KABANATA 39 Hindi naman ako nahirapan sa paghahanap kay Himamura-san. I found him talking animatedly with some of the student leaders. His assistant saw me first and pointed me to him. "Arianne," tawag niya nang makita ako pagkalingon, "What's wrong? Do you need anything?" "Um, sorry, pero gusto ko na sanang umuwi. Okay lang ba?" Sandaling dumaan ang lungkot sa mga mata nito bago pinalitan iyon ng isang ngiti. "Pagod ka na ba?" Tumango ako, paulit-paulit na humihingi ng pasensiya sa isipan ko. "Okay, I'll take you home." "Ha? Hindi na kailangan, Hima--, I mean, Sean. Tatawagan ko na lang si Gene para sunduin--" Marahan siyang umiling. "Ako ang sumundo sa iyo kanina kaya nararapat lang na ako rin ang maghahatid. I also need to properly thank your parents for permitting me to be yo

