugaw?
Wade: Ano 'yon, langaw? Hahaha!
Wade: Bumusina siya, "BEEF! BEEF!"
Seen, 12:04 AM
Wade: Speechless siya sa joke ko
Ano naman ang sabi ng cow nang marinig ang busina ng farmer?
Wade: Ano?
NA MOOOOOOOOOO
Wade: HAHAHAHAHAHAHA!
Wade: SUSKO
Wade: HAHAHAHAHA!
Ang corny mo kasing tukmol ka. Hindi ka pa ba nagsasawa kaka-send ng mga corny joke
Wade: Hindi pa. Lalo na kung ganyan reactions mo HAHAHA
Wade: Badtrip ka yata sa status mo?
Argh.
Don't remind me
Wade: What happened?
May nakakaasar lang na officemate.
Masyadong mapagpataas.
Wade: At laging namimintas. Pero sarili kong pera ang iyong winawaldas.
Wade: Para kang sphinx, ugali mo'y napaka-sting
Lintek ka talaga!
Wade: HAHAHAHA
Wade: Stupid... love
Napakabading mo talaga.
Wade: Third time mo nang nanghihingi ng kiss. Aggressive talaga ni Joyce Ann
Nyeta ka!
Wade: HAHAHA!
Wade: Hindi mo naitatanong, nakakapagod ang Monday namin. Maraming works ngayon kasi mag-iiba na ng CEO.
Oh?
Wade: Yep.
Eh, di maraming mababago sa company niyo?
Wade: Hindi naman.
Wade: 'Yong COO naman ang papalit. Pinasa na ang korona
Sana patalsikin ka ng new CEO niyo
Wade: Di magagawa sa 'kin ni Ekis beybeh 'yan. Hahaha!
Oh. Siya ang new CEO? Wow.
Wade: Yeah. Ayaw pa nga. Pinatagal pa nang pinatagal.
Wade: Gusto ko sanang ikuwento 'yong kelegs na nangyari bago siya naging CEO kaya lang baka hindi ka interested so 'wag na lang.
Galing mo, no? Gusto mo pang pinipilit ka!
Wade: Hahahaha!
Wade: Saka mas interesting kung tungkol sa 'kin ang topic.
Wade: Kagaya nito.
Wade: May naglapag kasi ng kape sa table ko kanina.
Wade: Susko. Syempre table ko 'yon. Akala ko bigay sa 'kin.
Wade: Nakikilapag lang pala kasi may naiwan sa pantry.
Wade: Eh, nainom ko na.
Wade: Ginawa ko nilagay ko sa table ni Yvo para siya mapagbintangan na uminom.
Wade: HAHAHAHA!
Mandurugas ka pala.
Wade: Mautak lang
Wade: Ikaw, wala bang interesting na nangyari sa 'yo bukod sa makausap ako?
Bukod sa binwisit ako ng officemate ko... wala.
Argh!
I don't want to talk about my work. Nakakainis lang.
Wade: Ayaw mo talaga sa trabaho mo?
Kailangan bang magustuhan. Work is work. What I need is the money, the salary.
Wade: I see.
Nope. You don't "see." Kasi gusto mo 'yong work mo. You are having fun with it.
That's what's annoying most of the times. People who love their jobs would oftentimes preach about "learning how to love your work" kasi they are lucky enough to be able to get their dream jobs.
So what if the others don't? They are working for the benefits. They don't have to love it. They don't even have to like it.
Working is a necessity. Tsss.
Wade: Hmm.
Wade: Bakit hindi mo bitawan kung hindi mo na gusto? Humanap ng iba?
Parang gano'n lang kadali. Parang gano'n lang kadaling bumitaw.
Wade: I agree.
Wade: Mahirap bumitaw.
Wade: Kahit masakit nang hawakan, mas madali pa rin 'yon kesa bitawan.
Are we still talking about my work?!
Wade: HAHAHAHA I don't know
Wade: Gusto mo ba ng Chowking Halo-halo so you can chill?
MY GOD
Wade: Hahahaha!
Wade: Wala ka bang ibang pinagkakaabalahan after work?
Wala. Diretso uwi ako after working.
Di ba nga, I prefer reading than going out. Mas gusto kong mag-stay sa apartment kesa sumama sa gimik ng mga officemate ko.
Wade: You should lighten up.
Wade: Explore the world a little.
Wade: Go out of your comfort zone once in a while.
Wade: Try something different.
I'm already doing it.
Wade: Ano naman, aber?
I'm talking to you, aren't I?
Wade: Naks naman. I'm so touched
Siraulo!
Wade: Parang gusto kong i-screenshot 'to tapos ipa-print ko para mapa-frame. Lintek, bumait si Joyce Ann ng one second!
Wade:
Ewan ko sa 'yo! Nakakainis kang kausap!
Ito piso!
Maghanap ka ng kakausap sa 'yong tukmol ka!
Wade: HAHAHAHA!
Hindi ko nga alam bakit pa kita nire-reply-an! Wala ka nang ginawa kundi inisin ako
Wade: It's because you like me. Hohoho!
Wade: You like talking to me. Hohoho!
Wade: You like my company. Hohoho!
Wade: Who would blame you? Look at me. I'm so damn perfect #SelfLove
Manahimik ka, SelfLove. Tatamaan ka sa 'kin! Makita mo!
Wade: What. Hahahahaha!
Siguro ang laki ng ulo mo! Sobrang yabang mo, eh!
Wade: HAHAHA Sabi nga nila malaki daw
OMG GAGO KA!
Wade: What?
Wade: Umamin na nga akong sinasabihang mayabang, galit ka pa rin?
Wade: g**o mo, Joyce Ann.
Wade: HAHAHAHA!
ARGH NAPAKA LINTEK MONG SIRAULO KA!
Wade: O, halo-halo para you can chill
Kailan pa naging halo-halo 'yan? Tanga.
Wade: Sakit makapagsalita! Maka-tanga naman 'to.
Wade: Hindi kasi malawak imagination mo.
Wade: Isipin mo na lang halo-halo 'yan.
Wade: Para namang makakain mo talaga 'yan. Hay.
Wow, ha! Ikaw pa may pa-hay-hay dyan!
Ako nga napapa-HAY sa 'yo ♀️
Wade: Hi din. HAHAHAHA!
Leche!
Wade: Ano nang gawa mo?
Nagbabasa.
Wade: Ano?
Libro, malamang.
Wade: HAHAHAHA!
Wade: Pwede rin subtitles sa anime. Di ba? Utak nga, Joyce Ann.
WOW COMING FROM YOU? HA!
Wade: HAHAHAHA!
Wade: Joke lang. Hindi ka na mabiro. Hahaha!
Wade: Ano nga binabasa mo?
Romance novel.
Wade: Ah.
Wade: I often wondered why girls love reading those. Then I tried reading one (because of Arisa).
So?
Wade: Medyo naintindihan ko naman kung bakit.
Wade: It is a nice escape from reality.
Correct.
Everything and anything can happen in a book. Everything has excuses. Everything has reasons.
Reality is harsh.
Wade: Hmm.
Hmm what?
Wade: Ah. Wala lang akong masabi. Hahaha!
Wade: Gusto mo bang mag-react ako?
Nevermind
Anong ginagawa mo?
Wade: Good question.
Wade: Wala.
Wade: Hahaha!
Parang palagi namang wala kang ginagawa.
Wade: Judgmental siya
Bakit ba palagi kang 12mn nagme-message?
Wade: Aguy. Gusto mo ba every hour?
No, thank you.
Wade: Hahaha!
Wade: Ayoko kasing maabala ka.
Wade: Saka hindi man halata, medyo busy ang pogi.
Okay, SelfLove.
Wade: Totoo nga! Araw-araw nakakauwi ako mga past eleven na
Bakit?
Wade: Uyy. Curious na talaga siya sa 'kin.
AS IF. Ew!
Good night!
Wade: Tapos magtatago siya. Hahaha!
Seen, 12:56 AM
Wade: Good night, Joyce Ann.
Wade: 'Wag mo ko masyadong isipin. Baka hindi ako makatulog kasi tatakbo ako sa isip mo.
Wade: HAHAHAHA!
KABAHAN KANG TUKMOL KA!
Wade: Mamaya na
Seen, 12:59 AM