Kabanata 25

2627 Words
KABANATA 25 Black, they say, is the color of darkness. It is an endless vortex devoid of anything but that sad, cursed color, sucking all the happiness, all the life in you. And in this vortex that I currently float, every corner I turn, it was all that I could see, pulling me down, devouring my existence. Is this death? Is this it? Am I going to see them again? If I am, what am I going to tell them? What am I going to say if they ask why I am dead? That I died after drinking alcohol and falling into deep waters? That their deaths were wasted because of my carelessness? No. No. No! I am not done with things that I should be doing! I haven't reached my goals yet. I can't face them like this! Not, if I haven't accomplished anything that they could be proud of. Something suddenly broke at a distance and shattered the darkness. Crystal-like bubbles surrounded the intruder. It was moving in all directions, seeking, restless and frantic. I felt I knew what it was. Rather, who it was. When he finally found me, he quickly swam towards my direction. I extended my arm and let him pull me to his body before lounging both of our weights upwards. Ramdam ko ang parehong sakit at ginhawa nang unang pagpasok ng hangin sa aking baga. Pain. Good. It means that I'm still alive, I thought as I inflated my lungs with more air and coughed some water out. Sabay kaming napalingon nang marahas na gumalaw ang tubig. My savior cursed out loud when we saw the boat being paddled back to the docks without us. "Buti nga sa inyo, mga ulol! Tingnan natin kung kaya niyong languyin ang daan pabalik!" Nilingon ko ang venue ng party at halos kasing liit ng ilaw ng posporo ang mga ilaw nito sa aming kinaroroonan. That would be one heck of a swim! And in this heavy gown, too! I shivered when the cold breeze of the night touched my skin. Napansin iyon ng aking kasama kaya lalo siyang dumikit sa akin. "Umalis na muna tayo sa tubig," malamig nitong usal. Mahina akong tumango bago nagpatianod sa kanya nang hilain papunta sa maliit na gazebo sa gitna ng lawa. Napasinghap ako nang bigla niyang hawakan ang magkabila kong balakang at saka binuhat. Aalma na sana ako nang ilang sandali ay naramdaman ko ang matigas na sahig ng gazebo sa aking palaupuan. Sumunod naman siyang umakyat at mabilis na tumayo para muli na naman akong hilahin papunta sa mahabang upuan. Niyakap ko ang sarili nang binalot ng lamig ang aking katawan. Halos mapatalon ako nang biglang ipinatong sa aking mga balikat ang isang leather jacket. I looked up and saw his darkened expression. "Isuot mo para hindi ka lamigin." "P-p-paano ka? B-b-basa ka rin naman—" My voice trailed off as the expression on his face hardened. Nakaigting ang kanyang panga, tila nagpipigil ng galit. I knew, even without him saying anything, that I was at fault here. Nagbaba ako ng tingin, hinihigpitan ang pagkakahawak ng mga dulo ng kanyang jacket. Though also wet, it was enough to shield my body from the cold. "Thanks," mahina ko na lang na tugon nang hindi siya tinitignan. Ilang saglit kaming nabalot ng katahimikan. I knew I had a lot to say to him yet somehow the situation made it difficult to recall what those were. A bitter feeling crept my chest when I remembered a particular scene where he had this cool chick beside him, rocking both the party and his world. "Anong pumasok sa kokote mo't sumama ka sa gagong iyon?" The strain in his voice made me turn to him. I found him standing in front of me, hands on each side of his waist, breathing ragged and his emeralds were blazing with controlled rage. "At uminom ka pa talaga?" He snarled. Naalala ko iyong juice na pinainom sa akin nina Desiree. "Akala ko ba sabi mo hindi ka na uli iinom?" Wala akong maisagot dahil alam kong may punto siya. Nangako nga ako sa kanyang hindi na uli iinom. Pero hindi ko naman alam na may halong alak pala iyong pinapainom nila sa akin. Argumento ng isang bahagi ng aking isip pero hindi ko isinatinig. Alam kong may mali pa rin ako kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. "Akala ko ba matalino ka? Para sumama sa isang lalaking ngayon mo lang nakilala, parang ang bobo mo naman yata!" Nagpanting ang tainga ko sa narinig na paratang. "Just wait a minute. I know I was wrong for being naive and not noticing that they had spiked the drinks. But for you to call me dumb just because you saw me went with that guy is totally uncalled for! Umalis ako roon kasi gusto ko ng umalis. Gusto ko ng hanapin sina Miyu at saka umuwi! Nahilo lang ako kanina kaya hindi ko tuluyang natanggihan iyong unggoy na iyon!" Isang malakas na mura ang kanyang pinakawalan bago hinilamos ang mga palad sa kanyang mukha. Binalingan naman niya ang suot ko. Hinagod ito ng kanyang paningin mula ulo hanggang paa. Wala sa sarili kong inayos ang suot nadamit. Doon ko lang napansing nawawala ang isang pares ng aking sapatos. Agad ko ring ipinagtabi ang kanina ay magkahiwalay kong mga binti. Nang bumalik sa aking mukha ang kanyang paningin, mas matinding alab ang ibinigay ng kanyang mga titig. "Bakit kasi ganyan ang ayos mo?! Hanggang ngayon ba naman, desperada ka pa ring kaibiganin iyong mga babaeng iyon?! Hindi ba't may mga matitino ka ng kaibigan? Kaya para ano pa iyang suot mo?" Uminit ang mga tainga ko sa narinig. "Bakit ba? Ano bang mali sa ayos ko? Compared to most girls in the party, my attire is pretty decent—" "Decent?! Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?! Kita na nga iyang mga binti mo, hindi ka pa nakontento! Nagtanggal ka pa talaga ng coverup para ano? Para makita ng mga lalaki roon iyang dibdib mo?!" Nanlaki ang mga mata ko sa singhal nito at mas lalong diniinan ang pagkakatakip ng jacket sa aking harapan. Mabilis ko siyang binalingan, matapang kong sinalubong ang kanyang mga nag-aalab na berde ng magkasing-alab kong mga bughaw. "You think I wore this because I want their attention? Gago ka ba?" Nasabi ko, hindi na nakatiis, "At kailan ka pa nagkaroon ng pakialam sa akin? Sasabihin mong magkaibigan tayo pero bigla-bigla ka na lang manlalamig... bigla na lang hindi magpaparamdam. Ano iyon? Seasonal ang friendship natin? Magiging magkaibigan lang tayo kung kailan mo feel na magkaibigan tayo?" His eyes softened a bit after hearing what I said. Hindi nakayanan ang pamumungay ng mga ito, muli akong nag-iwas ng tingin. I heard him sigh before slumping in front of me. Both of his hands were on his head, ruffling his already messy hair. May binubulong pa siyang mga salita na hindi ko maintindihan. "Anong sabi mo?" Iritado kong tanong. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nandoon pa rin ang galit pero mas nangibabaw ang ibang emosyon sa mga ito. "Nakaka-frustrate ka kasi, alam mo iyon? Alam kong matalino ka. Alam kong alam mo kung paano ipagtanggol ang sarili..." "O, alam mo naman pala—" "Pero hindi ka marunong mag-ingat!" Isang malutong na mura ang kanyang pinalabas, "Paano na lang kung hindi ko kayo nasundan kanina? Paano na lang kung..." He paused as he crumpled his hair once more, "God, Aya! Makakapatay ako ng tao kung may mangyaring masama sa iyo!" He groaned as he pushed his hair backwards. There were moist at the corners of his eyes as he stared at me with evident hurt. May mainit na humaplos sa puso ko sa nasaksihan. Pero agad din naman iyong naglaho nang maalala iyong mga sinabi ni Melissa sa party kanina. "You shouldn't worry about other people when you already have a girlfriend," I said under my breath, afraid the words would hurt me more if I say them aloud. "Ano? Sinong may girlfriend?" I looked at him with disbelief. At talagang tinatanggi pa niya? "Alam mo, hindi kita maintindihan. Susulpot ka na lang bigla kung kailan mo gusto at magpapakita ng pakialam sa akin. Kapag tapos ka na, babalik ka na naman doon sa girlfriend mo at magkukunwaring hindi mo ako kilala. At ngayon naman..." "Teka lang. Anong pinagsasabi mong girlfriend ko?" Pagpuputol nito sa aking sasabihin, "Wala akong girlfriend, alam mo iyan. Paano mo naman naisip iyon? Sinabi ko naman sa iyo noon na wala akong panahon para sa mga relasyon, hindi ba? Pag-aaral muna ang gusto kong atupagin." Kinagat ko ang aking labi sa sinabi nito, hindi pa rin lubusang naniniwala. Imposibleng wala silang relasyon noong babaeng iyon. He looked at her like she was the most important person to him. "Pag-aaral daw pero tuwang-tuwa naman kapag kasama siya..." Mapait kong tugon. I thought I only said them to myself but when I saw his frown, I knew I said my thoughts aloud again. "Sino ba iyang tinutukoy mo?" Iritado pa rin nitong tanong. I bit my lip again and turned away. I felt him sat down beside me before lifting my chin up so he could see my eyes. "Sino?" Mariin niyang tanong. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya. "Mayroon pa bang iba?" Halos pabulong kong sagot. Muli niyang hinuli ang aking baba para ibalik ang paningin ko sa kanya. "Sino nga? Wala akong alam na kinagigiliwang babae..." Kumuyom ang panga ko sa pagtanggi nito. Kitang-kita ko nga kanina kung paano niya titigan ang babaeng iyon, tapos ngayon... Muli kong binawi ang aking mukha at nag-iwas ng tingin. "Ayana naman! Sino ba kasi iyang tinutukoy mo? Si Diana? Fely? Trix? Meriam? Beth? Sino?" I returned my gaze to him, glaring with irritation this time. Ganoon karami ang mga babae niya?! "Mga kaklase ko lang sila. Naging ka-grupo ko ang karamihan sa kanila. Iyong iba nagpapatulong lang sa mga mahihirap na subjects namin. Pero wala akong interes sa mga iyon," anito bago pinatulis ang nguso, tila nagpipigil na mangiti. Kumunot ang noo ko sa pinakita nitong reaksyon. Is this funny to him? "Everyone knows you already have a girlfriend. Bakit mo pa ako pagsisinungalingan?" Nawala ang nakatagong tuwa nito at napalitan ng inis. "Anong— Tang—" He pulled his hair in frustration before grabbing both of my shoulders, forcing me to face him, "Wala akong girlfriend, Aya. Wala! Sinong nagsabi—" Muli kong iniwas ang mga mata ko, hindi matagalan ang kanyang nagsusumamong mga titig. "Usap-usapan ng mga babae kanina na girlfriend mo raw iyong guitarist niyo..." I inwardly cringed at how bitter I sounded. Ano naman ang pakialam ko kung totoo nga iyon? Kaibigan niya lang naman ako. I bit my lip at the onslaught of pain at the thought that whatever he chooses and whatever happens in his life really was not my business. "Uhm, wala rin namang masama kung totoo. Pareho naman kayong single at saka pareho ring mahilig sa musika. Actually, noong nakita ko kayo sa stage kanina? Naisip ko na bagay..." Hindi ko matuloy ang sasabihin at bumabara ang aking lalamunan. "Si Alex?" The humor I heard in his tone furrowed my brows as I returned my gaze to him. Naabutan ko siyang nakatitig pa rin sa akin ng may nakatagong tuwa sa mga mata. "Seryoso ka? Si Alex ang tinutukoy mo?" "Iyong babae niyong gitarista ang tinutukoy nila. Iyong katabi mo kanina." "Si Alex nga iyon, short for Alexandra." Pakialam ko, matabang kong nasabi sa sarili at naiiritang inilipat ang paningin sa mga pinagtabi kong tuhod. "God, Aya, hindi ko girlfriend iyon! Ano ka ba? Hindi kami talo noon, 'no!" Ha? Kunot-noo ko pa rin siyang binalingan. He's grinning now like he found my current predicament very amusing. "Bakla ka?" I asked. Agad na nawala ang ngisi nito sa tanong ko. "Seryoso ka? Kanina lang inakusahan mo akong may girlfriend. Sinabi ko lang na hindi kami talo ng kabanda ko, bakla na ako?" There was a glint in his eyes and the way he moved closer to me that made my heart flutter in some kind of anticipation. "Ano ba talaga ang akala mo sa akin? Hmm?" Nang muli siyang gumalaw at magtama ang aming balat, agad akong umusog palayo. Huli na nang matanto kong nasa dulo na pala ako ng bench. "Watch out!" Mabilis niya akong hinila pabalik sa kanya. Nabitawan ko ang hawak na jacket para makakapit sa kanyang mga braso. Ang lakas ng pintig ng puso ko sa nangyari. Ngunit nang napagtanto ko kung anong posisyon namin ngayon, lalo itong naghurumentado. I tried to push him off me but his hold on my waist only tightened. Nanlambot ang aking mga tuhod nang maramdaman ang marahang paglakbay ng isa niyang kamay galing sa aking likuran patungo sa braso. Dahan-dahan itong nagpatuloy at tumigil lang nang matagpuan ang aking pisngi. Kinuha nito ang nakatikwas kong buhok at dahan-dahang inipit sa likod ng aking tainga. Nakakakiliti ang marahang pagkakadampi ng kanyang daliri sa aking balat habang ginagawa ito. Hindi ko alam kung papaano pa pakakalmahin ang nagwawala kong puso. "I'm so mad at you right now," he breathily said. I bit my lip to stop myself from groaning at the contact of his hot breath on my, surely, heated face. "How could you let that boy see you like this? How could you let him touch you this way?" Nagtindigan ang mga balahibo ko nang maramdaman ang marahang paglapat ng mainit niyang pisngi sa pisngi ko. "Sabihin mo nga sa akin dahil mababaliw na ako..." I swallowed hard, praying it would somehow calm my heart. "Did he kiss you here? Hmm?" He asked as he gently rubbed my cheek with his. Wala sa sarili akong umiling, tila nalalasing uli, hindi na sa alak, kundi sa mga sensasyong pinaparamdam sa akin. "No?" Bumaba ito at pinigilan ko ang pagsinghap nang maramdaman ang kanyang hininga sa aking leeg. "Here then?" I bit my lip as I slowly shook my head. "He didn't kiss me," I barely recognized the voice that came out my mouth. Tumikhim ako at muling nagsalita, "Dumating ka bago niya pa magawa—" I stilled and inhaled sharply when I felt something soft and warm against the skin of my neck. "Damn right," he whispered against it and I tried so hard to stop myself from moaning when he did, "Hindi ko siya hahayaang gawin iyon o ang kahit na sinong lalaking mangahas..." Pinalakbay niya ang isa pang kamay at dinala ito sa aking batok. Habang ang isa naman ay bumaba at hinanap ang aking kamay. He gently pressed my hand as his lips trailed the contours of my neck to my jawline. Para na akong lalagnatin sa mga ginagawa niya sa akin pero ayaw ko naman itong matapos. Nababaliw na ba ako? Baliw na yata ako. Kaya nang bahagya niyang inilayo ang sarili ay nalungkot ako. Pero nang makita ko kung papaano ako titigan ng kanyang mga berde, para akong sinilaban. Takot akong pangalanan ang mga emosyong natagpuan roon. Baka mali lang ako ng basa. Baka imahinasyon ko lang iyon at tila sinasalamin lang nito ang nararamdaman ko para sa kanya. Kasi imposble naman iyon... Napakaimposible. Kumalabog ang puso ko nang saglit na bumaba ang paningin nito sa nakaawang kong labi. May parte sa isip ko, the sensible one, na gustong mag-iwas ng tingin at itulak siya palayo. Pero mas nananaig ang isang parteng naghihintay sa mga susunod niyang gagawin. Ibinalik nito sa aking mga bughaw ang kanyang paningin. Parang may humaplos sa puso ko nang makita ang pagsusumamo at pangungulila sa kanyang mga berde. Kumuyom ang dibdib ko nang makita ang isang malungkot na ngiti sa kanyang mga labi. Hindi ko maintindihan...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD