HINDI PALA.
Nasabi ko na ba na, in life, there's this thing called, 'PAG-NGANGA'!?
Kasi iyan ang naging buhay ko simula nong nangyari sa amin ni Ashton.
Alam niyo bang one week akong umiiyak noon at halos isang buwang puyat!? Lintek na! Ang sakit-sakit sa heart! Hindi ako ginawa ng parents ko para saktan niya lang! Kapag ako talaga nasagi ni puberty! Nganganga ka sa aking Del Valle ka!
"Patty! Dahan-dahan naman sa paglipat ng pages ng libro! Mas matanda pa 'yan sa mga grandparents natin eh! Baka mapatay ka ni Mrs. Solomon niyan!" Saway sa akin ni Anlei nang mapansin niyang minamassacre ko na 'yung libro.
Nandito kasi kami sa classroom. Gumagawa lang ng reviewer para sa exams namin next week.
"Sorry, beb." ani ko atsaka bumaling ulit kay Ashton na nakatayo sa harap at may kausap na isang babaeng tuhod na tinubuan ng mukha. Gosh! Ang tangkad! Hanggang noo na siya ni Ashton eh! Samantalang ako hanggang balikat lang! Eh paano ko na siya marereach kung sa height pa lang talo-talo na!? Hagdan, please. Kahit bangkito lang din.
I pouted. It's been almost 2 years since nangyari 'yun. Magtu-two years na sa makalawa. And hanggang ngayon nganga pa rin ako. Maski nung prom night nung 3rd year kami ay hindi ako pumunta dahil hindi ako inimbita ni Ashton. I heard he invited someone else at gusto kong kalbuhin kung sino man 'yun!
Pero, after ng prom, nabalitaan kong hindi din naman pala siya pumunta eh. Ewan ko ba. Natunugan yata na hindi ako dadalo kaya, hayun! Ni-dump niya 'yung date niya at hindi na siya pumunta. Syempre! Wala ang asawa niya eh, edi wala din dapat siya. HAHAHA! Ang asyumera ko talaga. Tsk. Hanggang assume na lang ba talaga ako? Ang sakit naman...
Nagkaroon din kami ng mga bagong kaibigan. Sina Alys Vallester (half-korean) at Lux Javier (half-caveman).
Si Alys ay boyish at talagang kitang-kita ang pagiging Koreana niya through her skin and eyes. Ang tangos ng ilong niya, pinkish pouty lips at pure black ang wavy niyang buhok na bumagay sa maliit niyang mukha. Nga lang. Boyish. Kaya walang naglalakas loob na lumapit.
Wengya naman kasi! Mas magaling pa magbasketball 'to sa lalaki! Kailangan mo siyang talunin sa basketball bago mo siya ligawan. And unfortunately, wala pang nakakatalo sa kanya. Alam niya kasing maganda siya eh. She knows her effect on them, at alam niya din kung paano gamitin iyon. She's wise. Wiser than wise, actually.
Habang si Lux naman ay hindi mo maintindihan. Pero, sobrang ganda naman at sobrang simple! Sobrang inosente nga lang din and I think it's not good. Lalo na't maraming nakaaligid sa kanyang mga lalaki. Napakahumble at mahinhin. At sobrang mahiyain! Gosh! Pati, siya na yata ang pinakamahinhin sa lahat ng babaeng nakilala ko sa panahon ngayon. But, what I like about her is she's not kj. Kaya niyang sumabay sa trip namin and kahit green ang usapan minsan, hindi siya maarte. She's always curious, but she's smart. And I so damn love her style! Simple yet very sexy.
Pero... Paano na ba? Ano bang dapat kong gawin?? Eh 4th year na kami ah? May goal ako na dapat maging kami bago mag-fourth year! Pero, damn! Gagraduate na kami next year! Nakakaiyak naman!
Paano magiging kami kung ayaw niya naman sa akin? Ano 'yun!? One sided love!? Eh, pero-- PWE! Ano ba 'tong naiisip ko!? No. I'm not desperate! I just like him too much that I do look so desperate, but I'm sure I'm not! And I'm too young! For pete's sake!
You don't believe me, don't you? =__=
Well! Papatunayan ko na kaya ko siyang kalimutan! Hmp! I'll move on now! Kayang-kaya kong mag-move on! Pero, damn! Bakit ako magmomove on!? Eh hindi naman naging kami!?
Bakit ba ako nafu-frustrate!? Eh kasi, ang lintek niyong leading man ay nakikipagharutan sa iba!! Hayun at nakikipag tawanan sa kapreng 'yun! Wengya talaga!
Nakita kong hinampas nung engkanto si Ashton at etong gwapo naman ay parang natuwa din! Respeto naman, Ashton! Nandito ako! Nandito ang asawa mo! Ang future Mrs. Patricia Janella G. Del Valle mo! Pakshet talaga!!
Umiling na lang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Pero, langya! Walang pumapasok sa utak ko kundi 'yung paglalandian ng dalawang kapre sa harapan.
Nagpatuloy ako sa pagrereview. Kalahating oras kong binasa ang 5 chapters at nagsimula akong gumawa ng reviewer.
"Patricia." Halos masamid ako sa sarili kong laway nang marinig ko ang boses niya. Natigilan ako. Tama ba ang rinig ko?
"Patty... hey." Nanlaki ang mga mata ko at tiningala siyang nakangiti sa akin.
"Uh..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Tumawa niya ng mahina.
"Pwedeng magpaturo?" sa mga sinabi niya ay nanginig ang mga kamay ko, "Sa... r-reviewer sana?" pagkasabi niya noon ay parang may kung anong nagliparan sa tiyan ko. Pakiramdam ko ay nabuhay ang mga pilit kong nilalason na mga damdamin para sa kanya.
Nangatog ang binti ko nang kinagat niya at labi niya, "Uhm... Nahihirapan kasi ako sa--"
*scratch*
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa librong hawak ko.
"Oh my gosh!! Patty!" Napatingin ako kay Anlei na halos himatayin sa pagkagulat. Kumunot ang noo ko at kaagad na naubusan ng dugo sa mukha nang nakitang napunit ang libro sa harap ko.
"Patricia!" Mahina pero mariin na sabi ni Katie sa akin habang umiiling.
Napatingin ako kay Ashton na nakatingin din sa akin habang nanlalaki ang mata. Halos malunok ko pati ang ngala-ngala ko. This is so embarrassing!
"What's happening there?" Ani Mrs. Solomon na adviser namin.
Binabawi ko na ang sinabi ko. I don't own this school. Not today.
"Ms. Geronimo." Halos malaglag ako sa kinauupuan ko, "Alam mo bang mas matanda pa sa lolo't lola mo 'yang libro na 'yan!? That book lived in the library for ages! Si Don Enrique Saavedra Sr. pa ang may ari niyan! Panahon pa ng mga Español 'yan, Patricia!" Galit na galit na utas ni mam sa akin.
Halos ipagdasal ko na lamunin na lang ako ng lupa sa kinauupuan ko! Gosh! Nakakahiya! Tapos si Ashton nasa tabi ko pa!
Yumuko na lang ako sa kahihiyan at napapikit, "I-I'm sorry, mam-"
"Go to my office later and bring that book with you." Mariin niyang sabi kaya tumango ako.
"Ma'am." Halos lumuwa ang mga mata ko nang tumayo si Ashton at sumunod kay mam, "Kasalanan ko po. Uh... ginulat ko po kasi siya. Kaya ayun! Na... napunit 'yung libro. So, it's my fault, ma'am." gusto kong tumakbo sa harap at yakapin siya pero alam kong hindi pwede!
"Okay, then, Mr. Del Valle. After ng klase, pumunta ka sa office ko." Kalmado ngunit mariin na sabi ng teacher namin.
"Yes, ma'am." Sagot niya atsaka tumango.
Hindi na siya ulit lumapit sa akin. Pakiramdam ko na-turn off siya lalo sa akin! Tanga-tanga kasi eh!!
Inabangan ko siya sa labas ng faculty room.
Nang lumabas siya ay naka-poker face na naman siya with his maangas aura. And I must say, after 2 years? Puberty finally hit him! And it hit him damn hard! Oh gosh! He's super hot!
Nilagpasan niya ako.
Gosh!! Nakalimutan kong nandito nga pala ako para kausapin siya. He probably saw me drooling and that's disgusting!
"A-ashton!" Sigaw ko sabay habol sa kanya.
He immediately stopped and looked at me while raising an eyebrow, "Yeah?" He asked.
I gulped, "Uh... about what happened a while ago--"
"Oh, yeah. Don't worry about that. It's nothing..." he smiled and I almost faint.
"S-salamat--"
"... it's not free either." Aniya atsaka tumawa.
Kumunot ang noo ko. He smiled. A wicked smile I have never seen in my life.
"In return... you'll be my assignment maker and tutor. You know? Busy ako minsan sa banda at nakakalimutan kong gumawa ng assignment at magreview. So, you'll do it for me for... siguro, 3 months? It won't hurt you, right?" Pagkatapos niyang magsalita at bumalik ako sa reality.
"A-ano!?" Pasigaw kong tanong.
"What? I saved you, Patricia. Ako ang nagbayad sa napunit mo. I paid 5000 pesos for that damn piece of paper--"
"Well, damn that! I can pay for it, thrice! Sana hindi mo na lang inako!" Wala sa sarili kong sabi.
"So... that's your way of thanking me?" Aniya habang nakataas ang kilay.
I rolled my eyes and felt guilty pero hindi ko pinahalata. Ang liit na bagay! Pero, kakagatin ko dahil alam kong chance ko na din 'to!
I shook my head, "Fine! 3 damn months and that's that! Salamat sa pag-ako! Damn!" After I said that I walked out.
I heard him chuckle, "Good girl." He whispered.
Kinilabutan ako sa sinabi niya kaya napalingon ako. He raised an eyebrow when our eyes met. Ugh! The intensity of his eyes are too heavy! Nagiwas ako ng tingin at binilisan ko na lang ang lakad ko dahil baka hindi nako makapagpigil at maglupasay nako sa harap niya at magmakaawang i-girlfriend niya ako!
But, No. Damn. Way!
I don't want to be in that kind of shame! But, he's my Ashton. So, maybe one day if I'm crazy enough. I'll do it and I'm damn serious!
Pero, damn! Akala ko okay na... hindi pala... gagamitin niya lang pala ako.
Akala ko... hindi pala. Damn! Hindi pala talaga! So, damn him for that!
I shook my head in dismay and walked to our next class.