Maingat na nagmaneho si Solomon patungo sa Villaluna Corporation. Samantalang tahimik naman siya sa likurang bahagi ng sasakyan habang pinagmamasdan ang patak ng ulan sa salamin ng kotse. Hindi nagtagal ay huminto ang sasakyan sa harap mismo ng kanyang kumpanya. Nasa loob pa lang siya ng sasakyan, tanaw na niya si Terrence sa labas. Nakatayo parin ang lalaki kung saan niya ito iniwan kaninang umaga. Lumapit naman kaagad ang guard ng establisyemento at pinayungan siya. "Ilang oras na ba siyang nandyan, Manong?" Tanong niya sa guwardiya. "Kaninang umaga pa daw po sabi ng karelyibo ko, Ma'am. Hindi daw po umaalis si Sir dyan sa kinatatayuan niya." Tugon nito. Nasapo niya ang kanyang noo. Nakaramdam siya ng awa para rito. Ibig sabihin ay init at ulan ang tiniis nito habang nananatili sa pu

