KABANATA 37 Ilang segundo rin kaming nagtitigan. Parehong nagtatanong ang mga mata. Parehong nagtataka. Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sabi mo wala kang panahon sa mga hindi importanteng okasyon tulad nito? Bakit siya ang kasama mo? Bakit hindi... Hindi ko tinapos ang huling naisip at nag-iwas na lamang ng tingin. Tinatanong pa ba ang mga bagay na nakikita naman ang sagot? "Arianne." I turned and saw Himamura-san. Sandali siyang nilingon ang aking mga kasama. "Pwede ko bang mahiram sandali si Arianne?" Pagpapaalam nito sa kanila pagkatapos niyang bahagyang yumuko bilang pagkilala. Nagtinginan ang magkambal pero si Miyu ang sumagot para sa kanila. "You don't have to ask for our permission, Himamura-san. She's your date after all," she said in a louder voice, sinadyang gawi lalo n

