KABANATA 23
"What happened?"
Three sets of worried eyes stared at me the next day at lunch. Kanina pa natatakam na magtanong ang magkapatid sa classroom namin pero dahil may exam kami, hindi nila nagawa. Muntik namang mabitawan ni Miyu ang dalang pagkain nang makita ang mga bendahe sa aking katawan. I have bandages on both of my arms, neck and my right cheek.
"Sinabi ko na kanina, hindi ba? Naaksidente ako kahapon nang inakyat ko iyong isang puno ng mangga. Tsaka, galos lang ito... malayo sa bituka kaya huwag niyo masyadong alalahanin," sagot ko nang natatawa.
Nagkatinginan iyong tatlo, tila hindi kumbinsedo sa aking sinagot. Hindi nila kailangang malaman kung anong totoong nangyari. Luminga ako sa aming pwesto para iwasan ang kanilang paningin.
"Himala yata at wala sina Himura at Drake?" I asked, trying to change the subject.
"Himura-san said he won't be able to join because he has some things he needs to finish and submit today," Kai answered as he took the seat in front of me while his brother seated beside him.
Tumabi na rin si Miyu sa akin bago inilapag ang mga nakabalot na pagkain.
"Ryu-niisan was called to the Director's office. He wanted you to know that he's saddened that because of this he won't be able to join you for lunch," anito habang isa-isang inaayos ang mga ulam.
"Pakisabing mas na-enjoy namin ang lunch dahil wala siya— Aray!" Bulyaw ni Kou na nagsisimula na sanang kumuha ng pagkain nang paluin ni Miyu ang kanyang kamay, "What was that for?!"
"I'm not done arranging the foods just yet. And besides," she paused as she gave me a rice bowl, "Aya gets to eat first. Kumuha ka na, Aya. My steamed fish is specially delicious today."
Nginisihan ko siya bago tumango at kumuha ng ilang piraso noong tinutukoy nitong ulam. Natatakam na sinundan iyon ng tingin ng magkapatid.
"Itadakima—" Papasubo na sana ako nang may nakitang pamilyar na tao sa aking harapan, nakapamulsa at nakangiti sa akin.
Nabitawan ko ang isusubong pagkain at napatayo.
"Kira!"
Mabilis na nagsilingunan ang aking mga kasama sa kanyang gawi. Binalingan niya ang mga ito at saka binati.
"I'm sorry to disturb your lunch but can I have a moment with Miss Moritake?"
Pagkatapos kasi ng nangyari ay agad akong dinala ni Gene sa isang pagamutan at pinagamot ang mga natamo naming sugat. Unlike his, my wounds were just shallow and mostly grazes; they wouldn't leave scars in the future. While he needed six stiches to fix the deep cut in his hand.
Hindi na namin pinag-usapan ang tungkol sa naganap. Hindi niya na rin tinukoy kay Mimi ang tungkol dito pagkauwi sa bahay. Tulad ng dinahilan ko sa kambal, sinabi niya na lang na naaksidente ako sa manggahan.
Ilang beses pa akong napakurap habang tinitingnan ang nakangiti pa rin nitong ekspresyon. Hindi ko pa rin mabasa kung anong tumatakbo sa kanyang isipan, kung nandito siya para tapusin iyong away kahapon o ano...
"If that's okay with you..."
Naibalik ang diwa ko sa pangkasalukuyan nang magsalitang muli si Kira.
"A... oo naman," agap ko bago binalingan ang mga kaibigan, "Mauna na lang kayong kumain. Mag-uusap muna kami..."
Pinulot ko ang nabitawang chopsticks, kumuha ako ng isang pirasong isda, at saka agad na isinubo. Sumabog ang sarap ng pagkain sa bibig ko at nakaramdam agad ako ng pagkatakam. Gusto ko pa sanang manatili para tapusin ang pagkain pero naghihintay si Kira. Bumaling ako kina Miyu habang inaabot ang aking backpack, handa na para umalis.
"As usual, your dish is superb Miyu."
May narinig pa akong pagtutol mula sa kambal pero hindi ko na lang muna iyon pinansin. Kailangan ko pang sundan si Kira na kanina pang naunang naglakad.
"I'm looking forward to tomorrow!" Huli kong sabi bago nagmadaling umalis.
Naabutan ko si Kira na nakatanaw sa malawak na soccer field. Sandali niya akong sinilip bago ibinalik sa harapan ang paningin.
"How's Yuujin?" Tanong nito nang hindi ako tinitingnan.
"Um, I think he's fine now. Tinurukan siya ng anti-tetanus sa ospital kahapon at saka niresitahan din ng mga pain relievers kaya parang wala lang nangyari sa kanyang kamay. Tulad ng dati makulit pa rin at saka—"
"Is he mad at me?"
My words hung midway as I stared at his face, the usual smile was gone and a mixture of guilt and sorrow took over. Hindi pa rin siya makatingin sa akin.
"Uh... We haven't talked about it since we left the dojo but... uh... um... I didn't think he was angry at you. He was..." If anything, I think Gene was a bit sad about what happened. Pero hindi kailangang malaman iyon ni Kira at baka isipin niyang kaya ganoon kasi nabigo niya ito.
Pabalang akong hinarap nito. Saglit na dumako ang kanyang paningin sa mga nakabenda kong sugat bago ipinako iyon sa aking pisngi. Bahagyang kumunot ang noo nito.
"Would that leave a scar?"
Inabot ng isa kong kamay ang kanyang tinutukoy bago umiling.
"Maliit na galos lang naman ito. Mawawala rin pagkalipas ng ilang linggo," sagot ko. Puna ko ang bahagya niyang pagbuga ng hininga bago nagbaba ng tingin.
"Yokatta..." I thought I heard him say.
He said it so softly that I thought it was just the wind. Nang mag-angat siya ng tingin, naroon na uli ang kanyang blankong ngiti.
"I'm not going to say sorry for that. You went to me fully aware of the consequences. If Gene and that stupid Kyo hadn't interrupted, you wouldn't be standing here right now."
Hindi ako nakasagot. Mataman kong pinagmasdan ang kanyang mukha, naghahanap ng palatandaan ng pagbabago ng kanyang pananaw sa akin.
Ipinilig nito ang ulo sa isang banda at saka humalukipkip.
"What? Just because Gene affirmed me that nothing's changed between us doesn't mean that something's changed between us," he said, the latter statement implying to our relationship.
Nagbaba ako ng tingin sa narinig, ramdam ang pagkabigo.
"I'm leaving for New York after the examinations. I have a three-month training program over there. I believe Master Ryu will be joining as well."
Nag-angat ako ng tingin nang hindi maikonekta ang sinabi sa kung anong pinupunto nito. He was showing an extremely pleased expression.
"So when I come back..." He took a step forward as he untangled his arms and placed his hands inside his pockets, his expression unchanged, "...I expect to see Yuujin's omelet rice waiting for me on that table. Do you understand?"
What did he say again?
Bahagya siyang natawa sa aking naging reaksyon.
"Hindi masarap ang lahat ng luto ni Yuujin puwera lang sa kanyang omelet rice. That has been my favorite growing up..." He said as he longingly gazed into the space between as if he was recalling some happy memories from his past. He blinked once and then he returned to normal, "Nakuha mo iyon?" He asked me.
Dahan-dahan akong tumango kahit medyo naguguluhan ako sa sitwasyon namin.
So, does this mean we're okay now? Like we're friends? Hindi ko maisatinig.
"Forget it. I'll tell him myself this Saturday during my visit," biglang sabi nito bago ako lagpasan, papaalis.
Mabilis ko siyang sinundan.
"You're visiting? Hindi ba iyon labag sa kautusan ng imperyo? Baka mapahamak ka—"
"Bakit? Bawal ba ang magpa-advice sa isang abogadong katulad niya? May gusto akong bilhing properties at gusto kong ipabasa sa kanya ang kontratang pipirmahan namin ng may-ari," anito ng nakataas ang isang kilay.
"Oh..." Ang tangi kong nasabi at pagkatapos ay natahimik.
"Do you still have your personal shinai in your house?"
Napatingin ako sa kanyang mga mata, sinisigurong tama ang narinig, bago mahinang tumango.
"But I am not using it anymore, as promised—"
"Clean it before I get there."
Napasinghap ako sa utos nito.
Does this mean...
"Ang dami mong nagawang maling hakbang kaya iyan ang natamo mo. We'll go over your errors first and then we'll talk about how we can improve your fighting style."
Unti-unting namilog ang mga mata ko sa sinabi nito.
"You're going to teach me kendou this Saturday?" I wanted to confirm, my excitement clearly manifesting on my tone.
Ngumiti lang siya at hindi agad sumagot nang tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang lunch break namin.
"Ja, mata ne..." Makahulugang paalam nito bago umalis.
Natapos na ang aming klase ay iyon pa rin ang laman ng isip ko. Hindi pa rin makapaniwalang nanggaling ang mga ideyang iyon sa mismong bibig ni Kira.
"Hey, Yana!"
Napalingon ako at bahagyang nagtaka nang malamang si Desiree ang tumawag, nasa likuran niya ang mga kaibigan at maingat akong inoobserbahan.
"Yes?" I asked.
Lumapit siya at saka nag-abot ng isang card.
"I'm having a birthday party this weekend. It would really be great if you could come and join us," nakangisi nitong tugon.
Sandali ko pang tinitigan iyong makulay na parisukat na hawak nito bago ko inabot. Hindi ko pa nahahawakan nang may biglang humablot nito.
"Are we also invited?" Tanong ni Kou na siyang gumawa, "Because I'm telling you, if we aren't, then she's not going."
Bahagyang umismid si Desiree sa narinig. Tatango na sana siya nang may naalala pa akong isang tao.
"Oh, um, can I also take one more person with me?" I asked, thinking of bringing my best friend along.
But first, I need to ask Miyu if she's available on that day.
"Of course," hilaw itong natawa habang sinisilip ang tahimik lang na mga kaibigan, "We'll be expecting you on Saturday, then? Please wear your best pink on that day. Pink is the motif this year so..." She said as she pouted her lips at the end of her sentence.
Tumango ako at nagpaalam na rin sila pagkatapos. Saglit pa akong tinitigan ni Mel bago sumunod sa mga kasama.
"Are you sure about this, Aya-chan? The last you were with them, you were forced to fight the kyuudou seniors. Although you've beaten them to pulp in the end," ani Kou habang nilalakad namin ang hallways palabas ng aming gusali.
"We don't know what they're up to this time but given their history, I also think they're planning something evil again," dagdag pa ni Kai.
Tumigil ako at saka hinarap sila.
"Maybe... Maybe not... But who knows, right? Ang importante roon ay naisip pa rin nila akong imbetahan pagkatapos ng mga nangyari sa amin. Kung may binabalak man silang masama, kaya kong depensahan ang sarili ko."
Nagtinginan iyong dalawa sa huli kong sinabi, tila hindi naniniwala.
"Plus, I won't be alone this time. Hindi ba't pupunta rin kayo? At saka, isasama ko rin si Miyu para masaya—"
"Where are we going?"
Halos mapatalon ako sa biglang nagsalita.
"Grabe, Miyu, akala ko kung sino na..." Sabi ko pa at saka ngumisi nang malaki, "I've been invited to Desiree's birthday party and we're going—"
"No, thank you," mabilis nitong sinabi, hindi pinapatapos ang aking pangungusap.
"Ha? Bakit naman?"
"Those girls are trouble since they've been here. Hindi iyan magbabago dahil minsan mo nang pinasuspende ang karamihan sa kanila. Suspension isn't new to them. So it's best if we avoid their bunch," sagot nito habang nililinis ang kanyang glasses.
"But what if we're wrong this time? What if they really changed for the better? Isn't it great if we become friends with them for real? I mean..."
"No," matigas na tugon ni Miyu matapos isuot ang kanyang glasses at saka naunang umalis.
"Sandali, Miyu—"
"Aya-chan."
Susunod na sana ako kay Miyu nang marinig ang tawag ni Kou. Muntik ko ng nakalimutan na kasama ko nga pala ang magkapatid na Yazaki.
"We have ball practice this afternoon so we won't be able to join you and Miyu-chan in going home," anito.
"The interschool tournament is just around the corner and Coach has been anxious especially now that Sanada-san and the two Kurozawa-san won't be joining us," dagdag pa ni Kai.
Parehong malungkot ang kanilang mga hitsura, tila masyadong bumabagabag sa kanila na hindi kami makasama sa pag-uwi.
"Oh, that's right. May training program nga pala sina Kira sa New York. At si Kyo naman ay graduating na kaya hindi na siya makakasali sa mga extracurricular activities niya..."
Tumango ang dalawa sa aking pagkompirma.
"Sus, okay lang iyan! As if you can't win without those three," I said, encouraging them.
Bumuntong hininga si Kou.
"If only that was the case, but the other schools have improved their lineups. I've heard some of them were varsities from renowned universities in Luzon," sabi ni Kai.
"Some players even have already participated in the UAAP and some international leagues," malungkot na dagdag ng kanyang kapatid.
"Oh..." Ang tangi kong nasabi bago nagbaba ng tingin, nag-iisip ng pwede kong maitulong para sa kanila.
"Aya? Hindi pa ba tayo uuwi?"
Sabay naming nilingon si Miyu na bumalik nang siguro ay napansin nitong hindi kami nakasunod.
"A..."
"Aya-san was just about to leave," ani Kai bago tinapik ang aking balikat at nilagpasan ako.
"See you tomorrow!" Sabi naman ni Kou bago sinundan ang kakambal.
"What was that?" Miyu asked as we waved the twins goodbye.
Bumuntong muna ako ng hininga bago ko kinuwento sa kanya ang tungkol sa inaalala noong dalawa.
"I'm sorry but when it comes to Ryu-niisan's activities, I really don't have any idea. We don't normally see one another when we're in the house, let alone speak to one another. He only speaks to me when he wants to know things about you..."
Kumunot ang noo ko sa kwento nito habang naglalakad kami patungo sa main gate ng University.
Why does he want to know? Ano bang binabalak niya? Hindi ko na lang isinatinig at nagpasyang ipagpaliban na muna ang tungkol sa pagtulong sa basketball team namin.
"Hmm... Ayaw mo ba talagang sumama sa party ni Desiree?" Pag-iiba ko ng paksa.
Siya naman itong umismid.
"I already told you my opinion regarding that subject," sabi nito, "You should listen to me and refrain from fraternizing with the likes of them. Gulo lang ang aabutin mo sa kanila."
I contemplated on her words and knew that she might be right given my past experience with Desiree's group. But...
"I've never been to a birthday party..." Nahihiya kong tugon.
Puwera noong kaarawan ni Cecilia na hindi ko rin natapos, hindi pa ako naiimbita sa isang malaking salu-salo sa labas ng angkan. Ngayon pa lang.... I thought as I grabbed the colorful card from my pocket and wishfully stared at it.
I lifted my eyes from the card when I heard a groan. Miyu was sporting a tired look as she stared at me.
"You're impossible, you know? Paanong hindi ka pa nakakapunta sa mga party? Wala bang nag-imbita sa iyo noon?"
Nagbaba ako ng tingin bago dahan-dahang umiling. No one wanted a cursed one like me to be part of their celebration. Takot kasi silang masumpa ko...
Isang mabigat na hininga ang kanyang pinakawalan bago tumigil sa paglalakad para harapin ako.
"My birthday is on May, Ryu-niisan's on July, the twins' are on August and... um... Himura-san's on December," she randomly said, her forehead creased with uncertainty about something, "Hindi pa tayo magkaibigan noong huli kong kaarawan. And I'm sure you won't come to my brother's birthday even if he gives you his VVIP card."
Napakurap ako sa huli nitong binanggit. Hindi naman kasi iyon lubusang totoo. Depende sa intensiyon ng pag-imbita ni Drake sa akin, baka mapaunlakan ko rin siya.
Huwag lang siyang gagawa ng eksena at talagang reregaluhan ko siya ng ilang baling buto!
"Shikataganai!"
Naagaw nang biglang pagsigaw nito ang aking pansin. She has a defeated look on her face.
"We'll go to the party," anito at agad na bumusilak ang tuwa sa dibdib ko.
"Seryoso?"
Isang beses siyang tumango. Hindi ko na napigilan ang sobrang saya, niyakap ko na siya nang buong higpit.
"Thank you, Miyu!" Sabi ko pa bago siya pinakawalan.
Inayos pa nito ang natabingi niyang glasses.
"We will go to that party..." She reiterated and it made me want to hug her again, "...on one condition."
Agad na nawala ang ngiti ko sa huli nitong sinabi. Bahagyang nakaangat ang isang gilid ng kanyang bibig. Her chinky eyes were glinting with unsaid mischief; it reminded me how her brother's eyes looked like when he found something entertaining. If the meaning behind this look was one of the things these siblings share in common, then this could only mean one thing... And that thing wasn't usually nice...
"What?" I finally asked.
Lalo lang umangat ang gilid ng kanyang bibig at mga mata.