12:00 AM
Wade: Ano ang makukuha mo sa baboy na magaling mag-karate?
Jusko.
Wade: Dali na!
Ano???
Wade: Eh di PORK CHOP!!!
LINTEK HAHAHA
TUMIGIL KA NA PLEASE!!!
Wade: Pero tuwang-tuwa ka naman. Hay.
Wade: Eh, ano naman ang gamot sa sugat sa balat ng baboy?
Jusko talaga. Ano????
Wade: Eh di OINKMENT.
Wade: HAHAHAHAHAHA!
♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️♀️
12:12 AM
Wade: Susko.
Wade: Hirap maging third wheel.
Wade: Itanong mo kung bakit, Joyce Ann.
Lintek, 'wag Joyce Ann!
Wade: Bakit naman, Joyce Ann?
Seen, 12:29 AM
Wade: Awtsu. Seening si Joyce Ann.
Wade: Pero naiba na usapan. Itanong mo na kung bakit.
Ayoko.
Ang corny ng mga joke mo
Wade: Hindi ako magjo-joke. Seryoso ako. Haha.
Bakit?
Wade: Nakalimutan ko tuloy, lintek. Haha.
Wade: Nanonood kaming Barcelona: A Love Untold nila Ekis at Arisa ngayon.
Wade: Sarap bigwasan nitong mag-jowa.
Wade: Ginawa akong pampagwapo ng view
Wade: Buti na lang maganda 'tong palabas.
Wade: "Stop acting like you know my pain! Stop acting like you own it!"
Wade: Suskong Daniel, nakakabading
Lintek ka hahahaha!
Ang bading mo.
Wade: Hay.
Wade: Kakakilala pa lang natin gusto mo na kaagad ng kiss.
Wade: Kalma.
Wade: Nung isang araw ka pa. Wag ganyan, Joyce Ann. Wag masyadong aggressive.
Wade: Hahahaha!
Wade: Virgin pa lips ko
WOW TALAGA
Di ko makita saan mo hinuhugot 'yang kayabangan mo jusko
Wade: Sa mukha malamang. #SelfLove
Wade: Panlaban ko rin abs ko. Lintek. I'm so perfect. #SuperSelfLove
Oo na lang nga
Wade: Papakita ko sana kaya lang wholesome ako
HAHAHAHAHA
GOD. Nakakawala ka ng stress!
Wade: Dyan nagsisimula 'yan.
Ha?
Wade: Baka mahulog ka sa 'kin. Sorry, loyal ako kay Ekis.
Wade: Sorry, Joyce Ann.
WOW TALAGA HAHAHAHAHA
Bwisit na 'to!
Wade: Hahaha!
Wade: Teka, balik ako sa pinanonood ko. Baka magselos si Kathryn
Wade: Langya, sarap buhusan ng asin nitong mag-jowa. Dito pa sa harap ko naglalampungan
What a word! Hahaha!
Wade: Goodnight, Joyce Ann.
Lintek ka! 'Wag nga Joyce Ann!!
Wade: Okay.
Wade: Joyce Ann.
Argh!!!!
Wade:
Seen, 12:45 AM
-
2:34 AM
Joy Silang is with Margaux Aristelle
45 mins ago
You are my always, Ayessa. I can't see myself loving someone other than you. —Erice C. #NeverEverAfter by #MargauxAristelle #SaPocketbookLangTotooAngKilig
Margaux Aristelle and 14 others like this
view all comments
Margaux Aristelle: Halaaaa! Sana magustuhan mo 'yan
| Joy Silang: Sobra! Nakaka-in love sina Erice at mga barkada niya ❤️
| Wade Yozon: Ako ba 'yan?
| Margaux Aristelle: AHAHAHA!
| Joy Silang: Ewan ko sa 'yo! Pano ka napunta dito sa status ko?!
| Wade Yozon: BDO pa rin
| Joy Silang: