12:00 AM
Wade: Ano'ng tawag sa leader ng mga saging?
Banana chip!
Laos na 'yan
Wade: Tss.
Ano ang ginagawa ng nagrerebeldeng tinapay?
Wade: Ano?
Nag-aalsa.
Wade: HAHAHAHA.
Wade: 'Di ba sabi ko 'wag ka nang uulit sa ganyan, Joyce Ann.
Wade: HAHAHAHAHA!
Wade: Susko HAHAHAHA
Pero tawang-tawa kang hudas ka!
Wade: HAHAHAHA! Susubukan ko 'yan kay Yvo pero unahin ko muna 'yong DrayBear. Hahaha!
Wade: Happy Sunday!
Wade: Nasa bar ulit kami.
Wade: Gig.
So?
Paki ko?
Wade: Wala lang. Baka lang curious ka. Kesa i-stalk mo pa ako, unahan na kita.
Wow.
Just wow
Wade: Haha.
Wade: Inom tayo, Joyce Ann.
Inom lang.
Walang tayo.
Wade: Lintek.
Wade: HAHAHAHAHA!
Wade: Gumaganti ka na, ah.
Wade: Natuto ka na
Kung siraulo ba naman kasing kagaya mo kausap, dapat lang matuto!
Inis 'to!
Wade: Susko. Aga-aga ang high blood mo agad. Chill.
Argh!
Wade: May problema ba?
Wade: Baka di mo naitatanong, magaling akong listener.
Wade:
Hahahaha!
Ewan ko sa 'yo, Pinocchio.
Wade: Hala may endearment na siya sa 'kin.
Wade: #Kelegs
Lintek.
Hahaha!
Putak ka nang putak.
Kaurat!
Wade: Thank you for that wonderful compliment. Again.
Hindi nga sabi 'yan compliment! Ambisyoso ka!
Wade: Wampake.
Wade: Ano na problema?
Wala.
Medyo badtrip lang.
Wade: Wala daw pero badtrip. Sus. Gusto pa pinipilit, eh.
Wade: Pa-yummy din 'tong si Joyce Ann.
Wade:
Sapakin kaya kita dyan!
Hahahahaha!
Wade: Ano na.
Wade: Habang ready pa akong makinig.
Wade: Bilis.
Wade: Mamaya may bayad na 'to.
Wala lang 'to.
Don't mind me.
Wade: Sabagay.
Wade: Palagi ka nga pa lang Miss Minchin.
Wade: Bakit pa ba ako nagulat.
Wade: Nothing new.
Gigil mo 'ko, eh.
Isa pang Miss Minchin mo, makita mo!
Wade: Okay.
Wade: Miss Minchin.
Wade: Hahaha!
Jusko ka! Sana hindi ka matunawan!
Sana mapanot ka!
Wade: Di tatalab 'yan sa 'kin
Wade: Pikon.
Leche!
Wade: Hahahaha!
Wade: Aba, ayaw pa rin magkwento? Aba. Aba. Aba.
Wala naman ikukuwento.
Badtrip lang talaga.
Wade: Badtrip saan?
Wade: Sa 'kin ba?
OO!
Wade: Weh.
Hahaha!
Wade: Ano nga. Dali. Bago mag-expire kabaitan ko. Lul.
Wade: Kwento mo na lang kaibigan mo.
Wade: Bilis. Boring dito sa bar. Puro landian nakikita ko.
Wade:
Bakit ba pakuwento ka nang pakuwento??
Stalker ka, 'no??
Wade: Ang guwapo ko namang stalker.
Wade:
Wade: Dali na!
Wade: You have to open up to someone for you to be friends with them.
Wade: All kinds of relationship should have a give and take approach.
Sino ba nagsabi na gusto kong makipag-friends sa 'yo?!
Wade: Hala. Romantic relationship ba gusto mo?
Wade: Sorry, Joyce Ann.
Wade: Hindi pa ako ready sa ganyan.
Wade: Pasensya na kung ire-reject kita ngayon.
OMG
SAAN KA KUMUKUHA NG GANYANG KALAKAS NA SELF-CONFIDENCE?
MY GAD.
SO HANGIN!
Wade: HAHAHAHAHA!
Wade: #SelfLove nga, 'di ba?
Wade: Ano na?
Seen, 12:19 AM
Wade: Tapos nan-seen na naman siya
Teka lang nga, 'di ba?!
Gusto na-type agad-agad?
Excited?!
Ikaw yata may gusto sa 'kin, eh!
Wade: Tama nga mga kaibigan ko.
Wade: Nakakahawa kayabangan ko.
Wade: HAHAHAHA!
Wade: Welcome to my kulto, Subject 001.
Wade: Hahaha!
Lintek talaga. Hahahaha!
Walang may gustong sumapi sa kulto mong tukmol ka!
Magkukuwento ba o hindi?!
Wade: Sige na. Take your time.
Wade: 'Wag lang abutin ng ten years
Seen, 12:25 AM
Di ko alam ano ba sasabihin.
May friends naman ako. Marami nga.
Wade: Parang di halata.
Eh, di wag na!
Wade: Tampo naman 'to kaagad. Hahaha!
Wade: O siya, marami ka ng friends. Mga dalawa. Marami na 'yan kasi more than one
Ang lakas mong mang-asar!
Iyakin ka siguro, 'no?!
Wade: HAHAHAHAHA!
Wade: Hindi, ah!
Wade: Di ako mapapaiyak.
Wade: Pusong bato 'to!
Weh.
Wade: Ano na!
Wade: Puro segway, susko.
Ikaw kasi! Puro ka kumento!
Wade: Para masaya
I have different sets of friends.
Wade: Parang damit lang.
ISA!
Wade: Shutting up
May dalawa akong naka-close na mas matanda sa 'kin. Though we are not that close anymore kasi may kanya-kanya na silang buhay ngayon.
Wade: In short, may love life sila tapos ikaw wala?
NANG-IINSULTO KA BA?!
Wade: Nagtatanong lang, Joyce Ann. Chill, Miss Minchin. Hahaha!
Bahala ka na nga dyan!
Wade: Tamo 'to. Pusong mamon ka talaga.
Wade: Pusong bato at pusong mamon.
Wade: Susko. Hahaha!
Ha-ha-ha. Funny.
Wade: Shutting up again
Most of my close friends are in Batangas. Kahit 'yong best friend ko nasa Batangas. Nandito sa Metro Manila, colleagues and ghost friends ko.
Wade: Ghost friends?
'Yong mga kaibigang nagpaparamdam lang kapag may kailangan sila.
Wade: Lintek. HAHAHAHAHAHA! May natutunan ako sa 'yong term.
Wade: Nice.
Ayos lang naman 'yon.
Kaya kong mabuhay nang wala sila. Hindi kawalan, ganon. Kaya nga ghost friends. Saka kung gusto ko, gagawa rin ako ng paraan para maging malapit sa kanila.
Eh, ayoko. So I let them be.
I prefer being alone inside my apartment with my books. Or with my tablet so I can watch anime.
Kung hindi dahil sa work, di ako lalabas ng bahay.
Wade: You must be lonely.
Of course not.
Sabi ko na nga, 'di ba?
I can live alone.
Wade: Then why are you answering this stranger's messages if you aren't lonely?
Seen, 12:48 AM
Wade: Tapos dinadaan mo sa seen.
Wade: Hindi naman masamang aminin na nalulungkot ka.
Wade: Find better friends while you are here in Metro. Habang malayo ka sa true friends mo.
Wade: Don't close yourself to people.
Wade: Hindi masamang mapag-isa pero 'wag mong masyadong ikulong ang sarili mo sa kaisipang okay kang mag-isa.
Seen, 12:54 AM
Wade: But at least you have me now.
Wade: This stranger will be your first real friend here in Metro
Wade: Swerte mo. Gwapo ako.
Hahahahaha!
Ewan ko sa 'yo
Wade: Bilang sign ng friendship, padadalhan kitang photo ko.
No, thanks.
Hindi ko kailangan ng panakot sa daga.
Wade: Awtsu. Tumanggi sa grasya.
Baka grasa!
Wade: Salbahe 'to!
Wade:
Wade: Gusto mo bang magsolian na tayo ng kandila?!
Baka nga tirikan pa kita ng kandila, lintek ka!
Wade: Ginawa mo pa akong patay
Wade: Excuse me. Hindi ako patay.
Wade: Nakamamatay lang ang kaguwapuhan. #SelfLove #LalakingPinagpalaSaLahat
Naka-drugs ka yata. Ingat ka baka ma-tokhang ka
Wade: Hindi ko sasayangin kaguwapuhan ko sa drugs
Istorbo ka.
Manonood na ako.
Goodnight.
Wade: Susko.
Wade: May goodnight na hindi s*******n
Wade: Hindi na ba ako magigising mamaya?
Wade: Dapat na ba akong matakot?
Lintek 'to! Sungalgal ko sa bunganga mo 'yang kutsilyo, eh!
Wade: Hahaha!
Wade: Goodnight, MM.
Wtf is MM?
Wade: Miss Minchin.
Wade: HAHAHAHA!
Wtf Yozon!
Seen, 1:15 AM
Lintek na 'to!
Seen, 1:18 AM
Argh!
Seen, 1:20 AM
1:35 AM
Wade: Dream of me. Lul.